Please bear with me~
Mahaba to kasi pinagkasya ko na lol
Enjoy~ ❤❤❤
------------------
BAEKHYUN'S POV
/flashback 3/
The whole period magkatabi kami ni Anne pero di kami naguusap. Nahihiya kasi ako e. Ewan ko ba. Ako? Si Byun Baekhyun? Mahihiya? Sa gwapo kong ito? Oo nga e, kahit ako di ko alam kung bakit.
Vacant namin ngayon kaya andito kami sa garden sa ilalim ng isang puno nagpapahinga at nagmumuni-muni. Marami kaming nakikitang tumitingin samin na mga babae at kakaway kami. Kinikilig namam sila. Well, as I said, famous e.
Nakita ko si Anne sa ilalim ng katabi naming puno. Medyo malayo pero matatanaw mo pa rin naman.
"Tara pre, lapitan natin si Anne" sambit ni Chisoo
"Gago, wag na. Matatakot lang yan sayo. Itsura mo ba naman HAHAHAHA!" Sabi ni Jiwon at nagsitawanan kami.
"Mga kupal! Bahala kayo dyan. Pag linigawan ko talaga si Anne tas sagutin nya ko wag kayong iiyak-iyak dyan ah" sabi ni Chisoo
Inakbayan ko siya at humirit,
"Pre, alam kong libre lang mangarap pero, wag mo naman sanang sagarin"Nagtawanan tuloy ulit kami. Halata namang naiinis na si Chisoo e. Pikon pa naman. Kunwari okay lang pero deep inside gusto na manapak. Tumigil na kami at pinunasan ko pa yung luha sa gilid ng mata ko.
Linapitan na namin si Anne.
"Hi Anne!" Pagbati ni Chisoo. Bakas naman sa mukha ni Anne ang pagkagulat.
"Di pa kami na pagpakilala sayo ng maayos. Ako nga pala si Chisoo. Park Chisoo." Hirit ulit niya sabay abot ng kamay kay Anne. Medyo alanganin pa si Anne pero inabot niya rin ito at nakipagkamay. Parang loko naman to si Chisoo abot tenga maka ngiti. Kita gums. Mas nagmukha tuloy manyak.
"Ako naman si Jiwon. Kim Jiwon." Sabi naman ni Jiwon at nakipagkamay rin.
"Ako si Sungmin. Lee Sungmin. Nice meeting you." Sabi ni Sungmin. Nakita ko na medyo na tulala siya kay Sungmin. Nagwapuhan kaya siya? Pano pa pag ako na?
"Uh Anne? May problema ba?" Tanong ni Sungmin. Bumalik si Anne sa reyalidad at umiling.
"Wala wala. You just have the same name of someone that I used to know. Nice meeting you too" Sabi ni Anne at nakipag kamay na rin.
Eto na....
Ako na....
Eto na talaga...
"A-ako nga pala si Baek*insert piyok* hyun. Byun Baekhyun." Nagtawanan naman silang lahat. First time ko kabahan at first time ko rin pumiyok. Ugh. Tangina. Nakakahiya -_- I EVEN STUTTERED.
"HAHAHAHA BAEKHYUN NAGBIBINATA KA NA! HIMALA! WAHAHAHA!" Sabi ni Jiwon at umakbay pa.
"PAGKUMAKANTA KA SA HARAP NG LAHAT DI KA PUMIPIYOK PERO BAT NGAYON?!? HAHAHA NERVOUS?" Sabu ni Sungmin at tumawa na parang wala ng bukas. Sige. Tawa ka lang. Sisiguraduhin ko talagang wala ka na bukas -_-
"YAN NAPAPALA NG MGA KATULAD MO! WAHAHAHAHA! TEKA- HAHA TEKA- DI NA KO MAKAHINGA WAHAHA!" Sabi naman ni Chisoo. Isang-isa nalang talaga uupakan ko na tong mga to e.
"Ewan ko sainyo. Para kayong mga gago." Sabi ko at aalis na sana ng biglang nagsalita si Anne na dahilan kaya napaharap ulit as ako sakanila.
"Byun Baekhyun. I like your name." Sabi niya at ngumiti ng kay tamis.
At alam ko...
Na may nagsimula ng mamuo...
