Chapter 7. [Something Wrong? Maybe Something Right....]

55 1 0
                                    

*Roxanne's POV*

After the event, tulala lang talaga ako, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Bakit hindi ko magawang magalit sa kanya? Bakit iba yung naramdaman ko. Ninakawan ako ng halik, diba dapat nagagalit ako? But my heart can't. Hinawakan ko yung lips ko. Naalala ko na naman yung nangyari kanina.

I shook my head.

"ARGH!!! Forget about it Roxanne. Nagloloko lang yun sayo!!"

Habang iniisip ko kung paano yun makakalimutan, mas lalo lang nag sy-sync in sa utak ko yung mga nangyari sa akin kanina eh. How our eyes got near to each other, and how our lips met.

Bahala ka nga sa buhay mo Roxanne. Pinasok mo to 'eh.

*Christopher's POV*

Wrong timing naman oh! Bakit ko nagawa yung kanina?! At nagawa ko pa yun, kanina sa tapat ng maraming tao, hindi lang students ang nakakita, pati na rin mga Teachers. Isama mo na pati yung mga Janitor, mga nagbebenta sa canteen at kung sino sino pa.

Pero ngayon ko lang napagtanto. Maganda pala talaga si Roxanne. Ang ganda ng mga mata niya, ang kinis kinis din ng pisngi niya. Kulay pink pa ang mga lips niya, at sobrang lambot rin pala ng mga ito.

Umiing iling ako para magising sa masamang bangungot.

Ano ka ba Christopher, dapat magising ka. Dapat nga plinaplano mo kung paano siya pababagsakin, hindi yung nahuhulog ka sa kagandahan niya.

Wait...

KAGANDAHAN?! NO. Bakit ko nasabi yun? Diba nga, siya yung pinakapangit na nilalang na nakita mo sa buong buhay mo. Magising ka nga John Christopher, binabangungot ka na yata.

May nakalimutan ako. Nasan na ba yung pinsan ko? Bagong enroll pa kasi yun dito sa school, kanina lang kasama ko yun, bakit biglang nawala.

Hinanap ko siya, nakita ko siya may kasama na kagad na babae. Hanep rin tong mokong na ito, ang bilis makatarget ng chicks.

Malayo pa lang ako, parang chicks ang nakikita ko, pero habang papalapit,

Bakit parang nagiging chaka na?

MAGKASAMA SILA NI HANNAH!!

"Oy Chryz, bakit magkasama kayong dalawa?" Tanong ko sa kanya. Kumakain naman silang dalawa ng siomai.

"Bakit? Eh Wala namang masama sa ginagawa namin ah."

"MAGKAKILALA KAYO?!" Tanong sa amin ni Hannah.

"MAGPINSAN KAYA KAMI!" Sabay naming sabi ni Chryz.

"K." Nagpout nalang si Hannah at pinagpatuloy ang pagkain ng siomai.

Diba nga nasabi ko naman sa inyo na may lahi kaming chinese? So mula sa lahi ng mga LIM nanggaling si Chryz. It means, pinsan ko siya sa side ng nanay ko. Nanggaling sila sa Taiwan, tapos nagbakasyon siya dito sa Pilipinas for a very very long years.

Sasabihin ko pa ba sa inyo kung bakit?

Palipat lipat kasi siya ng school doon, lagi siyang na kikick out sa hindi malamang dahilan. Siguro siya ay nambubully or nabubully. Pero sa mukha niya? Di naman siya mukhang magpapaapi. Wala na akong pakialam sa dahilan niya, basta masaya ako dahil nandito na siya.

"Ano bang section mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko pa alam eh." Sumubo siya ng siomai.

Piningot ko siya tapos dinala ko siya palabas ng canteen, habang nakahawak pa din sa tenga niya.

"Awww. Ang sakit tama na." Binitawan ko yung tenga niya.

"Papasok-pasok ka dito ng hindi mo alam yung section mo. Gusto mo bang ngumanga mamaya?"

Win or Lose?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon