May manliligaw ako. Ayoko sa kanya. Gwapo naman sya, at matalino. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Pero ewan ko sa sarili ko kung bakit ayaw ko sa kanya.
Nasa library ako. Nag babasa ako ng mga books. Biglang dumako ang paningin ko sa kabilang table. Nandon pala sya. Nakatitig lang sa akin at nakatalumbaba pa sya.
Kinawayan nya ako. I was so annoyed by his smile. Kaya, lumabas na ako sa library.
One time din, uwian na non. Palabas na ako ng school. "Ano bang gusto mo? milk tea? Ice cream? Anything. Ililibre kita." sabi nya. Tinanggihan ko sya.
Kung nasaan ako, nandoon din sya. Lagi nya akong sinusundan.
Pumunta ulit ako sa library one time. Nasa harap ko sya. Nakatitig lang sa'kin. Di ko sya pinapansin dahil di ako makakapag focus sa pagbabasa.
"Pst...ganda. Kelan mo ko sasagutin?" Tanong nya sa akin ng pabulong.
"Shut the fuck up! I don't want and I will never be your girlfriend." sabi ko ng madiin.
Lumipas ang ilang minuto, papansin pa rin sya.
"Sige na! Uyy! pansinin mo na ako." Pagpupumilit nya.
"Ano ba?! Papansin ka talaga eh noh?" Sigaw ko sa kanya.
"The two of you! Get out! Maraming nagbabasa dito tapos ang ingay nyo!" Sabi ng librarian.
"Bwisit ka talaga sa buhay ko." Sabi ko sa kanya at tinarayan ko muna sya bago padabog na umalis. Nakakabwisit talaga sya! Paepal talaga sya sa buhay ko.
Ito na. August 5, Pumunta ako sa coffee shop para gawin yung project ko. Paggawa ng bahay. Individual yun kaya mahirap gawin. Bukas pa naman ang pasahan non. Banned kasi kaming dalawa sa library for 3 days. Epal kase. Habang ginagawa ko yung project namin, Nagpakita nanaman sya. Tumabi sya sa akin at as usual, nakatitig nanaman sya sa akin. Pinipilit nya nanaman ako na sagutin ko sya, which is napaka labong mangyari.
"Sige na kase! sagutin mo na ako!" Niyuyugyog nya ang kamay ko. Hanggang sa... Natabig yung project ko, nahulog ito, nasira ito at natapunan pa ng kape ko! P*tang ina! Napatayo ako. "T*ng ina! Ano!? Paulit ulit na lang ba? Akala ko ba matalino ka? Bakit ba napakahirap sayong intindihin na kailanman, hinding hindi kita sasagutin.
Wala kang kwenta! puro na lang kunsumisyon ang dala mo sa buhay ko! Sana di na lang kita nakilala. Panira ka! Panira ka! Bwisit!" sabi ko at kinuha yung mga gamit ko at tinabig ko yung bag nya at padabog nanaman akong lumabas ng shop.
Hindi na nya pinulot yung bag nya dahil sinundan nya ako agad. Pumara agad ako ng taxi. Habang papasok ako ng taxi, nag sosorry sya sa akin. Sinaraduhan ko sya ng pinto.
"Kuya, pakibilis." Sabi ko sa driver dahil nakita kong tumatakbo sya para sundan ako. Nung lumiko na kami, hindi ko na sya nakita. Buti naman.
Kinabukasan, Hindi ko sya nakita. Buti naman at wala nang bumubuntot sa akin. Pero nakakabanibago. Dumaan ang tatlong araw, di talaga sya pumapasok. Naninibago talaga ako. Inaamin ko na medyo nalungkot ako. Tapos parang, lumungkot din yung vibe dito sa school? Pumasok na yung teacher namin.
"Let us offer a moment of silence for your classmate, Samuel Cruz." Sambit ng teacher na ikinagulat ko. Si Samuel yung manliligaw ko. Bakit? Anong meron?
"On August 5, si Samuel ay natagpuang nakahandusay sa kalsada. He is said to be dead on arrival sa hospital matapos umatake ang asthma nya at nakita ang kanyang bag sa isang kalapit na coffee shop at doon pala nakalagay ang inhaler nya." Dagdag pa ng teacher namin. Tinignan ako ng mga kaklase ko. Bakit ang bigat ng nararamdaman ko? Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Bakit? Dahil ba ngayon ko lang nalaman na gusto ko rin pala sya?
Totoo nga. Na tsaka mo lang malalaman ang halaga ng isang tao, kapag nawala na ito.
©Marlliah Wyx
BINABASA MO ANG
Short Stories Compilation
General FictionShort stories. Iba't ibang klase ng manunulat. Malay mo nandito yong gawa mo. ☺