Sa pagitan namin dun palang...
Few months later...
Naging close na kami ni Anne ever since that day. Samin siya lagi sumasama e.
Hanggang ngayon di pa rin sila nagiging ni Chisoo. Kawawa naman haha
Actually, today is the last day of school at ngayon ko rin balak sabihin kay Anne na gusto ko siya.
"Asan si Anne?" Tanong ko kay Claire. President namin sa klase.
"Ay umalis na siya. Sabi niya sabihin ko raw sayo pumunta ka raw sa bahay niya at may sasabihin daw siya. Sounds important so you should hurry" sabi niya. Nagthank you naman ako at umalis na.
Ano kaya sasabihin sakin ni Anne? Aamin din kaya siya? (Lol. Assuming)
Nandito na ko sa harap ng bahay ni Anne. Di ako makapaniwala. Bakit may mga maletang linalagay sa isang kotse? Ano nangyayari?
"Oh ikaw pala Baekhyun! Kung hinahanap mo si Anne nandun siya sa kwarto niya nagiimpake. Puntahan mo na lang" sabi sakin ng nanay ni Anne. Pumunta naman ako sa kwarto niya.
"Anne?" Sabi ko at humarap siya sakin at napatigil sa ginagawa.
"Buti nakahabol ka pa! Oh, gift ko sayo bago kami umalis. Alam ko naman kung gano mo wino-worship si Taeyeon e" Sabi niya at ngumiti sakin ng bahagya. Inabot niya sakin ang album ng SNSD na matagal ko ng gusto bilhin.
"Umalis? S-saan ka pupunta?" tanong ko sakanya. Medyo nagstutter ako kasi parang naiiyak na ko na ewan.
"Ahhh kasi...pupunta na kami sa America. Kukunin na kasi kami ni papa e. Sorry kung di ko nasabi ng maaga." Sabi niya ng nakatungo. Lumapit naman ako sakanya.
"Kelan balik mo?"
"Di ko alam kung makakabalik pa ako..."
I can feel a lump in my throat nung sinabi niya yun. Kung kelan ko pa balak umamin dun siya aalis. Bwiset yang timing na yan.
"Wag ka ng malungkot. Malay mo pag matanda na tayo, bumalik ako rito. Maybe then, mas matino na tayong lahat. You, me, Chisoo, Jiwon and Sungmin. Masaya yun. K-kaya wag ka na malungkot." Sabi niya trying to cheer me up. Ramdam kong naiiyak na rin siya.
"P-pero- " magsasalita sana ako but sumingit nanay ni Anne.
"Anne are you done? Better hurry we don't want to miss the flight" sabi ng nanay niya.
'Don't go'
Gustong-gusto ko sabihin sakanya yan.
"Ano na? Alis na ko ah?" Sabi niya habang nakangiti pero I can see sadness in her eyes.
'Please don't go'
Gusto ko sabihin kaso ayaw lumabas ng mga katagang yan sa bibig ko.
Unti-unti na siyang naglakad paalis at ang tangi ko nalang nagawa ay tignan siya hanggang mawala na siya.
"Di ka pwedeng umalis..."
Dun na talaga tumulo ang mga luha ko na kanina pang nagbabadyang kumawala. Bakit wala akong nagawa?
"...dahil gusto kita"
/end of flashback 3/
------------------
LONG UPDATE! Yea. Haha corny no? Okay lang yan. Soooo...di nga pala totoo yun sila Jiwon, Chisoo at Sungmin. Gawa gawa ko lang sila. Haha anyways, HAPPY 2015! God Bless always. This will be a better year and hopefully the best *claps
May past pala si Anne at si Baekhyun!?! *gasp*
Kahit ako nagulat dun e xD
Please don't forget to vote & comment
Para maganahan ako ^^ gomawo ❤
BINABASA MO ANG
FOREVER NA PAG-IBIG ( Tanga! Walang ganun!)
RandomSi Marie Anne Villamarin ay isang babaeng sawi sa pag-ibig. Isinumpa niya na hindi na siya iibig kahit kelan at halos lamunin na siya ng lahat ng kabitteran sa mundo. Pero, sa isang hindi inaasan na pagkatagpo, ay makikilala niya ang exo at makikip...