Chapter 14: Girlfriend

54 1 0
                                    

KYLE'S POINT OF VIEW

Nagbi-breakfast ako ngayon kasama ang pamilya ko, kasama din sina Tito Miel at Zeke. Wala pa din si Lolo kasi nasa states sya.

Pagkatapos kung kumain ay hinatid na ako ni Mang Fely short of Feliciano hehe. Yung kotse ko kasi ay flat yung gulong dahil ginamit to ni Kuya nung nakaraan.

Pagdating ko sa room, nakita ko agad yung bag ni Jiro. Ang aga ah. Dahil boring sa room, naisipan kong maggala gala sa buong campus. Pumunta ako ng garden at umupo dun tsaka nagmuni muni, sunod kong pupuntahan sana ay ang little plaza kaso naglalakad palang ako ay nakita ko na si Jiro na may kausap na babae. Otomatikong napatigil ako at pinagmasdan ang ginagawa nila. Nagsasalita si Jiro habang nakikinig naman sa kanya yung babae. Bago yung babae, dahil ngayon ko lang to nakita.

'Anong nangyayare Kyle? Ang sweet kaya nila oh. Nakakatawa nga e. Tss.

"Uy!" Gulat sakin ni..... Aaron.

"Bat ka naman nanggugulat?" Sabi ko at may pangisi ngisi pa syang nalalaman.

"Anong tinitingnan mo?" Tanong nya kaya kinabahan ako.

"Wala ah." Tanggi ko pero mukang nahuli ako kasi humagalpak kakatawa eh.

"Hahahaha...alam mo bang nahaha-- hahahahaha nahahalata ka!" Tawang sabi nya sakin.

"Ha?"

"Aysus! Maang maangan! Si Jiro at Pia ang tinitingnan mo eh." Sabi nya.

"Pia?" Takang tanong ko.

"Oo Pia, yun yung pangalan ng kasama ni Jiro." Nakangising sagot nya.

Ayokong tanungin kung bakit kasama ni Jiro yung Pia baka sabihin ng mapangasar na to na may gusto ako kay Jiro kahit wala---

"Okay?" Sabi ko nalang.

Ngumiti muna sya tsaka tumingin kina Jiro at tinawag ito. Gago kaaaa Aaron.

Napatingin samin sina Jiro at gulat na gulat sya ng makita ako. Okay? What's going on?

"K-kyle, Aaron, anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Jiro habang nauutal. Napangisi naman ni Aaron at inakbayan ako.

"Wala, naiinip kasi si Kyle kaya pinasyal ko at nakita namin kayo ni Pia. Hi Pia." Sagot nya kaya tinanggal ko ang pagkakaakbay nya sakin. Nakita ko namang nakatingin sakin si Jiro pero iniwas ko ang tingin ko sa kanya at bumaling kay Pia.

"Hi Aaron." Bati nung Pia at tumingin sakin. "Hi I'm Sophia Willson, Pia for short." Pakilala ni Pia.

"I'm Kyle Zyrene, but you can call me Zyrene." Sagot ko.

"Uh, transferee si Pia, Kyle at napagutusan lang akong itour sya." Paliwanag ni Jiro kaya palihim na natawa si Aaron.

"Ha? Bat ka nagpapaliwanag?" Tanong ko.

"Uh, wala lang... Baka kasi....wala, tara pasok na tayo." Sagot ni Jiro at nagsimulang naglakad pero hinabol sya ni Pia at hinawakan sya sa braso pero agad nya itong tinanggal at nagaalalang tumingin sakin na ginantihan ko ng ngiti.

"Natatakot sayo Kyle." Bulong ni Aaron.

Pagpasok namin, pinakilala agad ni Miss si Pia sa buong klase. Pinaupo ni Miss si Pia sa tabi ni Jasper isa sa mga kaklase namin pero nagpumilit syang tumabi kay Jiro kaya ngayon katabi sya ni Jiro sa left at ako naman sa right nya. Buong klase kay Miss ay sakin nakatutok si Jiro kahit panay ang tawag ni Pia sa kanya. Ngayon naman ay naghahanda sa pagdating ng isa pang miss. Nakaupo lang ako pero kinulbit ako ni Jiro kaya napatingin ako sa kanya.

"Sabihin mo naman kay Pia, wag masyadong lumapit sakin." Sabi nya kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Baka magalit ka--uh, ako pala." Sabi nya ng may paglunok pa.

"Hayaan mo sya. Magsasawa din yan." Sabi ko at parang naiinis pa ang damuhong to.

"Jiro, can you teach me here, couz i don't know eh." Maarteng sabi ni Pia at nakita ko namang nabuntong hininga si Jiro bago tumingin sa kanya pero bago pa sya lumingon kay Pia ay pinigilan ko na.

"Pia, kay Darwin ka nalang magpaturo." Sabi ko at nakita ko syang nainis sa sinabi ko. Nakita ko ding napatingin samin lahat even yung anim.

"What? Sino ka para sabihan ako nyan?" Inis na sabi nya sakin kaya napangisi ako.

"Tss. Nakikita mo naman kanina pa na sakin nababaling ang tingin ni Jiro nangaagaw ka pa." Ngising sabi ko at nakita ko na syang naguusok ang ilong sa galit.

"Tss. Kasi nagawa ka ng paraan para sayo bumaling ang atensyon nya." Sabi pa nito at nakita ko namang tumayo si Sam at Gail.

"Panong hindi babaling si Jiro sakin eh ayaw nya nga sayo." Ngising sabi ko.

"Tama na Kyle, Pia." Awat ni Jiro na napapagitnaan namin.

"Haha... This going to be war!" Rinig kong bulong ni Bryle.

"Enough."suway ni Darwin.

"Tch, anong ayaw sakin? Eh gusto nya nga akong makasama kanina eh." Proud pang sabi nya at nakita kong umiling si Jiro habang nakatingin sakin.

"Guni guni mo lang yun." Sabi ko.

"Hindi ah. Nung sabihin ko ngang Kyle ang pangalan ng kapatid ko napangiti sya ng todo, ibig sabihin nun he's likes me." Taas noong sabi nya at napangisi naman ako.

"Ang slow mo girl." Natatawang sabi ni Gail kay Pia.

"Yah! Hahaha!" Si sam.

Tumawa naman ang mga kaklase namin.

"Why are you laughing, all of you?" Takang tanong ni Pia.

"Hindi mo nagets yung sinabi mo?" Natatawang sabi ni Daryl.

"No. Why?" Si Pia.

"Ulitin mo nga yung sinabi mo." Sabi naman ni Aaron.

"Sinabi ko kay Jiro na ang name ng kapatid ko ay Kyle--"

"Yan! Ano gets mo na?" Si Bryle.

"Hindi." Si Pia.

"Ang gulo mo. Ang slow pa." Si Darwin.

"What's wrong ba?" Gulong tanong ni Pia.

"Kyle kamo ang pangalan ng kapatid mo diba." Si Aaron at tumango si Pia.

"Yun din yung dahilan ng pagngiti ni Jiro, right?" Si Sam at tumango naman si Pia.

"Kaya napangiti si Jiro ay dahil sa Kyle." Sabi ni Gail.

"At dahil sa pangalan ko. He smiled because of my name. Kaya stoped assumed nonsense." Sabi ko.

"Arghhh! Ano kaba kay Jiro ha! Epal ka eh." Sabi nya kaya napatingin ako kay Jiro na nakatingin pala sakin.

"Ano mo daw ako?" Natatawang sabi ko kay Jiro.

"Pia, kaya nasa kanya ang atensyon ko kasi....


"Girlfriend ko sya.."

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now