Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon. Na ang isang payat at nerd na binubully niya dati ay magiging ganoon kagwapo at kamacho. Mas matanda ito sa kanya ng limang taon, seven siya at ito twelve years old kaya nagtataka siya kung bakit kahit inaapi api niya ito nung kabataan nila hindi ito pumapatol sa kanya.
Sobrang tagal na pala noong huli silang magkita. Natatandaan niyang basta na lang umalis ito at mommy nito sa bayan nila. At simula noon wala na siyang naging balita sa lalaki.
Tapos ng magkita naman ulit sila ito pa ang nakakuha ng pinakaiingatan siya, at hanggang ngayon kahit ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin siya maka get over.
She closed her eyes as she sank her body at the bath tub, oh god it feels so good! She was stayed in the scented water and let the perfumed heat seep into her bones and soothe her mind.
But everytime she closed her eyes, ang gabing may nangyari sa kanila ang naaalala niya. Pero nagtataka rin siya sa sarili, wala kasi siyang makapang pagsisisi sa nangyari.
Napabuntong hininga siya, pero hanggang kailan kaya mananatili sa kaisipan ang pangyayaring yon? Gustong-gusto niya ng kalimutan dahil alam niya namang isang pagkakamali ang naganap.
Noong una sinisi niya ito, but she realized, she is also partly to be blamed. Natatandaan niya na, na kusa siyang sumama sa lalaki. Naalala niya ang itinawag nito sa kanya...Panyang. Ang lalaki ang unang tumawag sa kanya ng pangalang yun, galit na galit siya rito noon dahil ang ganda ng pangalan niya tapos yon ang itinatawag nito sa kanya.
After twenty minutes in the tub she decided to take a shower then toweled herself dry, she pulled an oversized cotton t-shirt and slid into bed.
Pabiling biling siya sa kama, mukhang hindi na naman siya makakatulog agad. She tigthly closed her eyes pero imahe na naman ng lalaki na nakangisi ang naiisip niya.
She decided to read a book for a while. Kinuha niya sa bedside drawer ang isang paboritong libro, nung isang linggo niya pa ito sinimulang basahin, gustong gusto niya kasi ang mga ganitong genre, suspence drama. Pero ngayon parang nawalan na siya ng appeal basahin, she turned the pages and skimmed sentences pero wala naman rito ang focus niya.
Naiinis na siya sa sarili! Umalis siya sa kama at lumipat sa sofa, tiningnan niya ang orasan na nakasabit, ten na ng gabi.
Pinilit niyang itinuon ang isip sa binabasa pero wala talaga! Naibato niya ang libro sa maliit na mesa, kaya nagpatak ang ibang mga nakapatas doong mga brochures at magazines.
Kaya kahit tinatamad walang gana niyang pinagdadampot ang mga nalaglag. Dadamputin na sa sana niya yong isa ng makuha nito ang buong interest niya. Naalala niya na binili niya ito kahapon ng minsang mapadaan siya sa mall, hindi niya alam kung bakit niya binili eh gusto na nga niyang kalimutan ang nangyari sa kanila.
Napaismid siya. Evans Demitrius the number one sexiest bachelor and the youngest billionaire in asia.
Nagtataka siya kung bakit nagpalit ang lalaki ng pangalan, noong mga bata pa kasi sila, Gelo ang tawag ng ina nito, kaya yun na rin ang itinawag niya. Gelo payatot, napahagikhik siya. Ano kaya kung ipasa niya ang mga pictures nito noong bata sa editor ng magazine? Tiyak na pagkakaguluhan lalo ito.
Dinutdot niya ang magazine, infairness ang gwapo niya rito, hindi na talaga ito payatot.
Pinasadahan niya ng hintuturo ang katawan nito sa magazine. Nakasuot ito ng black coat and tie tapos nakadecuatro na nakaupo sa isang single sofa. Hindi man lang ito ngumiti, nakaisip siya ng kapilyahan. Para siyang bata na nagmamadaling kumuha ng black pen sa drawer.
Nakadapa siya sa kama at sinulatan ang magazine ng lalaki. Napahagikhik ulit siya ng makita ang itsura na ng lalaki ay nakangiti na. "Oh yan mas bagay yan sayo Mr. Dimetrius." napangisi siya ng lagyan niya rin ng malaking salamin sa mga mata ang picture ng lalaki.
***
"Beautiful, isn't it?" said the deep baritone voice that haunted her sleeps for so many night.
Her chinky eyes turned chinkier. "What the hell are you doing here?" sita niya sa lalaking katabi.
Nasa isang kabubukas na gallery naroon si Tiffany, her friend invited her here. She always love painting kahit wala siyang talent magpinta. Gumagaan kasi ang pakiramdam niya kapag nakakakita ng painting, she felt herself as if being transfered to another world, kaya parang stress reliever niya ang mga ito. In fact, there is a huge room inside her house na punong-puno ng painting, Kahit na anong painting basta magandahan siya ay binibili niya.
Mula sa tinitingnan niya ring painting, inilipat nito ang mga mata sa kanya.
"I want you to be my social companions for a few weeks." he stated without preamble.
She laughed na parang isang malaking joke ang sinabi ng katabi. "Ang lakas ng loob mong alukin ako ng ganyan. As if papayag ako, mr. Demitrius." naiinis siya rito parang hindi man lang ito apektado sa nangyari sa kanila ilang araw na nakakaraan. Samantalang siya, she was trembling inside, his nearness makes her breathless. Tinatatagan niya lamang ang kalooban niya.
"How did you know i am here?" she asked him frowning.
He shrugged his shoulders. "I just know." he said cooly.
"Are you stalking me?" akusa niya sa lalaki.
"Ofcourse not, why would I be." he said, blanko ang mukha nito.
Sumama ang timpla niya sa sagot ng lalaki. Iniwan niya ito at lumipat siya sa isa pang painting.
Pero sumunod ito, gusto niya sanang singhalan ito pero maraming ibang bisita rin ang bumabati sa kanya. She could sense their curiousity. Alam niyang walang hindi makakakilala sa katabi, nafeatured na kasi ito sa iba't-ibang magazine.