Napangiti siya matapos mabasa ang ilang pahina ng napaka interesanteng kwento, kahit pa inaanay na iyon ay hindi iyon naging hadlang para pagtuunan niya ng pansin ang pagbabasa ng libro kahit pa hindi maaninag ang pamagat niyon dahil sa sobrang kalumaan. Naroon siya sa lumang library ng eskwelahan at inaantay ang pamangkin, ng makuha ng atensyon niya ang inaanay na libro. Likha ng taong may malawak na isipan. Nabigyang buhay ng manunulat ang kwento na tiyak na magpapaisip sa mga mambabasa. Humikab siya at nag inat ng mga kamay. Tiyak na hindi mapapalampas ng kanyang imahinasyon ang nabasang kwento. Kakalkalin niya iyon at bibigyang buhay sa isipan kahit hindi niya natapos ang pagbabasa. Noon lamang niya nalaman na ang mga lambana pala ay mga maliliit na fairies like tinker bill na napanood niya isang beses sa palabas na Peter Pan. Kung siya ang tatanungin hindi siya naniniwala sa mga lambana. Likhang isip lamang iyon ng mga manunulat na may malawak na imahinasyon.
Akma niyang ibabalik iyon sa dating lalagyan ng pigilan siya ng bantay sa silid-aklatan."Huwag mo ng ibalik yan dyan baka mahawaan ng mga anay ang mga katabing libro, kunin mo na lang o kaya itapon mo na lang."
Nakangiting wika nito sa kanya.
"Sayang naman ho kung itatapon, iuuwi ko na lang sa amin."
Sagot niya sa may katandaan at mukhang mabait na librarian. Tamang tama at hindi rin niya natapos ang pagbabasa may panahon pa siyang tapusin iyon ngayong nais na nitong idispatsa ang libro.
Nginitian siya nito bago tinalikuran.
Pagkarating na Pagkarating sa bahay ay agad niyang pinunasan ng maingat ang libro. Napangiti siya ng tuluyang mabasa ang pamagat na unti-unti ng nabubura dahil sa kalumaan niyon. "Mga Lambana sa Gulod" iyon ang pamagat na nabasa niya ng malinisan ng maingat ang libro.
Naalimpungatan siya ng bigla na lamang bumukas ang bintana sa kanilang kwarto dahilan para makaramdam siya ng panlalamig at tuluyang magising. Akma niyang sasaraduhang muli ang bintana ng hindi sinasadyang maabot ng paningin niya ang mga nag kikislapang tila maliliit na Christmas light sa di kalayuan malapit sa kanilang punong mangga sa kanilang bakuran. Kinusot kusot niya ang mga mata. Malayo pa ang pasko at ni minsan ay hindi pa nila naranasang bumili ng Christmas light at magsabit niyon sa bahay. Imposible namang mga kapitbahay niya ang may gawa dahil tulad nila ay kapos rin ang karamihan. Bukas na niya uuraratin ang Christmas light na nakita at malilintikan siya sa ina kapag lumabas siya ng bahay lalo na at dis oras pa ng gabi. Muli niyang sinarado ang bintana at pinilit na bumalik sa pagkakaidlip.
Kinaumagahan ay binusisi niya ang puno ng mangga. Napakamot siya sa ulo ng makitang wala namang Christmas light na nakabitay roon. Ano kaya ang nakita niyang kumukuti kutitap kagabi?
"Anong binubutingting mo riyan?"
Tanong ng kanyang ina
"Wala ho nay, akala ko kasi linagyan mo ng Christmas light itong punong mangga kagabi."
"At saan naman tayo kukuha ng pambili, kung may pambili man tayo mas uunahin ko ang mga pangunahing pangangailangan dito sa bahay."
Alam niya iyon kaya takang taka talaga siya. O nananaginip lamang siya kagabi?
Imbes na mabaliw sa kakaisip kung panaginip o hindi ang nakita kagabi ay inabala na lamang niya ang pag wawalis ng bakuran. Malawak ang kanilang bakuran ang harap niyon ay ang napakagandang gulod sa di kalayuan. Masarap ang simoy ng hangin sa probinsya at tuwing umaga ay talagang napakalamig dahil sa ambon at hangin na nagmumula sa magkakadikit dikit na bundok o gulod kung kanilang tawagin. Noong buhay pa ang kanyang ama ay malimit siyang isama nito sa gulod at doon ay masayang masaya siyang namumulot ng mga nangalag-lagang puno ng pili. Mala ubeng itim ang kulay ng pili kapag ito ay hinog na at berde naman kung hindi pa. Matigas na parang bao ng niyog ang laman na halos kasinglaki lamang ng malaking daliri niya sa paa. Pinupukpok niya iyon ng bato para madurog at makuha ang puting laman na manamis namis at may nakaka adik na lasa. Tila gatas at mani na pinagsama.
Napakasaya ng buhay nila noong nabubuhay pa ang kanyang ama. Ngunit ang lahat ng bagay ay hindi permanente dito sa mundo. Lahat ay lumilipas at nawawala. Nangilid ang kanyang mga luha ng maisip ang ama.
BINABASA MO ANG
Mga Lambana Sa Gulod
FantasyBata pa lang ay sabik na sa pag-ibig si Ada, yong tipong nangangarap kahit nakadilat. Ambisyosa siya at kahit hindi naman mukhang Diyosa ay nangangarap ng isang makisig na prinsepe. Ayaw niya ng basta-bastang lalaki. Mataas nga ang standard akala mo...