Prologue

20 0 0
                                    

Kumukuti-kutitap ang mga pakpak ng mga lambana, bawat isa ay may iba-ibang kulay na nangangahulugan ng kanilang katayuan. Ginto ang kulay ng pakpak ng mga maharlikang lambana. At ang bawat kulay ng pakpak ay may kanya-kanyang posisyon. Laniban o berde ay ang mga tagapangalaga ng kalikasan. Pula ay ang simbolo ng magigiting na mandirigma nahahaluan iyon ng abohin na kulay. Puti ay ang mga taga payo ng mga maharlika. Itim ay ang mga itinakwil. At kulay lupa naman ang pakpak ng mga aliping lambana.
Tahimik at masayang namumuhay ang mga ito sa isang tagong sulok ng kagubatan at walang sinuman ang nakakakita sa kanila. Naririnig ang kanilang mga halakhakan at katuwaan ngunit hanggang doon lamang. Naniniwala ang mga taga isla ng Cabacongan na ang sinumang makakakita sa mundo ng mga lambana ay ang itinakda o ginawaran ng misyon para mapaglapit ang dalawang sukod o dimension at iyon ay ang mundo ng mga lambana at mundo ng mga mortal. Isang daang taon na ang nakalipas ng mangyari ang muntikan ng pag-iisa ng dimension ngunit nasilaw ang itinakda sa kayaman kung kayat hindi nangyari ang inaasahan. Nawalan ng tiwala ang mga lambana sa tao at pinili ng mga ito na hindi na muling magpapakita at makikipag-kaibigan sa mga mortal.

Mga Lambana Sa GulodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon