Chapter 7: One Month Trial

619 45 15
                                    


Faith's POV

Halos madaling araw na ako nakatulog kakahanap ng mga sagot sa mga tanong ko. I searched Mr. Siegfred Salcedo on Facebook, and he was right; he owns a casino. Pero duda pa rin ako na ito lang ang pinagkakaabalahan niya eh. Hindi kami hahabulin ng mga armadong lalaki kung wala siyang tinatago. Itsura pa lang mukhang hindi na gagawa ng tama.

Naghanda na ako sa pagpasok. Tsaka ko na iisipin ulit ang tungkol sa lalaking 'yon. Kailangan ko munang mag-trabaho.

Buong araw ay abala ako dahil kailangan naming humabol sa mga lessons. Malapit na kasi ang exam week at itong mga istudyante ko ay puro laro na lang ang ginagawa at ayaw seryosohin ang mga itinuturo ko kaya napagalitan ko tuloy sila.

Tahimik akong nagty-type ng lesson nang lapitan ako ng  isa kong istudyante na si Maris. Umiiyak siya kaya naman napatigil ako sa ginagawa ko.

"Teacher, sabi po ni Orlando crush niya ako!" reklamo nito sa akin. Sinubukan kong pigilan ang tawa ko ngunit may kaunting ngisi na lumabas.

"Nasaan na ba si Orlando? Atsaka bakit ka umiiyak kung crush ka pala?"

"Kasi po kahapon niya po sinabi 'yon pero ngayon po si Leslie na po ang crush niya!" niyakap ko na lang ang kawawa kong istudyante. Lintek na mga batang 'to! Five years old pa lang pero puro crush na inaatupag. Sana all may nagkakagusto, 'di ba?

Nilapitan ko si Orlando na ngayon ay kasabay na kumakain ang kanyang bagong crush na si Leslie. Nahuli ko pa nga na binibigyan niya ito ng Oreo. Kakausapin ko na sana 'to kaso biglang bumitaw sa akin si Maris at agad na inagaw yung cookie na binigay ni Orlando kay Leslie.

"Akin 'to dapat dahil ako ang crush niya!" nagulat ako sa sinabi nitong isa kaya pumagitna na agad ako habang wala pang nangyayaring masama.

"Ako na ang crush ni Orly, no! Kaya akin na 'yan!" hinablot naman nung isa yung cookie at muntik na silang mag-agawan, buti na lang at napigilan ko agad.

"Stop na 'yan, kids, okay?" I half-kneeled para maabot ko yung height nilang dalawa. Hinatak ko na rin si Orlando para mapagsabihan siya. Nakatingin na sa aming apat yung mga kaklase nila at mukhang naghihintay ng sasabihin ko. "Masyado pa kayong mga bata para sa mga crushes na 'yan. Ang ginagawa niyo dapat ngayon ay nag-aaral, naglalaro, at naghahanap ng mga friends. Darating din kayo sa crush stafe na 'yan so don't rush it, okay?" sabi ko sa kanilang tatlo. Kinuha ko yung isang pack na Oreo ni Orlando at binigyan ko ng tig-isa si Maris at Leslie. Samantala yung biscuit na pinag-aagawan naman nila ay ako ang kumain.

Babalik na sana ako sa lamesa ko nang biglang nagsalita ang ultimate playboy ng aking klase,

"Eh kayo po, teacher? 'Di ba po you're malaki na? Do you have a boyfriend na po ba?" napatigil ako sa paglalakad at sinamaan ng tingin ang matabil na bata.

"Basta ang mahalaga, love kayo ni teacher." I fake a smile tapos ay tinalikuran ko na silang lahat.

Mga usisero't usisera!

~

"So ibig sabihin wala pang boyfriend ang teacher mo?" tanong ni Siege kay Conan. Kasama ko na naman silang dalawa at pinagtatawanan lang nila ako. Nandito kami ngayon sa bahay nila at pinaninindigan naman ni Mr. Salcedo ang pangako niya sa anak.

"Parang gano'n na nga po, dad." kinain ko na lang yung sandwich na binigay sa akin at hindi ko na lang sila pinansin. Gusto ko nang manakit!

Naramdaman ko ang mga palihim na titig sa akin ni Siege na may halong ngisi kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

Nang matapos silang maglaro ni Conan ay agad niyang ipinagpaligo ang bata. Ako naman ay nagsisimulang magligpit ng gamit dahil paalis na rin ako. Actually, wala nga akong ginawa ngayong araw kundi maging clown nilang dalawa. Nakakainis!

"So wala ka palang boyfriend?" may tono ng pang-aasar nitong tanong.

"Walang pakialaman ng personal na buha, 'di ba?" sagot ko rito.

"Bakit wala ka pang boyfriend? Ilang taon ka na nga ulit?"

Hinawi ko ang buhok ko at dahan-dahang lumapit sa kanya, "25, bakit?" 

"Talaga? Hindi ka pa nagkakaroon ng boyfriend ever since?" 

"Eh ano naman kung hindi pa?" mataray kong sagot. Nataranta ako nung mas nilapit niya ang mukha niya sa akin. 

"Paano kapag niligawan kita? Papayag ka ba?" halos masamid na ako dahil sa sinabi niya. Siraulo 'to ah! Anong akala niya sa akin? Porket gwapo siya papayagan ko na siyang ligawan ako? Ang kapal ah!

"Over my dead body, the answer is no!" sabi ko sabay atras at kuha ng bag. Naglakad agad ako palayo sa kanya para hindi niya ako mahabol.

"One month trial. Pag nagustuhan mo, pwede mong i-avail yung premium. Tutal pareho naman tayong single." manawa-nawa pa niyang sabi. Hinubad ko yung sapatos ko at ibinato 'yun sa kanya!

"Subukan mo lang! Sasamain ka talaga sa akin!" kinuha niya naman yun agad at nagulat ako nung bigla siyang lumuhod sa harapan ko, "Isuot mo na." masama ang loob kong sinunod ang utos niya at hindi na ako nag-thank you pagkatapos. Sira talaga ulo ng gagong 'yun! Ano bang akala niya sa relationship? Biro-biro lang?

"Liligawan kita ah! Humanda ka na!" pahabol pa nitong sabi bago ako lumabas ng bahay nila. 

Hay leche bakit ba ako sumusunod sa lintek na 'yun!

~

"Ha? Para sa akin po?" 

"Yes po, ma'am. Kayo po si Ms. Faith Louise Villamor, 'di ba po?" sabi nung delivery man sa akin. Paano ba naman eh may nagpadala ng one boquet of roses sa akin tapos chocolates.  Tiningnan ko yung card na nakaipit, may note pa talaga!

Start na ngayon ng 1 month trial, Teacher Faith. I hope that you love the flowers. Mwah :-*

- Siege.

Kadiri! Siraulo talaga yung Siegfred na yun!

"Ako nga po. Sige po kuya ire-receive ko na lang." pinirmahan ko yung papel pagkatapos ay kinuha ko yung mga bulaklak at tsokolate. 

"Salamat po!" sabi ko rito at umalis na ang delivery man. Ako naman eh hindi ko alam kung saan ko ilalagay yung bulaklak. Pag ipinasok ko ito sa loob ng room, tiyak na tutuksuhin ako ng mga istudyante ko.

Hay bahala na nga!

Pumasok ako sa loob ng room dala-dala ang mga bulaklak, at pagkatapak na pagkatapak ko ay rinig ko na agad ang hiyawan nilang lahat. Inilapag ko na lang sa lamesa ang mga ito.

"Class, quiet!" bulyaw ko sa mga ito. Sakto naman na nag-ring ang phone ko at isang damuho lang naman ang tatawag sa akin in the middle of my class. Binabaan ko ito ngunit isang text message naman ang na-receive ko.

From: Mr. Salcedo

How was it? Did you like the flowers? How about the chocolates? Ang sweet ko, right?

Sa sobrang inis ko ay isang makahulugang reply ang natanggap niya sa akin.

To: Mr. Salcedo

Tanginamo.

My Favorite NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon