Entry no. 19

14 1 0
                                    

Dear Diary,

Pasensya na kung hindi na ako nakakapagsulat sa'yo masyado. Medyo naging busy kasi ako ng mga nakaraang araw, pero sa totoo lang  hindi talaga ako naging busy, nagmukmok lang ako, tsaka nung weekend, nagpasya akong umuwi sa'min para guminhawa naman ang pakiramdam ko. Nakakamiss din kasi ang specialty ni Mommy na 'Kare-kare'. Nang malaman nga ni mommy na uuwi ako, agad-agad daw siyang pumunta sa Supermarket at bumili ng ingredients para sa favorite dish ko.

Tapos, nung umuwi ako sa bahay, parang may fiesta, nandun yung mga pinsan ko na elementary at highschool pa lang. Para bang grumaduate ako with honors eh mag tatatlong linggo pa lang akong college student. Tapos andun din yung mga pinsan at tita kong akala ko ay nasa ibang bansa. Sabi ni
mama, buti na lang daw at naisipan kong umuwi, napagpasyahan daw kasi nina Tita Cherry at Tito Phil magbakasyon tutal bakasyon pa daw ng mga anak nila. Parang nung mga panahon na 'yon, nalimutan ko ang mga problema ko. Nung sumapit yung linggo, kinailangan ko nang bumalik, may naiwan din kasi akong gawain.

Lunes no'n, nakita ko siya sa may gate na parang may inaabangan, hindi ko na lang pinansin, pero sinabayan niya ako sa paglakad. And as usual, nangulit na naman siya na para bang walang nangyari. Naiinis na rin ako kaya tinanong ko siya, "Bakit mo ba 'to ginagawa?!" and oo, with exclamation point, sinigawan ko talaga siya kaya medyo napatingin yung mga kasabay  namin sa paglalakad. Pero sa kabila ng pagsigaw ko sa kanya, sumagot siya ng mahinhin, "Diba sabi ko naman sa'yo, liligawan kita, at papatunayan kong mahal kita noon pa man." At doon ako natameme, parang tumigil ang mundo, bumagal ang lahat ng naglalakad kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Oh diba, diary?! Saulo ko pa talaga yung sinabi niya.

Nagdaan ang ilang araw, palaging may nag-iiwan ng mga cute stuffs sa desk ko. At syempre kinikilig ako. Sinasabayan niya rin ako sa pagkain kahit na sinasabi kong ayoko (kahit gusto ko talaga),hinahatid niya ako papunta sa boarding house para daw masiguradong ligtas akong makakauwi kasi lagi niyang sinasabi, "Paano kung mapahamak ka? Sino na lang ang tatawaging 'Mommy' ng mga magiging anak ko?" And I find it sweet. Paminsan minsan, sumasagot na rin ako at nakikipag-usap sa kanya.

Kanina, nadatnan ko ang seat na lagi kong inuupuan na may nakalagay na teddy bear. Sus, alam ko na kung kanino galing 'yan, though kinilig ako sa thought na binigyan niya ako ng teddy bear na kulay blue(favorite color ko) na may kasama pang drawing ng Eiffel tower(alam niyang gustong-gusto kong makapunta sa Paris, France to see the Eiffel Tower). Tapos nung nag-lunch ako, (meron pa siyang klase that time) kahit hindi ko pinapakita, natuwa ako kasi hindi siya pumasok sa subject niya para lang masabayan ako sa pagkain. Pinagsabihan ko pa siya na 'wag dapat siyang um-absent para lang sa'kin kasi hindi ko masasabing may chance pa na maging kami. Tsaka pa'no na, pag nagpabaya siya, pa'no 'yung future namin? At talaga namang naisip ko pa yun ah! At OO, I think, I'm falling for him again. Sana lang hindi siya magsawang iparamdam sa'kin yung pagmamahal niya...

Umiibig muli,

Melodia Jenivieve Perez, soon-to-be Chumacera(talaga???)

Dear Diary... (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon