"Teacher kinuha po ni Conan yung baon ko!"
"Teacher si Conan po ginupit yung buhok ko!"
"Teacher pinunit po ni Conan yung papel ko huhuhuhu!"
"Teacher sabi po ni Conan ang panget ko!"
Araw-araw, iba't-ibang reklamo ang natatanggap ko mula sa mga istudyante ko dahil sa pambu-bully sa kanila ni Conan. Nung mga unang beses ay pinagsasabihan ko lang ito ngunit habang tumatagal ay palala nang palala ang ginagawa nito sa mga kaklase niya. Ayoko mang magpatawag ng magulang but I think I already reached my limit. Baka mas lalong dumami pa ang batang masaktan ni Conan kung hindi ko sasabihin sa mga magulang niya.
Kaya isang araw bago sila umuwi, pinaiwan ko si Conan sa loob ng room. As usual, may mga kaklase na naman siyang nirereklamo ang ugali niya.
"Conan, come here." mahinahanon kong tawag dito. Kung titingnan mo si Conan sa panlabas na anyo, hindi mo mase-sense na bully siya. Because the kid is smart, and he always obeys me whenever I asked him to do something. Kaya hindi ko ma-gets kung bakit kailangan niyang paiyakin at saktan ang kanyang mga kamag-aral.
"Conan, I have to explain some things to you so you should listen to Teacher Faith, okay?" I calmly asked him. Isang magiliw na ngiti lang ang isinagot niya sa akin.
"Nitong mga nakaraang araw kasi, lagi akong nakaka-receive ng reklamo ng mga classmates mo tungkol sa'yo. Sinisira mo daw ang mga gamit nila, sinasabihan mong panget, atsaka sinasaktan mo din daw sila. Gustong maintindihan ni Teacher Faith kung bakit mo nagagawa yun. Kaya may naisip akong magandang solusyon..."
Inilabas ko ang letter at ibinigay iyon sa kanya.
"Give this to your dad or to your mom. Then after that, tell them to go here tomorrow para mapag-usapan namin kung ano yung best advice that we can offer to you. Huwag kang mag-alala, ita-try ni Teacher Faith ang best niya para masolusyonan natin 'to, okay?" kinuha naman ng bata ang sulat at inilagay ito sa bag niya.
"Sige po teacher, sasabihin ko na lang po kay daddy." magalang nitong sabi.
"Oh sige bukas dapat pagpasok mo kasama mo si daddy mo ah?"
"Okay po, teacher! Thank you po!"
"Sige baka hinihintay ka na ng sundo mo. Ihahatid na kita sa gate." hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming naglakad papunta sa Exit gate ng school.
"Thank you po ulit, teacher!" pagpapaalam niya sa akin bago siya pumasok sa kotse nila.
Parang hinaplos yung puso ko. Hindi ko talaga alam kung paano siya naging bully sa mga kaklase niya eh ang bait-bait naman niya pag ako ang kausap? Atsaka hindi ko pa nawi-witness firsthand yung mga reklamo nila kay Conan kahit na buong araw naman akong nakatutok sa mga bata.
What seems to be the problem? Is he craving for the attention of his parents? Nag-aalala ako.
Sana maging maayos ang pag-uusap namin ng mga magulang niya bukas. Gusto ko talagang tulungan si Conan.
BINABASA MO ANG
My Favorite Nemesis
FanfictionNais lang naman ni Teacher Faith na ipatawag ang magulang ng pinaka pasaway niyang istudyante na si Conan. She doesn't have any ill intentions about it; gusto niya lang sanang tulungan ang bata na lumaki ng maayos. Ngunit sa kasamaang palad ay natap...