Chapter 8

28 1 0
                                    

[ MJ's POV ]

"HUWAAAAAAAAT!? MAY ANAK NA SI PAPA HARRY!?"

Ang oa talaga ni Kim. Malamang sa malamang crush nya yun. Gwapo eh.

Hindi ko rin alam. In someways, nung nalaman kong may anak na sya, parang nalungkot ako. Ah ewan.

"Hindi ko sure. Pero malakas ang kutob ko. Narinig ko kasing tinawag sya na daddy nung bata. Tas tinawag din nyang baby yun. Parang andun pa nga ata yung asawa nya. Hay ewan." nakabusangkol na ako.

"Oh anong ineemote emote mo dyan? Ha?" -Pinky

"Masama? Pagod ako."

"Okay. I smell jealousy inside the room. Hihi." -Joy

"Tama ka dyan Joy!" -Aizel

"Jealousy? Huh? Hindi ah!"

"Uuyyy defensive!!" -Kim

"Ewan ko sa inyo! Uuwi na ako. Pagod ako."

Nasa bahay kami nila Pinky ngayon. Nagsusukatan para sa ipapatahing gown para sa prom. 2 weeks na lang kasi, prom na. Kinwento ko sa kanila yung narinig ko. Oy hindi ako chismosa ha! Ang lakas kasi nila mag-usap. Hindi ako chismosa promise! #_______#

"Hoy may practice ng prom bukas okay? 1pm sa quadrangle. Pumunta ka MJ!" sigaw ni Aizel bago ako makalabas ng pinto.

Umuwi na ako. Diretso agad sa kwarto. Salampak agad sa kama. Nakatingala.

Baby? Daddy? Boses ng bata? Boses ni Harry? May anak na ba talaga sya? I mean, marami ng cases ng early parenthood. Laganap na yun sa pinas. Pero ngayon lang kasi ako nagkaroon ng kakilalang batang ama. Nakaka-dissappoint lang.

Sabagay? What's new? Eh pedo yun. Sa dami ng babae nun syempre pag ginagawa nila yung ano, yung.. Ahmm.. yung sex.. UGH.. Baka di sya nakapagcontrol? Or di sila gumagamit ng proteksyon kaya ayan. May nabuo..

Mga kabataan talaga, mapupusok. Tsk!

Pero buti na lang, may konsensya pa sya kahit papaano. Inako nya yung responsibilidad nya at nagpakatatay. Hindi sya yung katulad ng iba na nang-iiwan sa ere. (uyyy may pinaghuhugutan si author? wahaha joke lang peace tayo kung may matatamaan)

Pero hindi talaga eh. Grabe talaga. May anak na ba talaga si Harry? EH ANO BA KASING PAKE MO SA BUHAY NYA MARI JADE GREEN? Baliw ka talaga.

Makatulog na nga lang..

zzzzzzzzzZzzzZzzzz

[ Harry's POV ]

Shit. Bukas na yung start ng practice sa prom. Bakit di pa nya sinasabi kung papayag sya maging prom date ko? Ang arte talaga nung manang na yun.

"Babye Daddy! Princess will miss you!" niyakap na ako ng baby ko.

"Daddy will miss you too, my Princess." hinalikan nya ako sa noo.

"O, alis na kami. Ingat. Bibisita na lang ulit kami pag di kana busy. Bye." nakipagbeso beso na ako sa mommy ni Princess.

"Hatid ko na kayo."

Nang maihatid ko na sa labas ang mag-ina, pumasok na ako. Sinalubong ako ni Manang Dolor.

"Harry, nakapag-usap na ba kayo ni MJ? Nandito sya kanina ah?" -Manang

"Huh? Sinong MJ ho?" ah. Baka si manang nerdy. Eh bat di ko naman nakita?

"Si Jade! Yung kababata mo! Naku! Ang laki laki na nya! Dalagang dalaga na! At ang ganda ganda pa!" tuwang tuwa naman si Manang Dolor. Hindi pala si Manang MJ ang andito kanina. Si MJ pala. As in si Jade. Eh bat di ko rin nakita? Ah shit. Pinuntahan nya ako. Alam nya kung asan ako? AH! Baka nasa itaas.

