Faith's POV
Ang lakas ng ulan.
Titila na kaya 'yan mamaya kapag uwian na? Sana tumila na. Ayokong nababasa eh.
Hindi pumasok si Conan ngayong araw dahil may sakit daw ito. Kakatanggap ko lang ng excuse letter galing sa driver nila kaya naman tinext ko kanina si Siege na alagaan ang bata.
Ngayon na sana ang last day ng one week na ipinangako ko kay Conan. At mukhang effective naman dahil wala na akong naririnig na sumbong mula sa classmates niya. Atsaka napansin ko rin na mas naging close nga sila ng papa niya. Malayo pa sa goal ko pero at least may progress na. Siguro 20 out of 100% na.
"Class, ready your forms on Monday, okay? Make sure na papapirmahan niyo sila sa parents or guardian niyo para makapunta kayo sa family day. Kapag walang pirma, i-approach agad si Teacher Faith, okay?"
"Yes po teacher!"
Natapos ang araw ko sa school ngunit hindi pa rin tumitila ang ulan. Nakakainis naman. May dala naman akong payong kaso tinatamad akong ilabas! Maputik na naman nito sa daan eh!
Dale is out of nowhere. Naka-sick leave ang loko kaya ibang teacher muna ang nagta-take over sa klase niya. Sana all nakakapag-leave.
Masama ang loob kong kinuha ang payong sa bag ko at binuksan iyon.
Hay.
Sobrang hectic ng linggong 'to dahil ang daming nangyari. Muntik na kaming masali sa shoot-out, nagpa-one month trial si Siege na manliligaw daw tapos isabay mo pa yung mga istudyante kong matitigas ang ulo. Buti naka-survive ako.
Naghihintay ako ng jeep nang naramdaman ko na may tumabi sa akin. Umusog ako dahil baka mamaya manyak o kaya naman ay snatcher. Mas mabuti na ang nag-iingat kaysa magsisi sa huli. Nagche-check ako ng updates sa newsfeed ko nang biglang hinablot ng katabi ko yung phone ko.
"Aba'y putanginang 'to---Siege?!" handa na sana akong atakihin ang kung sino mang Poncio Pilatong humablot ng aking gamit kaso nung paglingon ko, isang manawa-nawang Siegfred ang bumungad sa akin. Lakas talaga ng tama nito.
"Siraulo ka." galit na sambit ko dito saka ko kinuha ang phone sa kamay niya.
"Teacher, ang lutong mo namang magmura. Paano kapag narinig ka ng mga students mo?" hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa.
"Wala akong pake, tangina ka."
"Crunchy and crispy huh?" pang-aasar nitong muli pero hindi ko na pinansin. Ang nakakainis sa araw na ito ay bukod sa nakita ko si Siegfred, wala pa ring tigil ang buhos ng ulan.
"Ah lintek talaga. Alam mo feeling ko, ikaw ang panira ng araw ko. Tuwing nagkikita tayo, lagi na lang may delubyong dumarating." reklamo ko rito. Bakit ba ang tagal dumaan ng jeep?
"Sumabay ka na sa'kin. I brought my car." offer niya na wala naman akong balak tanggihan. Hindi naman sa gustong-gusto kong makasama siya sa isang sasakyan, pero sa ganitong panahon, wala na akong choice kundi ang kumapit sa patalim. At ang patalim na tinutukoy ko ngayon ay si Siege.
"Tara na! Nasaan ba?" hahatakin ko na sana siya kaso ay pinigilan niya ako. Nginuso niya ang mall sa harap namin. "Sa parking lot ng mall ako nag-park. Kailangan pa nating tumawid kaso wala akong dalang payong. Can I share with your umbrella?" hindi na ako nag-atubili pang pumayag dahil pareho naman kaming magbe-benefit. Siya may dalang kotse, habang ako naman ay dala ang payong.
"Halika na!" isinilong ko siya sa payong ko at kailangan ko pa talagang tumingkayada dahil ang tangkad ni loko.
"Ano? Halikan na?" mabilis kong tinanggal ang payong sa kanya nang marinig ang kalaswaan na pinagsasasabi nito.
"Ulul. Mag-isa ka."
Muli, ay tinawanan na naman ako ni Siegfred pero ang ending ay siya ang nagbitbit ng payong habang ako naman ay nakatayo sa tabi niya.
"Tara tawid na tayo." sabi ko rito nang maging green ang stop light sa pedestrian lane. Kumapit ako sa gilid ng polo niya para hindi ko mabitawan ang pagkakahawak dahil baka sa lakas ng ulan ay liparin kaming dalawa. Joke lang 'yon syempre.
Sakto naman na biglang lumakas ang hangin kaya bumaliktad ang payong namin. Ang ending, pareho kaming basang-basa bago pa man makarating sa dulo ng tawiran.
"Hay bwisit!" I was really frustrated kaya hindi ko mapigilang sumigaw. Ayoko talaga ng nababasa dahil mahirap magpatuyo ng damit at ang hirap maglaba! Nakakainis!
"You're so wet..." Siege told me after we crossed the street. Isinarado niya na rin ang payong dahil nakasilong na naman kami.
"And so are you." sagot ko naman. Basang-basa ang katawan naming dalawa at kailangang-kailangan na naming magpalit dahil kung hindi, tiyak na magkakasakit kami nito.
"Diretso na tayo sa parking lot. May extra shirt ako do'n, atsaka dumaan ka na sa condo ko, ipapa-laundry ko yung damit mo."
Nagulat ako nang hawakan niya ako sa kamay at nagmamadaling iginaya papasok sa parking lot.
~
"Tumalikod ka sabi!"
"Wala namang malisya eh! Naka-bra ka naman."
Kinuha ko yung payong ko na nakatabi at ipinukpok 'yun sa ulo niya.
"Walang malisya? Eh kung tumingin ka nga sa akin para kang may pagnanasa. Talikod!"
"Feeler ka din eh. Ganda ka?"
"Oo maganda talaga ako! Talikod na!"
"Heto na! Heto na!"
Mabuti na lang at tinted ang sasakyan ni Siege kaya malaya akong makakapagpalit ng damit. Ipinahiram niya sa akin ang puting t-shirt niya dahil basang-basa yung blouse ko. Hinubad ko ito pati na ang sando na nasa loob dahil nabasa na rin. Ang hirap magpalit sa front seat, tapos katabi ko pa itong hudlum na 'to. Ang sikip-sikip!
"Dapat kasi hinayaan mo muna akong magpalit bago ka pumasok dito sa loob eh." reklamo ko.
"Hindi kita pwedeng iwan nang mag-isa dito sa loob." sagot niya naman.
"Nakatalikod ka pa ba?" paninigurado ko.
"Oo! Hindi naman kita sisilipan, ano ba!"
"Naninigurado lang."
Nang maisuot ko na yung t-shirt ay agad-agad din siyang humarap sa akin.
"Okay na, salamat. May plastic ka ba diyan?" tanong ko rito pero hindi niya man lang ako sinasagot. Bagkus ay nakatitig lang siya nang maiigi sa akin at para bang kinikilatis ang buong mukha ko.
"Problema mo? Ang tanong ko eh may plastic ka ba?"
Nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa palapulsuan at matigas na tumitig sa akin.
"Y--you have a tattoo at the bottom of your nape. What does it mean?" he seriously asked.
"Tattoo? Wala akong tattoo." pagtanggi ko dahil wala naman talaga akong maalala na nagpalagay ako ng tattoo sa likod.
"Liar. You have a butterfly tattoo in your back. What does it mean?"
BINABASA MO ANG
My Favorite Nemesis
FanfictionNais lang naman ni Teacher Faith na ipatawag ang magulang ng pinaka pasaway niyang istudyante na si Conan. She doesn't have any ill intentions about it; gusto niya lang sanang tulungan ang bata na lumaki ng maayos. Ngunit sa kasamaang palad ay natap...