MATHarot

1K 0 0
                                    

Nakaharap ako sa blackboard na may hawak na papel at scientific calculator.

Titingin tingin lang ako sa blackboard sabay paikot-ikot ng ballpen sa kamay ko. In short, blangko talaga ang papel ko at nakatitig lang ako sa pagka-haba habang formula sa blackboard. Nangangati na ang ulo ko kaka-isip kung saang butas lumabas ang sagot sa example.

And he was there, Sam. Sam is my long time crush. Well, he got the looks. The brains and all. Exactly my ideal. Naka-upo siya malapit sa bintana.

The sunlight was kissing his pale skin. That moment I get jealous on how the sun is free to kiss his every inch.

At dahil pinanganak lamang siguro talaga akong humarot tumayo ako mula sa upuan ko at naglakad patungo sa pwesto niya.

"Hi Sam." I greeted him. Tiningnan niya lang ako at bumalik na sa ginagawa.

"Sam alam mo para kang two raised to the power of two, cause I'm two squared to loose you."

"K."

"Look at me. I'm acute, right?"

"Square root of negative one I guess?" He replied.

Wait what? Diba imaginary yun? Aray!

'Ouch!'

"Grabe ka naman crushy!"

"Tigil-tigilan mo na ang kakalapit mo sa'kin France. Naiirita na ko." He hissed.

"Alam mo para tayong asymptotes. We get closer and closer pero never magiging together!"

"Correction, para talaga tayong tangent. We would have a chance to meet, but this one would be the last."

"Aray Sam ha! Pero wala eh, crush talaga kita face that!"

"Gusto mo sampalin kita 360°? May pa-'face that' ka pa eh hindi nga bagay 'yung foundation na gamit mo sa tone ng face mo. Tapos hindi 'din pantay yung blush ng cheeks mo."

Double kill!

"Eh Sam, kaya ko naman palitan 'yung foundation na gamit ko. Kung gusto mo ikaw pa pumili. Tapos mag ki-clay blush nalang din ako. Sam naman eh!"

"Alam mo gurl, usog ka nalang kita mo busy ako e. At'saka ayan na yung crush ko isipin pa 'non girlfriend kita."

At sinong lapastangan ang gusto ng matigas kong future fiancee?

I turned around and watch who's coming. It was not a her but a him! Si Sir Gerald!

Ah kaya pala ayaw niya sa'kin! Kasi Barbie!

©Nikuludyun

Short Stories Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon