Faith's POV
Halos busy ang mga co-teachers ko dahil sa nalalapit na family day. Marami kasing activities na hinanda dahil isinabay na rin ito sa foundation day ng school. Ako kasi ang ginawang MC kaya hindi na ako hinayaan na makigulo pa sa kanila. Abalahin ko na lang daw ang sarili ko sa pag-practice ng mga spiel pati na ang mga pakulo na pwede kong gawin. Bukod kasi sa aking edad ay nagagalingan din sila sa kadaldalan ko lalo na kapag nasa stage.
Kanina pa nakauwi ang mga bata at pauwi pa lang din ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Bumungad sa akin ang caller ID ni Siegfred na hindi na ako tinantanan pati nung weekend.
Gayunpaman, sinagot ko pa rin ang tawag.
"Hello?"
"Hi Teacher Faith!" masigla niyang bati sa kabilang linya. Tuwing maririnig ko ang boses niya ay parang automatic na napapairap ako sa kawalan.
"Bakit ka napatawag?" malamig kong tanong.
"Busy ka ba? Pauwi ka na?"
"Oo, bakit?"
"Alis tayo. Samahan mo ako." he playfully asked. Nai-imagine ko na yung mukha niya habang hawak-hawak ang phone at nangungulit sa akin.
"Saan naman tayo pupunta?"
"Shooting range," he replied.
"Ano namang gagawin natin do'n?"
"Malamang mamamaril. Ano pa ba ginagawa do'n?'
Pilosopo.
"I mean, bakit mo ako niyaya mag-shooting range?"
"Wala lang. Masama ka bang yayain?"
Antipatiko.
"Pagkatapos mo akong paghinalaan na member ng kung ano man, tapos ngayon yayayain mo ako?" mataray kong sabi. Kinuha ko na ang bag ko dahil kailangan ko nang umuwi at marami pa akong kailangang asikasuhin.
"Just forget about that. Pagbigyan mo na ako." napairap akong muli sa kawalan at tuluyang naglakad palabas ng school. Kaso nagulat ako sa nakaparadang itim na SUV na awtomatikong nagbukas nung dumating ako. Doon, nakita ko ang nakasandal na lalaki na may suot na aviator habang nakatitig sa akin.
Ang yabang talaga.
Ibinaba niya ang phone tsaka ako nilapitan. Kinuha niya ang bag ko sa aking braso pagkatapos ay dahan-dahang ipinadausdos ang kanyang kamay sa aking bewang.
"Siege, what the hell are you doing?!" galit kong sita dito pero hindi niya ito pinansin bagkus ay dire-diretso niya lang akong inalalayan papasok sa loob ng sasakyan.
"Ano ba kasing gagawin natin sa shooting range? At bakit ako ang dadalhin mo do'n? Hindi nga ako marunong bumaril?" reklamo ko nang makaupo na ako sa loob. Pumuwesto siya sa tabi ko pagkatapos ay isinarado na ng tauhan niya ang pintuan ng SUV.
"Kaya nga kita dadalhin do'n para matuto ka." he answered while texting someone on his phone. Sinubukan kong sumilip para makita kung sino yung kausap niya kaso ay sinamaan agad ako nito ng tingin.
"Tsismosa lang, sorry."
Nagpadaloy na lang ulit ako sa agos dahil wala na rin naman akong magagawa. Nakasarado na ang pintuan at umaandar na ang sasakyan. Alangan namang tumalon pa ako para lang takasan siya, 'di ba? Atsaka may kaunting excitement din akong nararamdaman dahil first time kong makapunta sa isang shooting range.
Gaano kaya kabigat ang baril?
Nasa kalagitnaan ako ng aking pag-iisip tungkol sa mga baril nang biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Dale. Ano naman kaya ang problema nito?
BINABASA MO ANG
My Favorite Nemesis
FanficNais lang naman ni Teacher Faith na ipatawag ang magulang ng pinaka pasaway niyang istudyante na si Conan. She doesn't have any ill intentions about it; gusto niya lang sanang tulungan ang bata na lumaki ng maayos. Ngunit sa kasamaang palad ay natap...