Faith's POV
Naaalala ko nung 5 years old ako, tinanong ako ng teacher ko kung ano ang gusto kong maging paglaki ko. Ang una kong sinabi ay maging isang cashier dahil gusto kong gayahin yung mga nakikita ko sa department store at groceries. Then after 5 years, I was asked the same question again. This time, my answer is different. Ang sabi ko ay gusto kong maging nurse dahil gusto kong alagaan ang nanay ko na may sakit.
Kaso pagkatapos ulit ng limang taon ay kinuha na siya sa amin kaya nalungkot ako at nag-iba na ang gusto ko. Hanggang sa na-inspired ako sa isa sa mga guro ko sa Araling Panlipunan. Magaling siyang magturo at minulat niya ako sa kalagayan ng mundo. Kaya naman simula no'n naging pangarap ko na ang maging isang guro. Dahil tulad ng propesor ko, gusto ko ring matuto ang mga istudyante ko na maging mulat sa kalagayan ng lipunan lalong-lalo na sa sarili kong bansa.
Pero sabi nga nila, bago mo makamit ang lahat ng mithiin mo sa buhay, kailangan mo munang pagdaanan ang lahat ng problema at pagsubok.
Tulad na lang nito.
"Teacher! Natae po si George sa brief niya!" sumbong sa akin ng istudyante kong si Nelli habang takip-takip ang ilong nito.
"Nasaan si George?" hinatak ako ni Nelli papunta sa puwesto ni George. Doon, naamoy ko agad ang sinasabi ng istudyante ko. Agad ko namang dinaluhan si George at sinamahan siya sa CR para maghugas ng puwet. Tinulungan naman ako ng isang mother-aid para palitan siya ng salawal.
Grabe! Umpisa pa lang ng araw, tae na agad ang hinarap ko. Juicecolored.
Pagbalik namin sa room ay umiiyak naman ang isa kong istudyante na si Hazel. Agad itong lumapit sa akin nang makita niya ako.
"Teacher si Conan po ginupit yung buhok ko!" reklamo niya sa akin habang pinapakita ang putol niyang buhok na medyo mahaba-haba. Jusko.
Nilapitan ko si Conan at mukhang hindi na siya nagulat sa akin. Hindi pa man ako nagsasalita pero sinurrender niya na agad sa akin ang gunting.
"Conan, why did you do that?" malumanay ngunit maawtoridad kong sabi.
"Nothing, teacher. I'm sorry Hazel, I didn't mean it." he sincerely apologized to his classmate but Hazel is still crying.
"Your father will go here later, Conan. Sasabihin ko sa kanya ang nangyaring ito, okay?"
"Okay po, teacher."
Bumalik na ako sa lamesa ko para ipagpatuloy ang pagche-check ng mga assignments nila. Hindi talaga ako marunong magalit sa mga bata dahil mataas ang tolerance ko sa kanila. Nagagalit nga minsan yung ibang co-teachers ko sa akin dahil masyado daw akong forgiving pagdating sa mga bata. Eh kasalanan ko ba na very charming sila at mabilis akong mauto?
Oo na kasalanan ko na.
Natapos ang recess at nag-proceed agad kami sa drills. Pinabasa ko lang sila ng ABAKADA tapos ay nagpa-recitation ako para sa kung sino ang makapagbibigay ng tamang example sa mga letrang isinulat ko sa board. Kahit na mga pasaway ay nakakasagot naman sila ng mabuti sa mga pinapagawa kong activity.
Kindergarten ang tinuturuan ko kaya expected na talaga na magulo sila at maraming tanong. Halos tatlong taon na akong nagtuturo dito sa South Woods Elementary School kaya medyo gamay ko na rin ang pagha-handle sa mga bata. Yung mga magulang lang talaga ang mahirap kausapin dahil karamihan sa kanila ay mayayaman.
~
End of class na at hinatid ko na ang mga istudyante ko sa gate. Karamihan sa kanila ay sinusundo ng mga sari-sarili nilang yaya. Kakaunti lang ang sinusundo ng mga magulang nila dahil karamihan ay nagtatrabaho. Ang hirap kasi ng buhay.
Kasa-kasama ko si Conan sa classroom habang hinihintay namin ang daddy niya. Mabait naman siya, medyo pilyo minsan pero kahit kailan ay hindi ko pa siya nakikitang nanakit ng kaklase niya. Kaya nagtataka ako kung paano nangyari ang lahat ng 'yon.
"Conan, habang wala pa si daddy mo, magtatanong ako sa'yo ha? Okay lang ba?" I ask his consent before giving him some question.
"Okay lang po teacher."
Inilapit ko ang upuan ko sa kanya para magkarinigan kaming dalawa.
"Sino-sino kasama mo sa bahay niyo?"
"Si daddy po, si Yaya Janice at Yaya Teri tapos po may 6 po kaming bodyguards sa bahay tapos meron po kaming dalawang driver. Bali po 1 plus 6 plus 2 plus 2 equals..." nagbilang pa siya sa daliri niya, "11 po, teacher."
I'll take note of that.
"Si daddy mo ba laging nasa bahay?"
Biglang nalungkot ang expression ng mukha niya.
"Si daddy po kasi wala lagi sa bahay. Umuuwi lang po siya every Sunday tapos po ipapasyal niya po ako tapos po aalis din siya. Kaya kalaro ko lang po eh yung mga maids namin."
Ganito ang karaniwang problema ng mga batang nae-encounter ko. Laging wala ang mga magulang sa bahay, puro yaya lang ang kasama kaya yung mga bata gagawa ng paraan para pansinin sila ng parents nila.
Hininto ko na ang pagtatanong dahil baka biglang umiyak si Conan. Binigyan ko na lang siya ng tinapay at juice habang naghihintay kami sa daddy niya.
Mga dalawampung minuto pa ang nakalipas bago ito nagpakita. Agad na tumakbo si Conan patungo sa daddy niya para yakapin ito ng mahigpit. Mukhang sabik na sabik nga ito dahil sa higpit ng yakap nila sa isa't-isa.
"Conan, why your teacher suddenly called me? Is there any problem with your grades?" Mr. Salcedo removed his glasses and look directly to me. Masama ang naging tingin niya sa akin kaya hinanda ko na agad ang sarili ko para sa pag-uusap namin.
I extend my hand to initiate the handshake.
"Good afternoon po, Mr. Salcedo. I am Teacher Faith Villamor, Conan's adviser." pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa bago tinanggap ang pakikipag-kamay ko.
Patience, Faith.
"Siegfred Salcedo, Conan's father. Can we talk now? I have some meeting to attend to."
"Sure sir! Let's sit." naupo na kaming tatlo. I'm sitting at the center habang ang mag-ama naman ay nasa harapan ko.
"Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa, Mr. Salcedo. I've been receiving a lot of complaints about your son coming from his classmates..." ibinigay ko sa kanya ang mga papel na sulat ng mga bata tungkol sa kanilang reklamo kay Conan. He scan the papers pagkatapos ay manawa-nawang tumingin sa akin.
"Seriously? Ipinatawag mo ako para sa ganitong walang ka-kwenta kwentang mga complaints? You just wasted my time, Ms. Faith." halos itapon niya na sa akin ang mga papel at mabuti na lang ay nasalo ko ito.
"Hindi po kayo nabo-bother sa mga reklamong 'yan? Bullying po ang nangyayari, sir. At kailangan po ng anak niyo ng gabay para itama ang mali niya."
"Oh? Para saan pa ang binabayad namin sa inyo kung 'di niyo naman sila tuturuan ng good manners and right conduct?" sabi nito.
Napakapit ako sa dulo ng palda ko. Shit. Ito yung mga klase ng magulang na masarap buhusan ng kumukulong kape eh.
"Ang good manners and right conduct po ay nagsisimula sa tahanan. Kung hindi po natututunan ng mga anak natin ang mga tamang gawain, lalo na sa sarili nilang tahanan, madadala po nila ito kahit saan sila pumunta." sagot ko rito.
"So you're telling me that I'm not a good parent?"
"Hindi po sa ganun, sir. Maaari po nating pagtulungan ang---"
"Miss if the complaint is about the grades, I might answer your question. But we're talking about useless things here, like my son fighting back to his classmates and I don't see anything wrong that. So if you excuse me, I still have a meeting to attend to. Just call his yaya if this thing happens again. We'll go now."
Hindi pa man ako nakakapagsalita ay agad na hinatak agad nito si Conan palabas ng classroom. Sinubukan ko silang habulin pero nakasakay agad sila sa kotse.
Nakaka-bad trip talaga! Ang malas ni Conan at yung gagong 'yon ang tatay niya!
BINABASA MO ANG
My Favorite Nemesis
FanfictionNais lang naman ni Teacher Faith na ipatawag ang magulang ng pinaka pasaway niyang istudyante na si Conan. She doesn't have any ill intentions about it; gusto niya lang sanang tulungan ang bata na lumaki ng maayos. Ngunit sa kasamaang palad ay natap...