Chapter 9. [36 minutes..]

68 1 0
                                    

Nakatulala lang ako. Hindi ko alam kung anong gagawin. At lalong hindi ko din alam kung anong sasabihin sa kanya. Nakita ko yung mangga at bagoong, natatakam na naman ako. Kukunin ko sana sa kanya yun, kaso iniiwas niya sakin yun.

"Teka-teka, wala ba munang kiss diyan bago mo makuha to?"

Nagpout ako.

"Eto naman, hindi mabiro, eto na yung Mangga oh." Inabot niya sakin yun tapos kinuha ko naman. Tumalon-talon ako tapos yinakap ko siya. NG HINDI SINASADYA.

Medyo naging awkward. Kaya nungpagkakalas ko, nagblush ako, kasi hindi ko naman talaga sinasadyang yakapin siya.

"Bakit namumula ka?" Tanong niya sakin. Then he gave me that evil smile again.

Everytime He smiles like that, may iba talaga akong nararamdaman. Hindi ko maexplain kung naiinis ba ako....

O kinikilig.

Bahala na, basta ang alam ko may mangga na ako. Hahahaha

"Wala man lang bang thank you diyan?" Tanong niya.

"O, edi thank you na..."inirapan ko siya.. "Umuwi ka na nga!"

"Eto na. Uuwi na ako, buti nga dinalhan pa kita ng bagong paborito mo."

"Goodnight."

"Goodnight." :)

"I LOVE YOU."

"Umuwi ka na nga!" Pero inaamin ko, medyo kinilig ako dun. Dafuq? Hindi ko siya gusto, hindi ko naman siya inaayawan, pero everytime, lagi nalang akong kinikilig. I don't know why!

AFTER 1 DAY...

Bagong umaga, nasa room ako, unti unti na ding dumadating ang mga kaklase ko, katabi ko si Janice, tapos nakikipagdaldalan na din siya sa ibang tao, nagkakaroon na rin siya ng iba't ibang friends.

Tiningnan ko yung tatlong demonyita, magkakasama sila as usual, nakita nila akong nakatingin sa kanila, tapos nagbubulung bulong na ng kung ano-ano. Ang sarap pagsasapakin ng nguso. Kairita. Hmmph.

Pero may napansin ako na parang kulang...

Pagkatingin ko sa upuan ni Stephen, nawawala siya. Simula first day na naging kaklase ko siya lagi siyang late, pero laging 10 minutes or 5 minutes lang.

Pero these days, nagiging 30-45 minutes na. Hindi ko alam kung bakit. Lagi rin siyang parang may problema, at mahahalata mo yung sa mga mata niya. Lalo na kapag ngumiti siya, parang may something na mabigat sa loob niya.

After 36 minutes...

Dumating na si Stephen, tuyo na ang buhok, karaniwan kasi ng bagong pasok laging basa ang buhok, sa kanya tuyo na. Parang haggard. Ganun?

Pinapasok na siya nung teacher namin, buti mabait si Mrs. Punzalan. Kinausap ko siya.

"Stephen, may problemaka ba?" Nilapitan ko siya.

"Ah. Wala." Ang cold. Hindi ko alam kung bakit. Pero hindi konektado sa akin ang rason na yun.

"Basta, pag may problema ka, approach me. I'll always be there."

"Salamat Roxanne." Binigyan niya ako ng Plain smile.

Tapos bumalik na ako sa upuan ko.

Recess time namin, july na pala. Hindi ko namamalayan mabilis yung pagikot ng mundo, parang kailan lang start na ng classes.

Medyo nakahugot na din kami ng friends, naging masaya naman, kalog din at maingay.

"Guys, malapit na pala yung birthday ni Joy! Anong plano natin para dun?" Tanong ni Maureen samin.

Naka ub-ob lang ako sa mesa, pero nabuhayan ako ng loob dahil sa topic.

"Gusto kong magswimming. Hahaha." Nagising akong bigla. Kaya nasabi ko yan.

"Oo nga. Parang gusto ko din, besides, gusto kong magpa tan." Sabi ni Janice.

"Ang negra negra mo na nga magpapa-tan ka pa." Pang aasar ni Hannah kay Janice.

"Eto na namang dalawang to, mag aasaran na naman. Basta guys, game ako sa swimming." Sabi ni Tine.

"ANO KAMO?! SWIMMING?!!" Hindi ko namamalayan kanina pa pala nakikinig sa amin si Tupe.

"Isama niyo naman kami diyan sa Swimming na yan! Bakit ba kayo magswiswimming?" Tanong ni emier, kaibigan ni tupe.

"Birthday ko PO kasi." Sabi ni joy.

"All-set. Swimming tayo sa birthday ni Joy. Ako na ang bahala sa transpo." Sabi ni tupe.

Then we became, 'what the f'?!

Win or Lose?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon