Chapter 20

24 2 1
                                    

[ MJ's POV ]

"Girls, pwede pa bang mag back out? Ayoko na pumunta sa prom. Please?"

Nagmamakaawa na ako sa mga kaibigan ko. Yet, they don't listen to me. Hindi nga nila ako pinapansin. It's already two in the afternoon and in just a few hours, prom night na.

Nagpapaayos na kami ngayon. Manicure. Pedicure. Hair. Make-up. At lastly, fitting na ng gown. At may pictorial pa kaming lima. Remembrance daw kasi ngayon lang kami nakumpletong lima sa isang formal event.

Kanina pa ako nagmamakaawa. Pero wala talagang talab. Dinidilaan lang nila ako kahit mangiyak ngiyak na ako.

Ewan ko ba. I have this phobia pagdating sa mga formal event. Ewan ko lang kung bakit ayaw ko. Wala naman akong history about it. Ayoko lang talaga.

"Gusto mo itapon ko yung Hunger games book series mo?" finally nakipagusap narin ang isa sa kanila, si Kim.

Matagal ako bago nag-isip. Kahit labag sa kalooban ko, I said, "Oo okay lang. Kahit... Huhuhuhu! Kahit mawala pa ang libro kong yun! Huhuhuhu! Ayoko lang talaga pumunta sa prom please please please!"

"Mygosh MJ! 5 pm na! Nakabihis na tayo't lahat, magbaback out ka pa? I mean, ngayon na nga lang tayo makakapagsama sama ng sobrang gaganda natin. Hay nako naman." tas nagpout si Kim. Her 'please-pagbigyan-mo-naman-ako-sa-request-ko look' na hindi ko matiis. And I hate them.

Sabagay, ngayon lang naman. Last year narin namin sa high school. At gusto rin pala ni Mommy makita ang copy ng pictures sa prom. Pft. So wala na talaga akong takas kahit sa last minute.

"Tsaka in exchange ng pananahimik namin, you need to come." -Pinky

Oo. Sabi ko kasi sa kanila wag na sila makulit at tanong ng tanong about sa nangyaring first date ko with Sam. Basta ang kapalit di na ako baback out sa prom. Kagabi pa ako nagmamakaawa sa kanila.

"Tara na. Mahaba pa byahe natin." -Aizel

At isa isa na kaming sumakay sa kanya kanya naming sasakyan. Pero sunod sunod lang kaming umalis at dumating sa Fernbrook.

Pagbaba ng bawat isa sa amin, nagtitinginan ang mga lalaki, pati narin mga babae. Yung ibang lalaki naman kung makangiti, wagas. Yung ibang babae, naiingit sa gown namin habang yung iba, casual lang.

"Pare, si MJ oh! Gumanda pare!"

"Oo nga pare! Lahat na sila maganda!"

Nag-uusap usap yung mga lalaki. Habang naglalakad kami may nagbibigay ng mga roses sa bawat isa sa amin, yung iba naman nagyayaya ng sayaw. Yung iba, papicture daw kasama kami. Yung iba naman sana daw kami na lang amg prom date.

Pinagkakaguluhan na kaming lima ng biglang magsalita yung isang lalaki. Kailangan na daw pumasok ng lahat ng estudyante kasi magsisimula na ang prom. Pinauna muna namin yung lahat ng nasa labas makapasok bago kami.

"Girls, please? Uuwi na ako." for the very last minute sinubukan kong magmakaawa baka tumalab.

"Heh! We're here. There's no turning back!" -Pinky

"Happy prom night girls!" -Kim

At nag group hug kami. At pumasok na sa loob. Pagbukas nung golden door sa hall room, lahat ng estudyante, mga waiter, mga teachers at yung iba naring nandun nakatingin sa amin. Center of attraction talaga kami. Shooot! Kinakabahan na talaga ako!

Sunod sunod na kaming pumasok. Syempre ako ang pinaka huling pumasok dahil kinakabahan ako.

And this is it. It's my turn to shine. Bawat lakad ko, para bang pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Para kong natatae na ewan. Kinakabahan and at the same time, excited.

I fell inlove with a badboy. (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon