Chapter 11. [Ugh. A basketball game?!]

74 2 3
                                    

Roxanne's POV.

So safely, nakarating naman kami dito sa bahay. I mean bahay nina Tupe. Bumaba kami ng sasakyan, present lahat ng close friends namin, Syempre, nashock ako nung nakita ko si Stephen, kasi akala ko hindi siya pupunta, nakita ko siya naka beats. Then wala siyang masyadong kausap, pupuntahan ko sana siya kaso biglang may humawak sa kamay ko para pigilan ako.

"I'm your boyfriend right?" Sabi sa akin ni Tupe. Hindi ko nalang siya pinuntahan, besides, baka kung ano pa ang sabihin ng grupo ni Elaiza sa akin, sabihan na naman nila akong malandi.

So Tama nga ang naging desisyon kong wag na siyang kausapin, kasi nakita ko sila Elaiza, kinakausap si Stephen, and mukhang masaya siya. Ok payn.

Pumasok na kami sa Loob, and the house was really good. Malaki talaga siya, Then sa Terrace, makikita mo yung Taal Volcano, ang ganda ng view.

Yung pool pa ay nakaharap sa Taal Lake, making it look like an infinity pool. Which is awesome. Ang ganda ng place, buti nalang at nakiepal tong si Tupe sa party ni Joy, kung hindi, di sana kami makakapunta sa ganito kagandang lugar.

Then sa gitna ng bahay merong Piano. It's not an ordinary Piano for me. Triangle Shape kasi siya. Kulay brown tapos makinis yung kahoy. Then I saw Stephen, tinititigan niya yung Piano. Alam mo yung 'titig' na may laman? Yung ganun. Kung hindi ko lang siya kilala, siguro mapag iisipan ko siya bilang isang may saltik sa utak, Pero hindi, alam kong may problema siya.

So I shrugged my shoulders nalang. "Siguro ako lang talaga yung may saltik." Then siniko ako ni Tine.

"Bakit mo kinakausap sarili mo? Saka sino yung may saltik?" May paganito-ganito ka pa. Then ginaya niya ako kung paano ko shrinug yung shoulders ko kanina.

"Ano ba, tigilan mo nga ako."

"Eh sabi mo eh." Inirapan ako ni Tine, pero pabiro, normal na sa amin yun. Nagpout nalang ako.

So binigay na sa amin yung rooms kung saan kami mag sstay, so the resthouse ay merong 7 Rooms. 1 Master Bedroom, for Tupe's Parents daw. 1 Room for her Older Sibling, 1 room for her younger sibling, and 1 room for 'special' person daw. Then 3 guest rooms.

"Sino yung Special Person na yun?" Tanong ni Janice.

"Ah yun ba? Room yun ni J--" Naputol ang sinasabi ni Landon nang takpan ni Tupe yung bibig niya. Si Landon ay childhood friend ni Tupe, kaya sure akong kilalang kilala na niya ito. Part siya ng Varsity ng Basketball Team sa school namin, matangkad, medyo malaki yung mata, pero malakas yung appeal.

Hindi ko nga pala nasasabi sa inyo, Crush siya ni Janice. :"">

"Ah, Si Jaden. Para sa pinsan ko." Sabi ni Tupe.  Pero the way na magsalita siya, parang may tinatago siya. Hindi ko alam kung ano, pero parang ayaw niya yong sabihin kahit kanino. It means, wag na nating yun pag tuunan ng pansin, hindi naman siya ganun kahalaga.

Nilibot namin yung buong house, mula sa labas, medyo maliit pa siya kung titingnan para sa akin, kasi hindi ko ineexpect na may basketball court pala sa loob. Nagulat ako, then may Clock, saka bleachers sa gilid.. I was amused. Sa Labas may pool, then dito sa Loob may court.

Guess What?

Yung Court is located sa May Underground. How awesome is that?

"So Boys, let's play Besketball later. Pero right after niyo ipack down yung things niyo for your designated room." Sabi ni Tupe. "Kayo na ang bahala kung sinong mga kasama niyo sa kwarto. 3-4 persons lang per room. We will only use 6 rooms. Ayaw nila Mom na may gumagamit ng Kwarto nila."

Awkward Silence lang ang naganap, ang lahat ay nag aantay ng susunod niyang sasabihin.

"So? Let's get the party started?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Win or Lose?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon