So, ka-ekekan ko nanaman. Haha. Continuation lang last time. Choice niyo ulit kung babasahin niyo ^^
-----------------
BAEKHYUN'S POV
/flashback 3/
Nandito ako ngayon sa eskwelahan ko. Normal na araw lang naman. Hayyy kung di lang talaga dahil sa baon di na ako papasok e. Bwiset.
Actually, late na ko pumasok at inasahan ko na talagang bubungangaan ako ng aming guro pero pag pasok ko sa classroom ay wala pa siya. That's weird, di pa umaabsent yun kahit kelan e. Well, like I care, right? Pssh
Umupo ako sa upuan ko at agad naman lumapit sakin ang mga katropa ko. Ka-band members ko rin sila. Sikat nga kami sa school e. Tsk. Hirap talaga maging pogi shet.
"Uyyy alam mo na ba? May bago raw tayong magiging classmate" sabi ni Jiwon. Tropa ko.
"Oo nga tengene pre chix daw sabi ng president!" Pagsangayon naman ni Sungmin. Katropa ko rin.
"Excited ka na ba Baek? Nakakasawa na kasi mga itsura dito satin e. Pag maganda talaga yun liligawan ko agad hahaha!" Sabi ni Chisoo. Isa ko pang tropa. Bali, apat kami sa banda tas ako yung vocalist. Kaya nga ako pinaka sikat e. Chick magnet nyeta haha
Binatukan ko naman si Chisoo.
"Aray! Bat mo ko binatukan?!? Binatukan ba kita!?! Tsk"
"Mga gago! Puro ganyan nalang iniisip. Palpak naman sa math." Sabi ko sa kanila.
"Nagsalita yung hindi palpak! Puta edi wow!" Sabi ni Chisoo in a sarcastic tone. Naghaharutan pa kami na parang mga bakla ng biglang bumukas ang pintuan.
"Goodmorning class!" Si ma'am andito na.
"Goodmorning Mrs. Frias" tumayo naman kami lahat para batiin din siya.
"Okay, please take your seat" pagkasabi niya nun ay agad kong binuhat ang upuan ko at akmang lalabas na sa classroom. Lahat naman ng classmate ko ay nagtawanan. Kahit si ma'am ay napangiti at napaface-palm nalang.
"No Mr. Byun, I didn't mean it literally kaya maaari ka ng umupo." Pagkatapos nun ay umupo na rin ako. That's right. I'm also a man full of humor. What more would you want?
"I think all of you already know that you'll have a new classmate today. One month late pero dahil matalino siya e makakahabol pa rin sa lesson. Wag na nating patagalin pa. Ms. Villamarin?" Pagkatapos sabihin ni ma'am yun ay may isang dyosang pumasok sa classroom shet. Mas maganda pa sya kesa sakin JOKE
Nahuli ko sarili ko na nakaawang ang bibig kaya madalian ko tong sinara. Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko rin na lahat sila ay namangha.
"*ehem* so ms. Villamarin, please say something about yourself"
"Goodmorning everyone. Ako nga pala si Marie Anne Villamarin but you can call me Anne. Uhmmm...we just moved here due to some circumstances so I look forward to being friends with you all. Please be nice to me." Sabi niya at nag bow
"So class, any questions to ms. Villamarin?" Sabi ni ma'am
"Nakaboypren ka na?"
"Ano number mo?"
"Ano gamit mong sabon?"
"Nagkagirlpren ka na?"
"Pwede manligaw?" -Chisoo
At sari-sari pang nakakagagong tanong. Napaface-palm naman ako kay Chisoo. So he was serious noong sinabi niyang liligawan niya pag maganda?
"Wag mo nalang intindihin ang mga pinagsasabi nila. Sige, you may now take your sit anywhere you like." Sabi ni ma'am sakanya. Nakita ko yung mga classmate ko na may bakanteng upuan sa tabi ay nagsisituruan. Kawawa nga lang yung mga may katabi na. Nakita ko nanaman si Chisoo, tinutulak niya si Sungmin paalis sa tabi niya. Kahit kelan talaga. Napaface-palm nalang tuloy ulit ako.
Nagulat ako na nag 'ayieeee' lahat ng kaklase ko. Tinignan ko kung saan sila kinilig at nung nakita ko kung saan ay parang kahit ako kinikilig na rin. Ghei. Haha kabwiset. Pero yun nga, yung bakanteng upuan sa tabi ko ay ngayo'y may nakaupo na. At hindi siya normal na tao kundi isang dyosa.
/flashback 3 to be continued.../
------------------
Haha mukhang magkaka part 3 pa pala tong mga flashback. Please don't hurt me lol kahit naman ako di ko inakalang magkakapart 3 e xD sorry naaa
So ayun nga. Yan nalang muna kasi napahaba na siya. I really tried na pagkasyahin siya sa part 2 kaso di kaya e. Kaya onting tiis pa sa flashbacks at pagpapatuloy ko na rin yung kwento hihi~ New Year na ^^
Please don't forget to vote & comment
Gomawo ❤❤
BINABASA MO ANG
FOREVER NA PAG-IBIG ( Tanga! Walang ganun!)
RandomSi Marie Anne Villamarin ay isang babaeng sawi sa pag-ibig. Isinumpa niya na hindi na siya iibig kahit kelan at halos lamunin na siya ng lahat ng kabitteran sa mundo. Pero, sa isang hindi inaasan na pagkatagpo, ay makikilala niya ang exo at makikip...