Chapter 2 - Drunk in love

41 2 0
                                    

MINHO'S POV

[ nakooo Minho, andito ngayong si Anne, nagpapakalasing. Mukhang may problema ata.]

"Ganun ba? Sige puntahan ko nalang." Sabi ko at inend call na ang tawag ni Jinwoo. Hayyy, si Anne talaga.

Pumunta ako sa bar na pagmamay-ari ni Jinwoo. At yun, nakita ko na si Anne. Mukhang lasing na lasing na. Umupo nalang ako sa tabi niya.

"Anne..."

Tumingin sakin si Anne at ngumiti.

"Oh! Minho! Sakto oh andito ka na. Tara tara! Inuman tayoooo~ Jinwoo apat pa na bote ng soju!"

"Anne, tama na yan. Lasing ka na."

"Shhhhhhh" pagpigil niya sakin at tinignan ang bote ng soju na hawak niya.

"Lumulubog na ang bangka, kasama mo rito ang syota mong manloloko at ang bestfriend mong plastik. Sino ililigtas mo?" Sabi niya at uminom at nagpatuloy.

"Yung bangka o yung sagwan?" Dagdag niya. Natawa naman ako sa tanong niya. Kahit kelan talaga.

"Aba bat mo ko tinatawanan? Baka gusto mo masapak?" Sabi niya. Dumating na si Jinwoo na may dalang apat na bote ng soju.

"Alam mo, ang sakit, Minho. Ang sakit-sakit." Sabi niya pero nakangiti. Tinignan ko siya. At kinuha ang isang bote ng soju.

"Ganyan talaga ang buhay. Minsan masaya, minsan mapapaputangina ka nalang." Sabi ko at uminom.

Siya naman ang tumawa. Pero maririnig mo ang kalungkutan sa tawa niya.

"Alam mo na?" Tanong niya sakin. Syempre alam ko na kung bat siya nagkakaganya. Kamember ko ba naman si Key bat di ko malalaman? Mabait si Key pero may pagkagago lang din minsan.

"Oo..." Sabi ko.

"Kay Minah?" Tanong ulit niya.

"Oo" sabi ko at narinig ko siyang napabuntong-hininga.

"Alam mo ba kanina, sabi ni Key; 'Anne, wait' pero pinigilan siya ni Minah, sabi 'stop Key masasayang lang laway mo' ganun-ganun. Eh tangina pala nila e, natatakot sila masayang ang laway nila pero di manlang nila naisip na nasayang ang oras ko sakanila?" Sabi ni Anne na ngayo'y umiiyak na.

"Alam mo ba, Minho, na simula kaninang umaga hanggang nung hapong tapat naghintay ako sakanya? Grabe tas ganun lang pala mapapala ko? WALA." Pagpatuloy niya at humagagulgol na.

"SA PANAHON NGAYON, HAPON NALANG ANG TAPAT!" Sigaw niya na dahilan na pinagtinginan kami ng mga tao. Naaawa ako kay Anne, pero ano nga naman magagawa ko, diba? Pwede kong bugbugin si Key pero ano madudulot nun? Alam mo yung feeling na ang useless-useless mo dahil wala kang nagagawa para pagaanin ang loob niya. Yung kahit moral support manlang ay hirap na hirap ka na.

Wala na kong ibang nagawa kundi samahan siya sa paginom.

*********

"Minho, hoy Minho gumising ka nga! Magsasara na ko." Naggulat ako ng bigla nalang ako ginising ni Jinwoo. Nakatulog na pala ako.

"Jinwoo, anong oras na?" Tanong ko sakanya na medyo hang over pa. Sakit ng ulo ko. Tsk

"Magaalasdose na kaya. Ang tagal mong natutulog dyan" alasdose? Teka, asan na si Anne?

"Jinwoo, asan na si Anne?"

"Ayun umuwi. Sabi ko sakanya hahatid ko siya pero kaya naman daw niya."

"At pinabayaan mo naman!?! Alam mo naman na maraming nainom yun, pano kung may mangyari dun na masama?!? Tsk" parang gago rin tong si Jinwoo minsan e no, pabayaan ba naman si Anne. Pano pag naaksidente yun, diba?

"Relax, di naman ako bobo para pabayaan siya completely, okay? Nung paglabas niya nakita kong may nagmagandang loob na ihatid siya to who-knows-where. Kaya relax lang Minho, masyado mong iniistress sarili mo eh." Sabi niya na kala mo sure na sure siya. Hindi ko na napigilan at binatukan ko siya.

"Aray! Ano ba?!?"

"Nakakaagaw pansin talaga yang katangahan mo e no? Alam mo naman na may pagkamaganda si Anne tas pinabayaan mo siyang sumama sa kung sino dyan?!? E pano kung pervert pala yun at reypin siya? Ha? Gago ka!" Sigaw ko sakaniya.

Please Anne, be safe. Stay safe.

------------------

Okay. Nasingit ko pa sa story ko ang Shinee. Lol. Wala lang. Naenjoy niyo ba? Please bear with me if it's not that good. And I'll also try and make my chapters longer next time.

Don't forget to vote and comment.

Thanks! <3

FOREVER NA PAG-IBIG ( Tanga! Walang ganun!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon