Chapter 5

33 2 1
                                    

[ MJ's POV ]

Shit. Hindi na ata talaga ako makakapagback-out. Di ko narin sila pwedeng indianin sa araw ng prom. They might kill my beloved hunger games. Wala na dito yung collection ko sa cabinet. Kinuha na nila. Wala ka ng takas MJ.

Minsan na nga lang kasi naisipan mag-prom baliw pa ang makakapartner ko. Johnny Del Mundo? Harry Summers? Walang pinagkaiba. Parehong windy, mahangin, malakas apog, mayabang, maangas, pervert, pedo, bastos, manyak!!

Why'd you have to be so cruel to me Lord Jesus? Bakit ka pa gumawa ng katulad nila?

"Para bwisitin ka. Bwahahahaha!" boses ni Harry?

Shit. Goosebumps. Pumapasok na lang bigla bigla sa isip ko tong Harry na to. Nakakatakot.

At talagang nakikita ko pa sya sa harap ko. Grabeng imagination na yan MJ. Pacheck up kana kaya? Or baka di na magkamatch yang grado ng mata mo? Lalo atang lumabo? Haha. Nakakatawa. Si Harry Summers nasa kwarto ko? Hahahahahaha ------- "WAAAAAAAAAAAAAAAAAH! BAKIT KA NANDITO SA KWARTO KO!!?"

Nanditi nga sya. Di pala ko nag-iilusyon o namamalikmata. Nasa kwarto ko nga si Harry Summers at hawak hawak nya ang photo album ko nung childhood days k---- "HOY PEDOPHILE NA PAKIELAMERO BAKIT MO HAWAK HAWAK YAN!? BITAWAN MO YAN!"

Kinuha ko na yung photo album at tinulak sya palabas ng kwarto.

"Shupi shupi shupi! Bakit ka ba pumasok dito? Paano ka nakapasok!? Nyeta ka. Labas labas!" tinutulak ko na sya sa may pinto. YES!!! Nakalabas din..

Isasara ko na yung pinto ng..

"ARAYYYYYYYYY!" ang gwapong pedophile na pakelamerong si Harry, hinarang lang naman ang kamay sa pinto kaya naipit. Tatanga tanga talaga. Grr.. Patay talaga tong mga maid na to sakin. Nagpapapasok ng strangers sa bahay!!

"Wooooosh wooooosh!" hinihipan ni Harry yung kamay nyang naipit. "Shit! Ang sakit sakit! Grrrr."

"Kawawa naman yung pinto, nasaktan ata? Tsk. Tanga tanga ka kasi eh!" binuksan ko na yung pinto. "Pumasok ka. Gagamutin natin yan. Baka mamatay ka pag di nalunasan yan. Dun, dun ka umupo sa kama. Wala kang ibang gagalawin kundi papatayin kita! Di ako nagbibiro! Kukunin ko lang yung first aid kit ko."

[ Harry's POV ]

Tangina ang sakit ng kamay ko. Namamaga. Bwisit na babae to.

Mangelam nga muna ko. Haha. Nakakatawa tong manang na to, matanda na pero mahilig parin sa barbie. Puro green. Ano ba tong kwarto nya? Gubat?

Lumapit ako dun sa drawer kanina. Kinuha ko ulit yung photo album na kinuha nya sakin. Nakakatuwa kasi parehas kami nung photo album. Kulay puti sya na may dalawang bata, isang babae, isang lalaki tas may heart sa gitna. Tas may nakasulat sa baba na 'forever'.

Ay? May lock? Imba rin tong manang na to. Naka-lock pati photo album?

Makaupo na nga lang ulit.. Teka? Siguro nagtataka ka bakit andito ko sa bahay ni MJ? Kasi diba, nabunot nya ko as promdate? Kailangan yayain ko sya in person ng 'Will you be my prom date?' with matching video. Kailangan daw yun kasi icocompile para sa CD na binibigay sa mga estudyante pagkagraduate. Doon sa CD, nandun yung mga videos and pictures na nakacompile lahat. Memories kumbaga.

So kahit ayoko sa manang na to, kailangan ko gumawa ng video. Eh, di nako makapagpalit ng partner eh. Nakapagpropose na sila lahat. Kami na nga lang dalawa ang wala pang video.

Oo nga, makapagset up na nga ng camrecorder ko. Teka san ko ba to ilalagay? Ah! Dito na lang sa may study table niya.

"Hoy! Ano na namang ginagawa mo dyan!? Diba sabi ko sayo wala kang papakelaman!?" nandito na ang matandang walang asawa! Okay, kinlick ko na yung start.

"Wala. Tinignan ko lang yung mga libro mo. Mahilig ka ba talaga magbasa?"

"Upo. Gagamutin ko na yan para makauwi kana."

"Bakit ba ang sungit sungit mo?"

"Bakit ba pakielamero ka?"

Sinimulan nya ng icold compress yung kamay ko para humupa yung pamamaga.

"Sorry nga pala dun sa inasal ko last week sa coffee shop. Yung tungkol sa pagoffer ko ng se--"

"HEH! Manahimik ka!"

Bakit ba ang sungit nitong manang na to!? "Meron ka ba ngayon?"

"ARAAAAAAY!" diniinan ba naman. Ang sakit kaya!

"Pwede tumahimik ka na lang? Ano ba kasing kailangan mo? Bakit nandito ka ha!?"

"As you see, two weeks na lang, prom na. So, pupunta ka ba?"

"My friend's going to kill me if I wont."

"Huh?"

"Hawak nila ang buhay ko kaya di ako makakatanggi. Kaya kahit ayaw ko, at lalong napaayaw ako dahil ikaw ang promdate ko sa kamalas malasan, kailangan ko padin pumunta kundi imumurder nila ang Book collection ko."

Haha. Nakakatawa din tong si manang. Infairness, nakatitig ako sa kanya. Maganda naman sya. Maputi, mahaba ang buhok. Di naman sya amoy pormalin. Mabango sya. Mataba ang pisngi. Tanggalin mo lang siguro yung malalaki nyang eye glasses, tapos pangitiin tsaka mabago ang fashion trend nya from oldies to modern, bingo to!

"Ang ganda mo pala sa malapitan.."

------

Ansabe ng room scene nila? Haha.

Ciao,

Sheng.

I fell inlove with a badboy. (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon