Ikaapat na Kabanata

19 1 1
                                    

Nagbigay pugay si Lakim ng makaharap ang hari ng Lamara. Siya ang nautusang bantayan ang mga maharlika ng kaharian. Nanganganib ang kanilang kaharian at iyon ang balitang mahigpit nilang pinipigilang hindi makalabas sa buong nasasakupan. Sasamantalahin sila ng iba't-ibang kaharian upang sakupin. Hindi maglalaon at mabubunyag ang suliranin na iyon. Matagal ng walang mahikang pumuprotekta sa kahariang Lamara sapagkat ang hiyas na busilak na nagsisilbing susi ng kapayapaan, kaligtasan, kabutihan at kalakasan ay matagal ng nawawala. Ayon sa isang matandang babaylan ang tanging itinakdang Lambana na may natatanging mga pakpak lamang ang makakabalik ng nawawalang hiyas sapagkat iyon ang ipinakitang pangitain sa babaylan ng kanilang Diyosa na si Lamira.

"May balita ka na ba tungkol sa lambanang may natatanging pakpak?"

Umiling siya sa tanong ng hari.

"Hanggang ngayon ay patuloy pa rin kami sa paghahanap mahal na hari."

"Humihina ang ninggas ng pekeng mahika na gawa ng mga salamangkera, hindi mag lalaon at maaamoy ito ng mga kalaban at iyon ang sasamantalahin nila. Alam kong kaya ninyong ipagtanggol ang kaharian, subalit kailangan natin ang nawawalang hiyas dahil iyon ay kaakibat na ng ating kaharian. Itinuturing na napakahalagang haligi ang nawawalang hiyas at kung hindi na ito tuluyang mahanap ay maglalaho ang kaharian ng Lamara. "

Mahabang paliwanag ng haring Laxus.
Batid niya ang bagay na iyon. Gaano man sila kalakas at katibay sa pakikipagdigma para protektahan ang buong nasasakupan ng kahariang Lamara ay hindi iyon makakatulong upang tuluyang maglaho ang kaharian, kapag hindi na muling nakita at nahanap ang natatanging hiyas na pag-aari ng Lamara na nagmula sa Diyosa na si Lamira.

Ang natatanging lambana na may natatanging pakpak na ayon sa babaylan ay nagtataglay ng lahat ng uri ng kulay na sumisimbolo ng kalakasan at katalinuhan nito. Ang ibig sabihin ay taglay ng natatanging lambana ang lahat ng kapangyarihan dahil taglay nito ang lahat ng uri ng kulay. Ayon sa babaylan ay matagal ng isinilang ang natatanging lambana kung kaya't ang paghahanap na lang rito ang kailangan nilang pagtuunan ng pansin. Halos nagalugad na nila ang buong nasasakupan ngunit wala silang lambanang natagpuan na may natatanging pakpak. Isa na lamang ang lugar na hindi pa nila tinutungo. Iyon ay ang lugar ng mga lambanang itinakwil.

"Paumanhin hindi ko sinasadyang marinig ang inyong pag-uusap amang hari at Lakim, ngunit totoo ba ama na nawawala ang busilak na hiyas at nanganganib ang ating kaharian?"

"Mahal na prinsesa Lila..."

Yumukod siya sa bunsong anak ng hari, kamukhang kamukha nito ang namayapa nitong inang reyna.

"Ikinalulungkot kong sabihin na totoo  ang iyong mga narinig prinsesa Lila."

Malungkot na sagot ng Haring Laxus.

"Nais kong tumulong sa paghahanap sa natatanging Lambana ama."

Sa tatlong anak na prinsesa si Lila ang mahusay sa pakikipag digma. Mahusay itong gumamit ng iba't-ibang uri ng sandata sa pakikipaglaban. Hindi na iyon kataka-taka sapagkat makikita sa pakpak nito ang katangian na iyon. Mapusyaw na pula na napapalibutan ng ginintuang kulay ang mga pakpak nito. Mapusyaw na pula rin ang alon-alon nitong buhok mala gatas ang kutis nito na natural na namumula, balingkinitan ang pangangatawan na may maamong mukha. Nakasuot ito ng kulay lupa na bota. Ang suot ay hinabing balat ng tupa na hinaluan ng hinabing balat ng magandang uri ng kahoy. Tila lagi itong handa sa pakikipagdigma.

"Hindi ko ipagkakait ang iyong kahilingan prinsesa lila batid kong nais mo lamang na makatulong sa ating kaharian."

Tila wala ng mapagpipilian ang hari kung kaya't napapayag ito sa nais ng anak na prinsesa.

Mula sa di kalayuan ay nahagip ng tanaw ni Lakim ang paparating na dalawa pang prinsesang anak ng haring Laxus. Kapwa naka damit prinsesa ang dalawa hinabing saya na may mahabang laylayan na umabot hanggang sa mga paa ng mga ito.
Nagbigay galang siya sa mga ito ng tuluyang makalapit sa kanilang kinaroroonan.

"Amang hari, mukhang may mahalaga kayong pinag-uusapan na tatlo maaari din ba naming malaman kung ano iyon?"

Wika ng panganay na si prinsesa Samira. Itim na itim ang alon-alon nitong buhok. Napakakinis na tila labanos sa puti ang kutis nito na lalong kumikinang kapag nasisinagan ng araw. Aristokrata ang mukha na tila hinding-hindi mo nanaising kontrahin at pakialaman sa bawat naisin.

"Malungkot ang iyong awra ama, may bumabagabag ba sa iyo?"

Sa tatlong magkakapatid na prinsesa ito ang pinaka maamo at tahimik. Alam niya ang natatanging kakayahan ni prinsesa Araya, may natatanging kaalaman ito sa pang gagamot at siya ring pinaka madaling lapitan ng mga tao sa kaharian. Hindi rin matatawaran ang angking ganda ng ikalawang prinsesa.

Napabuntong-hininga ang hari bago malungkot na tumingin sa mga anak.

"Kailangan na nating makita at mahanap ang "natatangi", unti-unting humihina ang pekeng mahika na linikha ng mga salamangkero. Anumang oras ay lilitaw sa buwan ang tanda ng panghihina ng kaharian, maging ang mga magagaling at magigiting na mandirigma at salamangkero ay walang magagawa kung wala ang tulong ng itinakda. Maglalaho ang ating kaharian kung hindi maibabalik ang natatanging hiyas. "

Mahabang paliwanag ng hari.

" Kasalanan ito ng mga mortal! Kung hindi sana hinangad ng inang reyna ang pagsasanib ng dalawang dimension ay hindi mangyayari ang napakabigat na suliraning ito. Makasarili at manloloko ang mga mortal, wala silang ibang hangad kung hindi ang masapawan ang bawat nilalang! Hindi sila dapat pagkatiwalaan!"

Galit na wika nito sa ama.

Alam niya ang dahilan kung bakit nawala ang natatanging hiyas. Ninais ng inang reyna na magsanib ang dalawang dimension ng mga mortal at lambana. Maawain ang reyna at nanangis ito ng makita kung gaanong hirap ang dinadanas ng mga tao sa sukod ng mga ito. Laganap ang sakit, kahirapan at walang hanggang paghihirap kung kaya't nagpasya ang reyna na ipagsanib ang dalawang sukod, ngunit trinaydor ito ng pinagkatiwalaang mortal. Kusa itong nawala at malaki ang posibilidad na sumapi ito sa kalaban kasama ang natatanging hiyas na susi ng kapayapaan at kaligtasan ng kanilang kaharian. Namatay ang reyna sa pagdadalamhati at ang asawa nitong kabilang lamang sa mababang maharlika ang nanungkulan sa pwesto at iyon ay si haring laxus.

"Malaki man ang nagawang pagkakamali ng inyong ina ay matatawag pa rin iyon na kabutihan. Ang dapat nating pagtuunan ng pansin ay ang paghahanap sa itinakda."

Ayon sa pangitain ng babaylan ay ipinabatid ng dyosa ng lamara na ang natatanging itinakda lamang ang magtatagumpay na mahanap ang natatanging hiyas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Lambana Sa GulodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon