ANNE'S POV
[ Let's break up. I'm sorry. It's just not working out. ]
Yan agad ang unang-unang bumungad sakin na mensahe galing sa boyfriend ko pagkagising na pagkagising ko palang.
Kelangan ko pa kumurap ng ilang beses para marealize na hindi na pala ako nananaginip.
Agad pumatak ang mga luha ko sa bedsheet.
Ano ba naman kasi, diba? Ang ganda-ganda ng gising ko tas pagkatingin ko sa phone ko ganyan agad makikita ko? Hindi manlang ginawa mamayang hapon. Tsk.
Nung medyo tumigil na ang aking mga luha ay agad akong pumunta sa cr at naligo. Hindi ako papayag na ganun-ganon nalang magtatapos ang aming relasyon. Of course, sino ba papayag sa ganun? Wala diba tsk.
Pagkatapos ko maligo ay agad akong nagbihis at nagtungo sa bahay ng aking boyfriend. Habang nagmamaneho ay walang humpay ang pagtawag ko sa phone niya pero wala ring humpay ang pag deny niya dito. Puta. Kung hindi ko lang mahal tong hinayupak na to baka matagal ko na to nasapak.
Nakadating na ako sa destinasyon ko at agad ko rining ang doorbell.
"Key! Bumaba ka dito please! Mapaguusapan pa natin to, Key!" Sabi ko habang mangiyak-ngiyak na. Riniring ko pa rin ang doorbell at paulit-ulit na tinatawag siya.
Pero kahit ganun man, wala. Wala talaga. Ni isang salita, wala.
"Bahala ka ah! Maghihintay ako rito sa labas kahit habang buhay pa! Kausapin mo lang ako!" Last na sigaw na at umupo na sa tabi ng gate.
Magdamag ako nag hintay. Tiniis ko nalang ang araw na kanina pang tapat na tapat dahil hapon na. Tibay ko no? Kanina umaga lang tas ngayon hapon na. Aba! Mas matibay siya. Kaya niya kong tiisin. Sakit. Shet.
Naghihintay pa rin ako ng biglang may narinig akong papalapit sa dereksyon kong nagtatawanan.
"Key ano ba nakikiliti ako~"
"Bakit? Ayaw mo ba ang ginagawa ko? Hmmm?"
"Key nemen e. Ene be hihihi- oh great, sabi ko sayo pupunta si Anne e"
"So...papalitan mo na nga lang ako...bestfriend ko pa?" Sabi ko sa kanilang dalawa. Tangina. Landi nila. Kaya pala walang sumasagot sakin kasi wala naman si Key sa bahay niya kundi eto, kaholding hands ang bestfriend ko in public. Lakas ah, la pang one day may iba agad. Puta edi wow.
"Wait Anne, I can explain-" sabi ni Key
"Explain? Bakit? Sa tingin mo ganun ako kabobo para hindi magets kung ano nangyayari kaya may paexplain-explain ka pang nalalaman?" Sabi ko. Ramdam ko nanaman ang mga luhang nag babadyang makawala. Tinignan ko naman ang aking magaling na "bestfriend". Si Minah.
"At ikaw, sa lahat ng tao, ikaw pa talaga. Akala ko ba bestfriend kita?" Maririnig mo ang pagyanig ng boses ko.
"Bestfriend? No. Do you know that I just wanted to get close to you because of Key? Bestfriend? Dream on." Sabi niya at inirapan pa ko.
"Wag kang magienglish-english ah. Pag ako magenglish baka mag nosebleed ka pa. Grabe kayo. Mga manloloko." Tinignan ko silang pareho from head-to-toe.
"Okay lang, mas bagay naman talaga kayo e, isang basura at isang basurera." Sabi ko at inirapan sila pareho.
"K" sabi ni Minah.
"Don't you 'K' me. Baka masapak kita." Sabi ko at lumapit pa sakanila.
"Good luck sainyong dalawa. Your gonna need it." Dagdag ko at naglakad palayo sakanila.
"Anne, wait-" tinangkang magsalita ni Key pero agad siyang pinigil ni Minah.
"Stop it Key, she doesn't deserve your explanation. Magsasayang ka lang ng laway."
Habang papaalis na ko ay tumulo agad ang mga luha na kanina pa gustong lumabas.
Had just enough with this shit. Ayoko na. Wala na akong mapagkakatiwalaan.
Pumasok kaagad ako sa kotse ko at nagmaneho to who-knows-where.
------------------
So? How was it? Masyado bang mabilis ang mga pangyayari? Haha. Hope you guys enjoyed!
Maikli ba or mahaba? I'll try making it longer.
Don't forget to vote and comment
It'll mean a lot. Thanks!
BINABASA MO ANG
FOREVER NA PAG-IBIG ( Tanga! Walang ganun!)
AcakSi Marie Anne Villamarin ay isang babaeng sawi sa pag-ibig. Isinumpa niya na hindi na siya iibig kahit kelan at halos lamunin na siya ng lahat ng kabitteran sa mundo. Pero, sa isang hindi inaasan na pagkatagpo, ay makikilala niya ang exo at makikip...