Kumaripas ako ng takbo paakyat ng 2nd floor. "Iho, dahan dahan baka madulas ka!" Di ko na pinansin si Manang Dolor. Kailangan kong makita si Jade. Gusto ko sya kausap---- "AAAAAAAAAH!"

[ MJ's POV ]

*kriiiiiing kriiiiiing*

Alarm clock yun. Di lang obvious. Pinatay ko ito at tinignan kung anong oras na ---- "AAAAAAAAH! 1PM NA! LATE NAKO SA PRACTICE! PATAY NA NAMAN AKO SA CRAZY SINGKO! HALA BAKA NAGHIHINTAY NA SI HARRY! BAKA MAGALIT YUN SAKIN! WAAAAAAAH!"

Tumakbo agad ako sa banyo. Naligo. Nagbihis. Di na ako kumain. Baka lalo kong matagalan.

"Psh. Nale-late ka na ngayon?" -Aizel with matching angry face.

"Sorry late din kasing tumunog alarm clock ko.. Huhu sorry na." ~_______~

"Wow nale-late na si MJ. First time! Bagay kayo ng promdate mo. Parehong late." -Pinky

"Late?" Ahhhh shit. Dapat di na ako gumising. Late lang din naman pala sya. Arggh.

Kumain na lang ako. Sobrang nakakainis! First practice namin tapos wala sya? Prfft..

Bakit kaya hindi yun umattend? Pupuntahan ko na lang.. Hmm.. Baka magalit yung asawa nya? O baka magmaldita yung anak nya. Baka awayin ako! Wag naaaa..

Anong meron? Bakit ako dinala ng paa ko dito? Shocks.

Nasa tapat ako ng bahay nila Harry. At nasa pintuan na nila ako. How the hell did I get here?

"Oh Jade iha! Bumalik ka! Hindi kita napansing umalis kahapon ah? Ano nga palang sadya mo? Si Harry ba? Ah nandun sya sa kwarto, nagpapahinga. Nadisgrasya kasi. Puntahan mo na lang. Sigurado ako matutuwa yun!"

Osige na. Hindi na ako pinagsalita ni Manang. Kinarir nya na. Pero pano ba nya nalalaman pangalan ko? Creepy. Tsaka, si Harry daw matutuwa pag nakita ako? Naka-drugs ata mga tao dito. AY! Si Harry nadisgrasya daw.. Kaya siguro hindi sya naka-attend?

*tok tok tok tok*

*tok tok tok tok*

*tok tok tok tok*

Walang sumasagot? Baka walang tao? *creeeeeshck* Ay nakabukas yung pinto. *silip silip* Tulog ata si Harry? Asan kaya yung asawa't anak nya? Ano bang nangyari sa kanya? *lapit lapit lapit*

Omggg. May benda sya sa kamay hanggang braso! Nabalian? Kawawa naman. Tatanga tanga kasi.

Infairness ha! Ganda ng kwarto! Malinis. Kaya lang ang antut ng kwarto! ( an; antut = mabaho) Amoy sigarilyo't alak! Ugh. Baho ah! Uy ayun may air freshener! Ma-spray-an nga. *khiiiiiskh khiiiiiskh* O yan, pwede ng suminghot ng hangin.

Tulog nga sya. Himbing ng tulog. Ganda pala ng kilay nya. Tapos ang pula ng labi. Ang kinis ng balat. Ang tangos ng ilong. Ang bango ng buhok. Ang...... baho ng bunganga! Amoy yosi. *vomits*

Teka! Tama bang pagpantasyahan? Baliw. Kumuha ka na nga lang MJ ng papel at sumulat na pumapayag ka na maging prom date nya. Ilapag mo sa bedside table. Tapos lumarga kan---- "Hala!"

------

Hala! Bitin? Bwahaha. Uy, spread the story naman. Ipalaganap ang aking mga istorya! Solomot!

At ako'y matutulog muna. Goodnight! Tomorrow ulit! :)

Ciao,

Sheng.

I fell inlove with a badboy. (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon