Chapter 1

284 4 0
                                    

Cathy's POV

"Anak? Ok naba ang lahat? Handa kana ba? Nakapagpaalam kana ba sa mga kaibigan mo? Naimpake mo na ba lahat nang damit mo? Baka may nakalimu--

"Ok na ho ma. Wala na pong problema."

sabi ko kay mama na may pilit na ngiti sa mukha.

Tsk pano ba naman kasi. Ang dami pang arte. Ok naman kami dito sa Hacienda namin. Ang peaceful nang paligid. Kilala mo pa ang lahat nang tao.

Kung bakit kasi kailangan pang lumipat sa Manila. Hay nako.

"Hay nako Cathy. Bakit nakabusangot na naman yang mukha mo? Mas pumapangit ka tuloy."

Sabi ni kuya Zoren na nakaakbay sakin.

"Ang sama mo kuya. Tsk tumahimik ka nga dyan. Baka marinig ka pa ni mama. Ayaw pa naman nun na kinokontra yung mga desisyon nya." Sabi ko sa kanya habang pilit na tinatanggal yung kamay nyang nakaakbay saken.

" Alam mo Cathy ginagawa lang naman ni mama yung alam nyang makakapagpaganda nang kinabukasan natin eh. Mabuti nga sa Manila lang. Alam mo bang plano nya pa sanang sa America nalang tayo mag-aral? Kaya wag kanang magreklamo dyan."

"Tsk that's crazy."

"Teka nakapag paalam ka na ba kay Marvin?"

"Oo kuya nakapag usap na kami kagabi"

Hay mamimiss ko si Marvin. Kung bakit kasi kailangan sa manila pa mag-aral eh.

--MANILA--

Hay sa wakas matapos ang ilang oras na byahe. Nandito narin kami sa mansion namin sa Manila.

Maganda nga pala talaga rito. Parang busy ang lahat nang tao tapos ang tataas pa nang mga gusali.

"Cathy? Do you like your room?"

"Of course ma thank you."

"Good then, magpahinga kana. Pasok mo na bukas."Sabi ni mama habang sinusuklay ang buhok ko.

"Ok po ma, goodnight!" Saad ko at lumabas na nga nang room ko si mama.

Infairness, ang ganda nga nang kwarto ko. Peach yung color nya tapos white yung bed ko tapos parang may mini veranda pa. Tsk si mama talaga alam yung mga gusto ko. Nilagyan nya pa talaga ako nang gitara at maliit na piano sa kwarto.

"Cathy? Pahiram naman nang charger nang Iphone mo oh. Nasira kasi yung akin."

Sigaw ni kuya Zoren. Magkatapat lang naman kasi yung room namin.

"Oh heto, teka kuya? Pahiram naman nang pick mo."

At binigay na nga nya saakin.

"Thanks" Sabi ko sabay takbo sa room. At dahil nga may pagka clumsy ako.

DUUUUUUGSH!!

"HAHAHAHA! yan kasi."

"Aray ko naman. Leche ka kuya. Imbes na tulungan mo ako. Pinagtawanan mo pa."

Pumasok nalang ako nang room ko. Kinuha ko yung gitara ko at unti unting nag strum..

For all of my life

you are the one.

I will love you faithfully

forever.

For all of my life

you are the one.

I'll give to you my greatest love

for all of my life.

Hay Marvin. Miss na kita agad :(

At bago muna ako matulog magpapakilala muna ako sa inyo.

Ako si Catherine L. Fortalejo. Im 16 years old.Mayroon akong nag iisang kapatid na si Zoren Jake Fortalejo. Meron rin akong bestfriend na naiiwan sa probinsya na si Marvin Cruz. Kung sya eh bestfriend ang turing sakin. Ako naman is more than that. Yea tama kayo CRUSH ko sya. Hindi pa mahal kase bata pa naman ako. Alam kong puppy love lamang ito pero alam kong dun rin yun pupunta hehe. Mahal ko ang pagkanta at pagtugtog. Mabuti nalang at binigyan ako nang talent ni lord pag dating sa musika:) at simula bukas mag aaral na ako sa St.Monica High.

Sige na matutulog na ako!!

GOODNIGHT;)

Ms.ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon