Chapter 6

33 1 0
                                    

[ MJ's POV ]

"Ang ganda mo pala sa malapitan.."

*lub dub lub dub lub dub*

Eh? Lasing ba to?

Oh shoot. Di ko man lang namalayan. Ang lapit na ng mukha ko sa mukha nya. Ugh. Nakakailang. Nilayo ko agad yung sarili ko.

"Ah.. Eh.. A-ano.. Tapos na. M-m-medyo humuhupa na yung maga sa kamay mo. Umuwi kana." shit grabe nakakailang. First time ko makalapit sa mukha ng lalaki. As in yung face to face.

"Maganda ka.." shit dapat ba kong matuwa? o baka nantitrip na naman to? Dalawang beses nya ng sinabi eh. Unli lang?

Hinarang harang ko yung kamay ko sa mata nya. "Naku, malabo ba mata mo? Naapektuhan pati pag-iisip mo sa pagkakaipit ng kamay mo? Ako? Maganda? Hahahahaha! Thanks for the joke.. Hahahaha! Nakakatawa ka din pala? Haha! Sige makakauwi kana.." Okay ako na sarcastic tumawa.

"Oo. Maganda ka.. Baguhin mo lang yang pananamit mo. Mukha kang manang. Promise, konting ayos lang sa fashion statement mo." umalis na sya at nakangiti pa. Anong nakain no? Masyado atang hard ang pagkakaipit ko sa kamay nya..

Maganda ako? Narinig ko na yan. Sa crazy singko at sa parents ko. Oo, maganda nga daw ako baguhin ko lang ang fashion statement ko. Pero ngayon ko lang narinig na maganda ako galing sa isang lalaki.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. Kasi di ko naman alam na compliment ba yun o pang-aasar eh?

Nasa harap ako ng mirror wall ko. Pinagmasdan ko ang sarili ko. Matagal tagal narin bago ko ulit tumingin sa sarili ko ng matagal. Oo, tumitingin ako pero saglit lang mga 10 seconds lang bago ko pumunta ng school.

*tok tok tok*

"Sino yan?" umalis na ako sa harap ng salamin. Wala lang. Nacurious lang ako sa itsura ko. Haha. Wala namang problema sakin. Sila lang ata may problema. Bahala sila.

Bumukas yung pinto. "Oh bakit?" si Harry, bumalik. "May nakalimutan ka?"

"Ah oo. Yung camcorder ko. Nakalimutan ko. Ayun oh." bakit may dala tong camcorder?

"Osige kunin mo na lang."

"Osige."

Kinuha nya na at umalis. Napansin ko may nilapag sya sa study table ko. Yung benda na nilagay ko sa kamay nya. Tinanggal nya kagad? Wait.. May nakasulat?

"MJ Green, will you be my prom date?"

EH??

Bakit may ganito?

Weird..

Pupunta nga ba ako?

Hindi.

Pero kapag di ako pumunta, papatayin ng crazy singko ang HG book series ko. I won't let that happen.

No choice.

Eto na talaga.

Sasama na ako for the sake of my precious book.

[ Harry's POV ]

Shit. Niyaya ko ba talaga sya? Di ko masabi sa harapan. It's so gay. Tsaka nailang din ako. Ang lapit ng mukha nya. Maganda naman pala si manang. Papayag kaya yun? Syempre. Ako? Tatanggihan nya? Kapal naman nya pag nireject nya ulit ako.

*kring kring*

*Cassy calling..*

"Hello?"

"Hi babe. Di kana nagpaparamdam ah? Iniwan mo na lang ako agad sa condo ko after a wonderful night, yung ano. Haha. Hmmmmpp.."

"Ah. Busy ako eh. Sige bye."

In-end call ko na. Cassy? One of my girls. Flings actually. I've never been into a relationship before up to now. Ayoko lang. Girls I've been through? Lahat pare-pareho. Mga flirt. Sila ang unang lumalapit sa akin. Syempre, di naman ako makatanggi. Haha. Chick magnet ako eh.

Tsaka para lang sa iisang babae ang puso ko. Kay Jade. *ting*

I-search ko kaya sa facebook? Oo tama! Talino mo talaga Harry!

*type Mari Jade Sanchez*

*search search search*

Ang dami naman.

Scroll. Scroll. Scroll.

Walang Sanchez. May isa pero italyana. Hindi ito yun. Uy! Si manang nagfe-facebook din pal? Bwahahaha. Makita nga.

Ay nakaprivate? Arte nito ah.

*add as friend*

Ohshit. 2 weeks na lang prom na. Hmm? Ano kaya susuotin ko? Black or white tux? Hmm..

*tok tok tok*

"Sino yan? Pasok."

"DADDDDDDDDDDDDY HARRRRRRY!!!!!"

"Oh? Princess?"

--------

Okay. Writer's block. Wala ako maisip. Stressed si utak. Nasunog kasi sinaing ko. Huhuhu. Di pa ako pwede mag-asawa. :(

Need inspirasyon.

Ciao,

Sheng.

I fell inlove with a badboy. (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon