" Kuya napkin po with wings," namumulang sabi ni Ate.
Napakamot ako sa ulo ko dahil hindi ko alam kung anong itsura nun,
" Ubos na," sabi ko nalang,
" Ayun po oh," turo nya sa likod ko.
Napapahiyang umikot ako at nakita doon ang naka pack na kulay Violet. Kumuha ako ng isang pack at binigay yun sa kanya.
Paalis na sana sya ng bigla ko syang tinawag,
" Ililipad ka ba nyan?" tanong ko,
Mas lalong namula ang mukha nya at bigla nalang tumakbo.
" Anyare dun?" napapakamot sa ulong tanong ko.
Kumuha ako ng isang pack ng napkin katulad ng binili ni ate at tinago yun sa bulsa ko, sakto naman na dumating si Mama at sya na daw ang magbabantay sa tindahan.
Pumunta ako sa may tulay samin at binuksan yung napkin.
Dinikit ko yun sa likod ko at walang pag-aalinlangan na tumalon, nagbabakasakaling ililipad ako nito.
© Vixcious WP
BINABASA MO ANG
Short Stories Compilation
General FictionShort stories. Iba't ibang klase ng manunulat. Malay mo nandito yong gawa mo. ☺