Entry no. 18

10 1 0
                                    

Dear Diary,

Kinabukasan tinamad akong pumasok pero pumasok pa rin ako. Ayaw ko namang masira ang kinabukasan ko dahil lang sa isang lalaking nanloko sa'kin. Alam kong matagal na yun pero hindi pa rin ako maka-get over.

Grade 4 ako nun, nung nagtapat siya sa'kin, siyempre ako natuwa kasi crush ko rin siya. Kahanga-hanga naman kasi siya, hindi lang dahil sa gwapo siya, kasi talented pa siya, magaling magdrawing, magaling sa klase, matalino, marunong din siyang tumugtog ng instrumentog katulad ng piano, at gitara sa mura niyang edad kaya naman talagang kahanga-hanga siya.

Sabi niya liligawan niya ako kahit bata pa kami, sabi ko sa kanya na hindi pa pwede kasi sobrang bata pa namin. Ayoko munang magboyfriend hanggang di pa ako nakakapagtapos ng pag-aaral at hindi ko pa naabot yung pangarap kong maging teacher. Sabi niya, hihintayin niya daw ako. Liligawan niya daw ako pagdating ng tamang panahon at papakasalan 'pag nasa tamang edad na kami. Natuwa ako kasi nga musmos pa lang ako at hindi pa alam ang tunay na mundo. Natuwa ako sa thought na may prince charming na ako! Ang saya ko. Nakuntento naman kami sa ngitiang may kahulugan. Hanggang sa maghighschool kami, second year kami nun ng makita ko yung babaeng laging niloloko sa kanya, si Angela na nakahawak sa braso niya. Alam mo yung feeling na parang wala kang laban kasi magkalevel sila. Parehong good-looking, matalino, at talented. Nasaktan ako nun, dahil na rin dun sa naisip ko, at pati na rin dahil sa hindi niya tinupad yung pangakong ilang taon naming pinanghawakan.

Nakita ko siya sa may gate nun, nagsorry siya pero nilampasan ko siya. Ayoko siyang makita, nakakainis eh. Pero hindi niya ako tinigilan. Pumayag na rin akong kausapin siya para na rin malinaw yung nakaraan namin kahit wala naman talaga kaming past. Nagsorry siya, sabi niya na hindi naman daw niya alam na hindi pa rin ako nakakaget over. Sabi pa niya, hindi pa rin daw siya nakakaget over. Sinabi niya na hindi naman daw talaga niya gusto si Angela, pinepair up lang daw sila ng mga magulang nila. Matalik daw kasing magkaibigan yung mga nanay nila kaya gusto nilang sila ang magkatuluyan. Sabi pa niya, kaya raw siya pumayag kasi itatapon daw ng mommy niya lahat ng video games na siya mismo ang bumili at dahil bata pa siya noon, pumayag siya sa pag-aakalang maiintindihan ko siya. Maniniwala ba ako?

Siya lang yung nagsalita the whole time at nanatili akong tahimik. Hanggang sa sabihin niya na gusto raw niyang tuparin yung pangako niya sakin. Liligawan niya daw ako at papakasalan sa tamang panahon.

Tsaka ko lang namalayan na hawak niya pala yung bag ko, kinuha ko ito basta-basta and without a word, I left. I didn't know what to say. I don't know if I should believe him. Should I?

I wish you can give me something that would clear my mind. If you could only speak... Sagutin mo ako DIARY!!!

Dear Diary... (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon