Chapter 4: Come with us

583 48 4
                                    

Hanggang sa pag-uwi ay dala-dala ni Siege ang sinabi ni Faith sa kanya. Ano nga ba talaga siyang klaseng ama? Sa limang taon na pag-aalaga niya kay Conan, alam niya naman na hindi siya nagkulang dito pagdating sa materyal na bagay. Ibinigay naman niya ang lahat sa anak bukod sa oras. Sa sobrang dami niya kasing ginagawa sa Nemesis at sa sarili niyang kompanya, hindi niya na mapaglaanan ng oras ang bata. Hindi rin naman kasi ito nagrereklamo kaya akala niya ay ayos lang ang lahat.

Umuwi siya ngayon sa bahay nila dahil gusto niyang makausap si Conan. Mabuti na lang at Sabado ngayon at wala siyang gaanong ginagawa. Nasa sala si Conan at abala sa paglalaro ng laruan nitong si Spiderman. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa likod nito.

"Ano 'yan?" nilakihan niya ang boses niya kaya nakuha niya ang atensyon ng anak. Nagulat si Conan dahil sa biglaang paglitaw ng kanyang ama kaya naman isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya rito. Parang hinaplos ang puso ni Siege. Ramdam niya ang pananabik ni Conan sa kanya.

"Daddy, nandito po kayo. Akala ko po bukas pa kayo uuwi?"

"Eh na-miss ka ni daddy eh. Kumain ka na ba?"

"Opo, nagluto po sila yaya ng pagkain. Kayo po ba, daddy?"

"Busog pa si daddy eh. Laro muna tayo?" pangungumbinsi niya sa anak.

"Sige po!"

~

Buong araw na naglaro lang si Siege at Conan. Masayang natulog ang bata dahil nakalaro nito ang ama. Katabi ni Siege ang anak sa kama nito nang biglang nag-ring ang kanyang telepono.

"Hello?"

"Viper. Nahuli na si Julio." Napatayo siya sa pagkakahiga nang marinig ang pangalan ng traydor niyang tauhan.

"Nasaan siya ngayon?"

"Nandito siya sa mansyon. Ayaw niyang magsalita." lumabas siya sa kuwarto ni Conan para hindi marinig ng bata ang kanilang usapan.

"Pilitin niyo. Pigain niyo hanggang sa umamin. Hintayin niya kamo ako, mag-uusap kami." dali-dali siyang pumunta sa sariling kuwarto para magpalit ng damit. Ngunit bago siya umalis ay sinilip niyang muli ang anak. Nilapitan niya ito at hinaplos-haplos ang buhok.

"Babawi si daddy, nak. Pangako 'yan." hinalikan niya ang noo ng bata bago siya umalis ng bahay.

Oras na naman para maging isang masamang nilalang.

~

"Good morning, teacher!" magiliw na binati si Faith ng mga istudyante niya. Nagsimula ang araw nila sa pagpe-present ng mga projects na ginawa nila over the weekend. Napuno ng tawanan ang buong classroom dahil sa iba't-ibang bagay na ipinapakita ng mga bata. Ganito madalas ang araw ni Faith. Depende na lang kung may nagpapasaway na istudyante, pero ngayon ay mukhang wala naman.

Nang matapos ang presentation ay nagpa-activity muna si Faith sa mga bata. Abala siya sa pagsusulat ng grado ng mga ito sa kanyang laptop nang biglang may kumatok sa pintuan ng classroom. Tumayo siya para pagbuksan ito at nagulat siya nang makita ang aroganteng tatay ni Conan na sinampal niya nung Sabado.

Walang emosyon niya itong tiningnan bago lumabas ng silid-aralan para kausapin ito. 

"Ano po ang sadya niyo dito, Mr. Salcedo?" mataray niyang tanong. Napangisi si Siege dahil sa inasta ng guro, napailing na lang siya rito.

"Iba ka rin talaga eh, 'no? Kahit sa school ganyan ang ugali mo?"

"Ang ugali ko po ay depende sa kausap ko. Kung may sasabihin po kayo ay sabihin niyo na dahil inaaksaya niyo lang po ang oras ko. Marami pa po akong mas importanteng bagay na gagawin kaysa makipag-usap sa inyo." napangiwi na lang si Siege sa inasta ni Teacher Faith. Gustuhin man niyang makipag-sagutan dito ngunit marami pa rin siyang gagawin.

"Nakapag-decide na ako about sa proposal mo. Pumapayag ako pero may isang kondisyon." masamang tiningnan ni Faith ang kausap. 

"Ano naman 'yon?"

"You need to come with us. Tutal ikaw naman ang nakaisip ng idea na 'to. Mas mabuti kung isasama kita dahil hindi ko kaya kung ako lang ang kasama ni Conan."

"Conan has a lot of maids. Bakit hindi sila ang pasamahin mo?"

"Hindi nakikipaglaro si Conan sa akin kapag kasama ang mga yaya niya."

"Gaano ka naman kasigurado na makikipaglaro siya sa'yo kapag ako ang sinama mo?"

"Makikinig siya sa'yo kasi favorite teacher ka niya."

"Eh ako lang naman ang teacher niya."

Napasabunot na lang si Siege sa sarili. Ganito pala kahirap makipagtalo sa gurong ito, isip niya. Dapat pala ay nakipag-usap na siya dito nang maayos nung una pa lang. Hindi mapigilan ni Faith na matawa ng bahagya dahil sa reaksyon ni Mr. Salcedo. Mukhang kaunti na lang ay susuko na ito sa pakikipag-usap sa kanya.

"Oo na sige na, sasama na ako. For the sake of my student. Nakakaawa naman si Conan kasi  napunta siya sa tatay niyang hindi marunong magpaka-tatay." dire-diretso nitong sabi. Mukhang napikon na si Siege kaya naman napakuyom siya ng panga.

"Pasalamat ka babae ka." inis nitong sabi.

"Oo talaga! Thank you Lord, babae po ako!" sarkastikong sagot ni Faith. Sinamaan siya ng tingin ni Siege at padabog naglakad palayo. Papasok na sana siya sa loob ng classroom nang biglang hinigit nito ang kanyang braso.

"Mamayang uwian, 3:00 PM. Sasamahan mo kami ni Conan na mamasyal." he firmly said before letting go of her arms. Tulalang naiwan si Faith sa may pintuan habang pinanonood niya ang pag-alis ng aroganteng tatay ni Conan.

~

"Ano'ng gagawin ko? Hindi naman ako nanay ni Conan, so bakit kailangan ko pa silang samahan?" reklamo niya sa kaibigang si Dale habang nginangasab ang baon na tuna sandwich.

"Sumama ka na tutal ikaw naman ang naka-isip. Atsaka sa tingin ko, mas maa-asses mo ng mabuti si Conan. Kung may improvement ba sa behavior niya, kung effective ba yung pakikipag-bonding niya sa tatay niya. Kaya mo 'yan." sagot naman ng kaibigan. Recess na kasi kaya napagpasyahan nila na kumain saglit. 

May punto naman si Dale. Pwede siyang gumawa ng report tungkol sa improvement ni Conan at ipasa ito sa head teacher niya para may proof na gumagawa siya ng paraan para matulungan ang bata. At kung may pwede pa silang gawin kung hindi man mag-work ang intervention niyang ito.

Bumalik na sila sa classroom. Mabilis lang tumakbo ang oras. Pagkatapos ng ilang activities at group work ay maya-maya lang uwian na. Nagpaalam na ang mga bata kay Faith, habang siya naman ay abalang inaayos ang kanyang gamit. Nagulat siya nang biglang nag-ring ang cellphone niya at may tumatawag na isang unknown number. 

Sinagot niya ito at isang pamilyar na aroganteng boses lang ang narinig niya.

"Nasaan ka na?" tanong ng lalaki sa kabilang linya.

"Nagliligpit pa po ako. Ano na naman po ba ang sadya niyo?" masungit niyang sabi habang sinisilid ang laptop niya sa bag.

"Yung pinag-usapan natin kanina, remember? 3:00 PM, sasamahan mo kami ni Conan." 

"Heto na sandali! Nagliligpit pa ako. Nandiyan na ba si Conan?"

"Nandito na. Ikaw na lang ang hinihintay. Napakatagal mo." 

Napa-irap na lang ito sa kawalan. Demanding.

"Sige na lalabas na ako."

"Bilisan mo. Ayoko nang naghihintay." sasagot pa sana siya nang biglang ibinaba nito ang tawag. Muntik nang maihagis ni Faith ang cellphone niya dahil sa inis.

"Ahhh bastos!" 

My Favorite NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon