"I've been looking for you Evans, you're here lang pala!" a beautiful girl exclaimed. Basta na lamang ito kumapit sa braso ng lalaki.
Nabigla siya ng makilala ang babae, si Dana. Her long time rival sa larangan ng modeling. Pareho rin sila ng agency. Napaismid siya, so magkakilala pala ang dalawa. Hmm, bagay sila. Inirapan niya ang mga braso nitong magkapulupot.
"Oh, Tiffany you're here!" pansin nito sa kanya.
Tiffany rolled her eyes. "Obviously," she murmured.
Napansin niyang inalis ni Evans ang kamay ni Tiffany sa braso nito. "Seryoso ako sa sinabi ko kanina, Tiffany."
"Go find some other girl," Tiffany directed. "I'm not interested.
His jaw tensed and his lips parted slighty. Hindi ito makapaniwalang tinanggihan niya ito. "Wala ba akong maaaring gawin para magbago ang isip mo?"
"No, not a thing." she said.
Pinaglipat lipat ni Dana ang mga mata nito sa kanilang dalawa ng lalaki. "Evans, ano bang pinag-uusapan niyo?" nakakunot ang noo nito.
Hindi niya na pinakinggan ang paliwanag ng lalaki kay Dana at basta na lang siya tumalilis paalis.
Nakasalubong niya sa hallway ang kaibigan niyang may-ari ng gallery, "Oh, Tiffany you're going? It's too early pa."
"Yeah, i have to go na kasi. Ipadeliver mo na lamang bukas yung napili kong painting." she just said, gusto niya ng umalis agad para kasing may nararamdaman siyang hindi niya magugustuhan.
"Okay friend take care."
She murmured thanks at dumiretso na siya sa labas para tumawag ng taxi. Hindi siya nagdala ng kotse dahil tinatamad siyang magmaneho.
"Tiffany," tawag sa kanya ng isang lalaki sa may kanan niya.
Pinagmamasdan niya ito habang naglalakad palapit sa kanya. Nakasuit ito at parang kagagaling lang sa loob ng gallery. Nag-init ang ulo niya ng makilala ang lalaki.
"Oh, hi Dirk long time no see." he greet him sarcastically. Ewan ba niya pero parang nag-init ang ulo niya ng makita ito. Kung dati rati sabik siyang makita at makasama ito pero ngayon...parang gusto niyang sampalin ang pagmumukha nito. Naaalala niya kasi kung bakit ito nakipaghiwalay sa kanya.
"Can we talk?" tanung nito at hinawakan siya sa braso.
Marahas niya namang inalis ang mga kamay ng lalaki, ang kapal din naman ng mukha hawakan siya. "Wala na tayong dapat pang pag-usapan!" she hissed. "Di ba malinaw na naman sa akin kung bakit ka nakipaghiwalay dahil hindi ko maibigay ang sinasabi mong biological needs!"
"I'm sorry nagkamali ako baby... and i want you back." mariing sabi ng lalaki.
Sorry? Sorry lang? Pagkatapos nitong hiwalayan siya ng ganoon lang. Sorry lang matatanggap niya!
Tumawa siya. "I heard you were hanging with some girls, bakit nangungulit ka ngayon? Nagsawa ka na ba sa mga babaeng yon kaya ako ang kinukulit mo?!"
"They're just a fling, please Tiffany.." pakiusap nito.
"Please what?!" sigaw niya.
Huminga ito ng malalim. "I still love you, so please baby let's start anew."
"I'm sorry pero ayoko na sayo, kaya please don't block my way, i need to go."
"Okay, ill take you home." sabi nito at pinipilit na hinihila sa parking area.
"Ready to leave?"
Natigilan silang dalawa ng may familiar na bultong humarang sa daraanan nila. The familiar male scent linger on her nose. Napapikit siya.