Entry no. 14

26 1 0
                                    

Dear Diary,

Diba nahuli ko na siya na kumuha ng wallet ko, kinuha lang pa la niya picture ko tapos binalik na niya ulit sa bag ko. Pinaltan ko na lang ng bagong picture kasi naiinis akong harapin siya at itanong ang dahilan kung bakit niya ginagawa yun. Pero ginawa na naman niya. Ganito kasi yun, si Viennice, sinama si Ericken.(Gustong-gusto kong banggitin ang pangalan niya kasi feeling ko nakakapaghiganti ako sakanya kasi ang bahoooo ng name niya! mwahahahaha) Eto palang dalawa, medyo close na -_- Kailan lang sila nagkakilala. (Hindi ako galit ah! Ang bilis lang talaga nilang maging magkaclose.) Friends na pala sila sa FB, naunahan pa ako. (Hindi ko pa kasi friend si Viennice. Well, pareho pala silang hindi ko pa friend.-,-)

So ayun nga, inimbitahan niya si Ericken, wala naman akong magawa ei. (Hindi dahil sa gusto ko ah, wala lang talaga akong magawa kasi hindi titigil si Viennice.)

Nabanggit pa naman ni Ken habang nasa daan kami na ililibre niya daw kami kaya etong si Viennice, go lang ng go. Ako naman, syempre sayang din, kaya pumayag na ako. Napagpasyahan namin na sa McDo kumain.

Bago umorder inaya ako ni Viennice mag-CR. Hindi ko na dinala ang bag ko. Pero pagdating sa CR wala na palang tissue. Sabi ko kay Viennice na may isa akong pakete ng tissue kaya bumalik ako sa table namin. Tapos nakita ko siya na may kinakalkal sa bag ko. Ayun, dali-dali akong pumunta sa table namin at sinabihan siya ng 'Walanghiya' pagkatapos ay kinuha ko ang bag ko. Bumalik ako sa CR at hinila ko si Viennice. Nagreklamo pa nga siya kasi jebs na jebs na daw siya tapos pinaghintay ko pa siya tapos hihilahin ko pa daw siya pauwi. Sabi ko na lang sa kanya na magtiis na lang siya. Pagkatapos nun ay tuloy-tuloy kami palabas ng fast food resto na yun.

Hindi naman ako nagalit dahil sa kukunin niya yung wallet ko(kasi alam kong ibabalik niya rin yun kasi kukunin niya lang yung picture ko) kundi dahil baka may kung anong makita niya sa bag ko, may bisita kasi ako ngayon!!!! Kung nakita man niya yun, may mukha pa ba akong maihaharap sa kanya?

Nagtatanong,

Jen.

Dear Diary... (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon