Stories of love; I fell inlove with a badboy. (ON-GOING SERIES)

305 5 0
                                    

PROLOGUE!

Sa mundong ito, hindi nawawala ang salitang 'kaibigan'. Bawat isa merong kaibigan. Sino ba naman ang wala, diba?

Gaya ng limang babaeng tampok sa aking kwento na nagsama sama at unti unting nabuo ang samahan na nauwi sa isang maganda at matibay na pagkakaibigan.

ANG CRAZY 5INGKO.

Binubuo ng limang babaeng may iba't ibang personalidad at kwento sa buhay.

Si Kimberly Ann Garcia o si Kimmy. The "Happy-go-lucky" girl ng grupo. Isang babaeng pinagdamutan ng kalayaan noon. Her parents are very strict to the point na nawala ang kaisa-isahang lalaking pinakamamahal nya. Pinaghiwalay sila. Ayaw ng parents nya sa lalaking yun. Lahat bawal. Lahat may limitasyon. Kaya simula ng makapagtapos sya ng college, "let the party begin!" sabi nga niya. Lahat ng hindi nya naranasan noong nasa lugar pa sya ng mga magulang nya ay gagawin niya ngayon. No one can stop her. She's ready to try everything..

Si Josephine Marie Styles. Ang half pinoy half british lass ng grupo. Anak ng mag-asawang may-ari ng isang clothing line at fashion model company sa England. Fluent with an accent si Pinky. Pero still manage to speak the language of her mother. She was given the name Pinky dahil pag umiiyak sya, tumatawa o kinikilig, her face turns to pink. Sya ang "Belle" ng grupo, from the movie Beauty and the Beast. Why? 'Cos she's one hella pretty lass pero lahat ng nagiging boyfriend nya, beast.. That was never turned into a prince. Hanggang beast lang ang peg. Walang nakakaalam kung bakit hindi sya attracted sa gwapo. Even her friends..

Si Aizel Heidy Martinez. "The player". Grew up from a broken family. She witnessed in her own pair of eyes kung paanong sinasaktan ng brutal na tatay nya ang nanay nyang pilit nagpapaka-martyr sa gagong asawa nya. Wala itong tigil, hanggang sa tuluyan ng mamatay ang nanay nya. And because of that, she turned out to be a man-hater. She promised herself not to be like her mom. Never syang mapapaiyak ng lalaki. Dahil sya ang magpapaiyak sa mga lalaki..

Meet Nouvelle Joy Cyr. Ang "Little Miss Innocent Lover" ng grupo. NO BOYFRIEND SINCE BIRTH, NO BOYFRIEND TILL DEATH. Yan ang motto in life nya. Puro ballet ang laman ng utak. Ang baby ng grupo. Sya ang may pinaka konting alam sa mga bagay bagay at sa love. Ay wala pala talaga syang alam sa love..

And lastly, Mari Jade Green. Ang Books before boys because boys brings babies ng grupo o ang "B7 Smarty Pants". Puro libro. Libro libro libro. Wala syang lovelife, wala syang pake sa love at wala syang panahon para ma-inlove. Masasabi nya about love? Fucking waste of time.

5 different ladies with five different stories to share.. Their stories of love..

------

Hello guise.

So ito nga po pala yung first book or first series ng love stories compilation ko. After I finished this, saka ko lang ipupublish yung second book. Actually, 5 books to. So, eto yung una. Mahaba habang basahan po ito.

I hope you like it!

Ciao,

Sheng.

I fell inlove with a badboy. (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon