Chapter 13: Director

46 3 0
                                    

JIRO'S POINT OF VIEW


Kasalukuyan kami nagtitipon tipon sa bahay ngayon ni Sam. Nandito nadin yung mga productions at hinihintay nalang namin ang magiging director namin.

"So guys, mamaya maya ay dadating na daw ang director natin kaya wait na natin." Sabi ni Sam kaya preteng prete parin kaming nakaupo sa sofa nila. Nagitla naman ako ng biglang dumikit sakin si Tito Miel.

"Hey, balita ko kasama mo si Zyrene kahapon. Nice." Asar ni Tito kaya natawa ako.

"Ah yes po Tito Miel." Sagot ko kaya inapiran ako ni Tito. Napatingin naman ako sa napagusapan namin.

'Ang ganda talaga nya.'

Nakaupo lang naman sya sa tabi ni Gail habang nakatutok sa phone nya. Seryosong seryso eh. At dahil nakyutan ako ay palihim kong kinuhanan sya ng pictures ng three takes. Napangiti pa ako ng tingnan ko ang mga stolen shots nya sa phone ko.

"Guys, nandito na sya." Sabi ni Miss Lyn ang assistant director namin.

Pumasok ang isang lalaki...

"Kuya?" Gulat na sabi ko.

'Si Kuya Jarred?'

"Hi guys." Nakangiting bati ni Kuya.

"Kuya Red, ikaw ang director namin?" Tanong ni Bryle.

"Yeah. Hahaha." Sagot ni Kuya.

"Nice...ang cool nyan." Sabi naman ni Aaron.

"Astig ka, Kuya Red." Sabi naman ni Daryl.

"Hi Kuya Red." Sabay sabi ni Gail at Sam.

"Hi Girls." Bati ni Kuya.

"Game." Sabi ni Darwin.

Napatingin naman si Kuya kay Kyle na nakatahimik lang sa upuan nya.

'Hahahaha....ang cute nya.'

"What is your name beautiful lady?" Tanong ni Kuya kaya nahihiyang tumunghay si Kyle.

'Yes Kuya, she's beautiful.'

"Kyle Zyrene po." Sagot ni Kyle.

"So, anong dapat name ang itawag ko sayo?" Tanong ni Kuya.

"Zyrene po." Sagot nito kaya nagtaka kaming pito.

"Okay. Zyrene." Sabi ni Kuya at napatingin naman sa tito ni Kyle.

"Hey, I'm Zyrill Miel Chavez, Zyrene's uncle." Pakilala ni Tito.

"Hey, I'm Jarred Alonzo Salameda, Jiro's older brother." Pakilala ni Kuya. Magkasing age lang ata sila.

"Nice." Sabi ni Tito Miel.

Napatingin naman si Kuya saming lahat tsaka ngumiti.

"So, shall we start?" Tanong ni Kuya kaya nagsisangayunan naman sya nila.

Ginawa naming first scene ay yung nandon si Kyle sa park na nagbabasa at mababangga ko sya.

Sa unang take ay medyo nakakahiyaan pa kami hanggang sa nagsecond take ay umokay na. Nainternalize na naman namin yung script kaya okay na samin lahat.

Marami na kaming natake at masasabing kong perfect lahat yun dahil tuwang tuwa samin yung mga staffs, producers at iba pa.

Sa nagdaang oras lang din ay naging close na namin ang mga staffs. Nakikipagbiruan na at nakikipagharutan na. Naging malapit din si Kuya Red at Tito Miel. Ngayon naman ay break namin sa set, katabi ko si Darwin at Kyle. Si Darwin ay busy sa pagsa-sound trip at si Kyle naman ay busy sa pagbabasa ng script kaya nakaisip ako ng kalokohan at ginulo ko si Kyle.

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now