Unang Kabanata

45 2 0
                                    

Pupungas-pungas si Ada habang napipilitang tumayo sa kama. Hindi naman talaga siya nakatulog kundi nag di-daydreaming na naman ang gaga. Pati ba naman mundo ng mga Engkanto ay pinasok ng malawak nitong isipan at doon nag hanap ng Prince charming ang lukaret. Kung hindi pa ginising ng ina ay walang balak kumilos.
Pinagpag niya ang kama, inayos ang mga unan at tinupi ang manipis na kumot. Ang papag ay yari sa plywood at nasasapinan ng manipis na rin na kutson. Ambisyosa man siya ay masipag naman siya sa mga gawaing bahay, huwag ng isali ang mga araw na tinatamad siya sapagkat daig pa niya ang kalaw sa katamaran.
Napabusangot siya at suminghot-singhot naamoy niya ang laway na natuyo nagmumula sa unan ng pamangkin niyang bungi. Hindi naman literal na bungi kundi sira lahat ng ipin kaya mahilig mag-laway. Kinuha niya ang unan ng bata at inalis ang punda, pinalitan ng bago saka lumabas ng kwarto.

"Mag-almusal ka na lang diyan at makikipaglabada ako kila Neneth. Sunduin mo na lang ang pamangkin mo mamayang uwian."

Tinanguhan niya ang ina.

"Ingat ho."

Nakahanda na ang sampung pocketbook na babasahin sa higaan niya. Balak niyang basahin iyon pakatapos maglaba at masundo ang pamangkin. Hindi naman siya pagagalitan ng ina basta tapos na niya ang mga gawaing bahay. Ambisyosa lang siya pero hindi naman pabaya.

Hanggang High school lang ang natapos niya hindi na siya kayang pag-aralin sa kolehiyo ng pamilya, high school nga'y hirap na hirap na siyang itaguyod ng ina kaya doble kayod rin siya. Nag aalaga ng bata sa umaga at nag aaral sa hapon ganun!
Inggit na inggit siya sa mga kababata laging nasa uso ang mga damit at gamit tuloy tuloy rin ang mga ito sa pag aaral walang hinto. Masaya siya para sa mga kababata at hangad niya ang bawat tagumpay ng mga ito. Siya? Masaya na siya mag day-dream nagagawa niya ang lahat ng gustuhin niya. Kahit mga imposible at hindi naman nag eexist na lugar ay napapasok niya, salamat sa kakuntsaba niyang utak.

Kahit mukhang sunog na ang balat ay nag payong pa rin siya para sunduin ang pamangkin sa eskwela. Sa daan ay labis-labis ang inis niya, naroon at hindi siya tinantanan ng sutsot ng mga istambay sa kanto.

"Duh! Kahit ganito ako oy, diko kayo papatulan."

Bulong niya sa sarili at nagpatuloy sa paglalakad na tila walang naririnig.

Inis na inis siya. Sa mga nababasa niyang pocket book kahit mahirap ay nakakapangasawa ng mayaman at gwapo at iyon din ang gusto niya. Napangiti siya sa naisip at ginanahang maglakad kahit pa tirik na tirik ang araw. Hindi pa man nakakalapit sa paaralan ay may nadaanan na naman siyang grupo ng mga construction workers. Napangiwi siya ng sutsutan rin ng mga loko. Hindi niya ma-imagine na makipag halikan isa man sa mga ito. Kinilabutan siya sa naisip. Di hamak na mas gwapo ang mga kasintahan niya sa isipan, walang binatbat ang mga lalaking nakakasalubong niya.

"May boypren ka na miss?"

Aba humirit pa ang loko, kala mo naman uto-uto siya.

"Meron na ho."

Nakangiwi niyang sagot rito. Ito ang pinakapangit sa grupo at siya ring pinakamalakas ang loob na nangahas na tanungin siya. Lakas din ng hangin nito.

"Maniwala sayo, ba't di ko ata nakikita na kasama mo?"

Tinaasan niya ito ng kilay, wala siyang balak mag paliwanag...

Kung siya ang tatanungin mas may lakas loob siya magkaroon ng kasintahan sa kanyang isipan kaysa sa personal. Tila hindi niya kayang makisama sa isang lalaki in person. Napangiwi siya sa naisip. May saltik ata siya.

Mga Lambana Sa GulodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon