"Ako'y sayo'y hindi ka akin~" pagkanta kong sinasabayan 'yong kanta ni Juan Karlos na Buwan sa cellphone ko.
Pero bago pa lumipat sa ibang parte ng kanta ay pinatay na agad nito ng kung sino at nakita ko si Van na nag igting ang mga panga.
"Problema mo?" padabog kong tanong habang inaabot ang phone kong nasa palad na niya.
"Ano pang silbi ng lyrics kung iibahin mo lang din." ani niya't anong pakealam niya?
"Eehhh sa trip ko, edi gumawa ka din ng sariling trip mo." mariin kong sabi nang tuluyan ng nakuha ko ang phone ko sakanya.
"Sa trip ko ding 'wag mong ibahin ang lyrics ng kanta." mariing sabi niya't tinitigan din ako ng madiin din.
"Anong problema mo sa lyrics ko ha? Wala naman ah tss. Immature." sabi ko sakanya bago tumalikod.
Naglakad ako palayo sakanya pero napahinto ako nang narinig ko siyang kumanta no'ng buwan with exact lyrics.
"Ako'y sayo, Ikaw ay akin. Ganda mo sa paningin~" unti unti akong lumingon sakanya't nakita ang mata niyang titig na titig sa'kin.
Humakbang siya papalapit sa'kin at ako naman naramdaman ang pamumula ng pisngi ko.
"Ganyan ang lyrics, para naman malaman mo na ako ay sayo at ikaw ay sa akin. Alright?" sambit niya't nakapag kabog sa dibdib ko.
"Galing mo bumanat ha. Nakapag kabog ng dede ko." sambit ko. Straight akong mag sabi ng nararamdaman ko sa isang tao, ano pang silbi ng pagtatago eh 'di ko naman na maitatago na crush ko siya. Dzuh.
"EH WALA KA NAMANG DEDE. 'WAG KANG MANGARAP OI!"
© Aera Kobayashi Grimm Werner
BINABASA MO ANG
Short Stories Compilation
General FictionShort stories. Iba't ibang klase ng manunulat. Malay mo nandito yong gawa mo. ☺