Chapter 6. [Gosh. Announcement na.]

88 2 0
  • Dedicated kay Frances Garcia
                                    

"And the Student Council's new Elected President for this batch is........."

"John Christopher Tuluyan." 

Humakbang siya sa Stage, Kumaway na parang Beauty Queen, Habang ako, Naiwanan na parang timang doon. Tanggap ko na ang pagkatalo ko, Simula palang. Okay lang yun, Atleast naman tatlo lang yung lamang niya sa akin diba? At parang naiisip ko na rin kanina pa kung sino yung tatlong yun, Sina Bettina, Czarina at Jayza. Totoo naman diba? Sino pa bang iboboto nun? Si Christopher lang naman laging nasa isipan nung mga yun eh, Si Christopher na baliw na baliw sila, na kulang na lang eh Lunukin nila ang pagkatao nila para sa Mokong na yun.

Okay lang ako. Tanggap kong natalo NA NAMAN ako. Okay lang, marami pang araw para bumawi. So kinuha ni Tu-Pe yung microphone para sa Speech niya. Mang aasar na naman to.

"Nais ko pong magpasalamat sa lahat ng taong bumoto sa akin. Lalo na sa tatlong taong yun na nagpalamang ng boto ko."

Sigawan yung tatlong Gaga, feel nila talagang sila yung "tatlong" yun. Para silang nanonood ng concert ng artista kung makasigaw, kulang nalang eh mahimatay at ilagay sa ambulansya sa sobrang starstruck nila.

"Pero bago iyon.... May sasabihin ako sa inyong mahalagang announcement."

Natahimik ang lahat sa sinabi niya, Kahit ako rin napatahimik. Mahalagang announcement? Ano naman kaya yun? Ipapahiya ba ako neto or something? Actually clueless talaga ako sa sasabihin niya. Wala akong alam. Ang utak ko ay blankong blanko. Wala pumapasok sa isip ko na kahit ano.

"Gusto ko pong tawagin ang Girlfriend ko dito sa Stage." 

Sigawan lahat ng babae, gulat ang lahat. Pati na rin ako. Girlfriend? May Girlfriend na pala tong mokong na to. Hindi ko man lang alam, Late na late ako sa balita ah. Nasa baba ako ng stage, tinitingnan ko lang siya. Natural, wala naman akong gagawin e. Nganga lang ako.

"Pag hindi ka lumapit dito, Ako mismo ang hahatak sayo."

Wala pa rin talagang lumapit sa kanya, Siguro nagloloko lang talaga tong Mokong na to. Girlfriend?! Eh hindi nga marunong manligaw to eh. Paano siya magkakagirlfriend. 

Bumaba siya ng Stage, Lalapit sana si Bettina sa kanya, Kaso ibang direksyon ang pinuntahan niya. HAHAHAHAHA Natatawa ako kay Bettina eh, Ang laking assuming. Ang akala niya siguro siya yung "Girlfriend" na tinutukoy ni Tupe. Wala, dinedma lang siya ni Tupe nung magpapahila na dapat siya. Ang kapal niya ah, Magpapahila pa talaga siya.

Wait. Parang maling direksyon ang Pinupuntahan niya. BAKIT SIYA PAPUNTA SA AKIN?! Hinawakan niya ang kamay ko, at hinila niya ako paakyat ng stage. Nakita ko ang reaksyon ng mga tao, May ibang kinikilig, May ibang naiinis, May ibang sumisigaw nalang para mag ingay. Pero kahit ganun, hindi ko alam kung bakit natutuwa ako sa Reaksyon nila.

"Sa lahat ng tao na naririto sa School na ito. Pinakikilala ko po sa inyo ang Girlfriend ko. Si Roxanne Barrientos."

Sigawan ang lahat ng tao, Maraming kinikilig. Yung iba tumatalon talon pa. Yung ibang teachers naman, magkahawak ang dalawa nilang kamay at tinitingnan kami na parang sinasabing "Im so Proud of you." look. May kislap pa ng mga matang hindi ko maipaliwanag.

"KISS. KISS. KISS. KISS."

Kinantyawan kami ng mga tao, Nagulat ako. Umiling-iling pa ako sa kanilang lahat, pero hindi sila tumigil. 

Hinawakan ako ni Tu-Pe sa pisngi. Umiling iling ako sa kanya. "Wag muna please." sabi ko sa kanya ng Mahina. "Sorry Ox, Pero part to ng Pustahan natin."

PUSTAHAN?!

Oo nga pala, Nakalimutan ko, May pustahan pala kami. Iisa lang ang ibig sabihin nito, Talo na naman ako sa pustahan.

Hinawakan niya ang Pisngi ko, Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

....And then, He kissed me on the Lips.

*Hannah's POV.*

Ano?! Akala ko ba mag bestfriends kami?! Bakit sila na pala ng crush ko simula First Year kami, Diba nga Stephen siya, tapos Christopher naman ako? Bakit sinira niya yung promise namin sa Isa't isa? We are B-E-S-T-F-R-I-E-N-D-S right?

Nung nagkiss sila sa harap ng maraming tao, nagwalkout ako. Ang sakit e. Parang trinaydor niya ako, feeling ko niloko ako. Eh niloko naman talaga ako eh. Bestfriend ko pa talaga yung may ganang manloko sa akin. Ang kapaaaaal ng mukha nila.

Tumakbo ako palabas ng Arena, Pero di sinasadyang may nakabunggo ako. Tinulungan niya naman akong makatayo. Pero nakita kong may toyo na yung nakabangga ko, at nakita kong nagkalat yung Siomai sa sahig. Omaygash. Dahil sa drama ko, naka perwisyo pa ako.

Nakakahiya. Ang daming nakatingin sa amin. Nakakahiya talaga. Hindi ako makatingin sa mata niya dahil sa nagawa ko.

"Sorry. Hindi ko sinasadya."

Tumakbo ulit ako para hindi na ako mapahiya. Pero hinawakan niya yung braso ko para hindi ako makaalis.

"Teka miss. Hanggang Sorry ka nalang ba?"

Nakita ko yung mukha niya. Omaaygaaaaaad. Ang pogi pogi pogi niya. Sana kanina ko pa pala tiningnan yung mukha niya. Edi sana nawala agad yung BV ko kay Roxanne.

"Sorry talaga, Hindi ko sinasadya." Sabi ko sa kanya.

"What's your name?" Tanong niya sa akin.

"Me? I am Hannah Garcia." Nag shake hands kami, Nung nahawakan ko yung kamay niya, I felt something that Electrified me. Kinikilig ba ako? Or dala lang to ng Infatuation ko?

"I'm Chryz Lim."

God. What a handsome name. Bagay sa kanya, hindi ko alam kung bakit, Pero ang gaan kaagad ng loob ko sa kanya. Feeling ko crush ko na syaaaaa.

"Hindi mo ba ako ililibre ng Siomai?" Tanong niya sa akin.

Syempre naman, I am a nice person, Pinalitan ko yung natapon kong siomai, we talked a lot. New student pala siya, kaya hindi masyadong familliar yung face niya sa akin. Ang gwapo niya promise.

And guys, Forget about Christopher na ha? Because I have Chryz now. Thanks Roxanne, dahil sa pagka BV ko sayo, may nakilala akong bago.

It's the start of something new :">

Win or Lose?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon