Author: okay, tapos na siya. Yieeh! Bwahahaha! Salamat kay LittleLadyxx na walangpalyang bumoboto. Labyu . Merry Christmas!!!
---
Dear Ms. Melodia Jenivieve Perez, ang nagmamay-ari ng diary na ito,
Nakakatuwa namang malaman na ako pala halos ang laman nito, hindi lang pala halos, ako pala talaga ang laman ng diary mo, at ang pag-extra ng mahiwaga mong wallet. Pasensya ka na kung napakialaman ko itong diary mo, mukha kasing inaamag na, de biro lang, nakasingit pa dito yung pinagbuhusan ko ng effort na drawing ng eiffel tower, alam ko kasing gustong-gusto mo 'yun eh, di bale, 'wag kang mag-alala, dadalhin din kita diyan.
May mga bagay na dapat kang malaman('wag kang mag-alala, hindi ito yung tipong mga negative)
Unang-una, itong diary na ito, hindi kaibigan mo ang nagbigay nito, nakiusap ako na ibigay niya ito sa'yo dahil kapag ako ang nagbigay nito, malamang hindi mo tatanggapin. Gusto ko kasing malaman yung mga bagay na nasa utak mo, yung nga nangyayari sa'yo at gusto kong mabasa lahat ng iyon 'pag naging tayo. Kaso bakit di mo na itinuloy yung pagsusulat mo dito?
Pangalawa, hindi aksidenteng doon din ako nagpasyang mag-aral sa unibersidad na pinagtapusan mo. Sinadya ko talaga 'yun, nalaman ko kasi sa kaibigan mo na doon mo ginustong pumasok, bukod sa kilala ito, meron itong in-ooffer na kursong BEEd. Sa totoo lang, hindi talaga ako dapat mag-aaral sa unibersidad na pinasukan mo. Nagalit nga si Mommy nung nalaman niyang dun ko gustong mag-aral. Sabi ko, ita-try ko lang naman, pero yung totoo, dun muna ako mag-aaral hanggang sa magkaayos lang tayo. Naalala mo pa ba nung sinabi ko sa'yong magtratransfer ako ng School para magshift ng course at magtake ng Civil Engineering, naalala ko, nagalit ka sa'kin at dalawang linggo mo akong iniwasan, pero ako 'tong sinuyo ka. Ang hirap mong suyuin! Pero worth it naman yung hirap kasi alam kong maiintindihan mo. Alam mo na yun diba?
Pangatlo, alam mo na rin siguro na ako yung kumukuha ng wallet mo. Wala naman talaga akong intensyong kuhanin yung perang laman ng wallet mo. Mayaman yata 'to. Kinukuha ko lang talaga ang picture mo. Ang cute mo kasi, este maganda pala. Lagi ka na lang nagagalit 'pag sinasabihan kang cute eh. Wala kasi akong lakas ng loob na humingi sa'yo mismo ng picture. Pero may lakas ako ng loob na magnakaw. Ang gara no? Pero kasi naman, at least pag kinuha ko yon ng walang paalam, hindi lang ako ang mapapagbintangan. Binabalik ko naman sa'yo di ba? Tsaka yung noon, na hindi ko kayo pinapasok sa kwarto ko, wala akong tinatagong porn, nandun kasi yung pictures mo. Pinapa-frame ko pa talaga yung mga 'yon. Nakita mo na ang kwarto ko diba?
Pang-apat, sana maging masaya ka sa buhay may asawa. Kahit alam ko na... masakit.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Masakit sa bulsa. Basta kahit ano, kahit gumastos pa ako ng napakalaking pera para lang matupad amg dream wedding mo, gagawin ko. Ganun kita kamahal eh.
Panglima, lagi mong tatandaan, Mahal na mahal na mahal na mahal kita pati ang magiging pamilya natin, Ms. Melodia Jenivieve Perez na bukas ay magiging Mrs. Melodia Jenivieve Perez-Chumacera na. Mahal kita 'Mahal ko'. Sabay natin tutuparin ang mga pangarap natin.
Ang pinakamamahal mo at ang nag-iisang lalaki sa buhay mo maliban sa kuya mo at sa tatay mo,
Ericken Joseph "EJ" Chumacera
P.S. Kahit gano pa kabaho ang pangalan ko para sa'yo, alam ko namang mahal na mahal mo ako!
BINABASA MO ANG
Dear Diary... (2014)
HumorAll characters in the story do not exist and are mere products of the author's creative and wide imagination. Any resemblance and similarities to an actual person, maybe dead or living, is purely coincidental. --- Blueheart: Dear Diary, ...... Nagma...