Chapter 45: Birthday

32 4 0
                                    

KYLE

Pagkatapos ng eksena sa mall, nagmadali na akong umuwi sa condo ko at dun binuhos lahat ng luha ko.

Hindi ko alam na ganon ang nararamdaman ni Sam sa mga panahon na yun, tama nga lang na magalit siya sakin wala naman akong magagawa eh. Saan nga ba ako nung mga panahong nagdurusa si Jiro?

Pagkatapos kong magisip ng matagal ay napagdesisyunan kong maligo. Pagkatapos ko, pumunta akong sala para manood ng movie para narin mawala sa isip ko yung nangyari kanina. Habang nasa kalagitnaan ako ng panood bigla nalang may kumatok kaya napakunot ang noo ko at pinatay ang TV bago binuksan ang pinto.

Nagulat ako nang makita ko si Sam sa labas, teka? Pano niya nalaman ang unit ko?

"K-kyle," sambit niya bago ako niyakap ng mahigpit.

Tila hindi pa nagsi-sink in sakin na nandito siya pero mas lalo akong nagulat ng makita silang lima. Nandito sila, nakangiti sila sakin.

"I'm sorry," rinig kong bulong ni Sam kaya napangiti ako at niyakap na siya ng mahigpit at dun na din lumabas ang luha ko. Siguro sinabi na ni Gail kina Sam.

Naabutan kasi kami ni Sam sa mall ni Gail. Sinampal niya ako at sinabihan ng masasakit na salita. Wala akong magagawa. Nasaktan sila eh.

Ano bayan, lagi nalang akong naiyak.

"I'm sorry, Kyle. I'm sorry." Sabi ni Sam at lumayo na sakin..

"Okay lang yun, naintindihan naman kita," sabi ko at tumingin kina Darwin. Nginitian nila ako kaya nginitian ko din sila.

"Hindi ko alam, hindi ko alam na ganon pala ang sinakripisyo mo para samin...para sa kanya," naiyak na sabi ni Sam.

"Wala na namang magbabago eh, okay na sakin yun. Yung makitang malayo na ang narating niya at ninyo, okay na sakin." Nakangiting sabi ko.

Lumapit naman samin ni Aaron at binigyan ako ng yakap.

"I'm sorry, Kyle." Bulong niya bago kumalas sa yakap at ginulo ang buhok ko. Natawa naman ako ng pagtawanan nila kami.

Lalo tuloy akong natawa ng yakapin ako nina Bryle at Daryl.

"Namiss ka namin, Kyle." Sabi ni Bryle.

"Uy bastos ka, dapat Doc ang tawag mo." Biro ni Daryl at binigyan pa ng batok si Bryle.

"Aba! Binabatukan mo na ako ha, kita mong artista tong ginaganyan mo. Mahiya ka sa balat mo, uy," asik ni Bryle.

"Kapal, Gobernador tong kinakausap mo, baka gusto mong ipakulong kita." Pagbabanta ni Daryl.


Agad namang tumakbo si Bryle kay Darwin at nagtago sa likod nito.

"Attorney oh, inaaway ako," sumbong ni Bryle kaya natawanan kami.

Naramdaman ko namang katabi ko na sa upuan sina Gail at Sam.


"Sorry sa inyo," sabi ko kaya napatingin sila sakin at binigyan ako ng isang malawak na ngiti.


"Kami dapat magsorry eh," maktol ni Bryle kaya natawa kami.


"Ang saya kasi, ayos na tayo." Sabi ni Gail.


"Pero, Kyle.." Napatingin naman kami kay Aaron ng banggitin niya ang pangalan ko.


"Hmmm?"


"Kelan mo balak sabihin kay Jareen?" Tanong niya kaya natahimik kaming lahat. Napaisip naman ako sa sinabi niya at napatingin sa anim na nakatingin pala sakin na akala mo'y naghihintay ng sagot ko.


"Siguro, tsaka na, hindi pa ako handa. Sana maintindihan niyo." Sabi ko at yumuko.


"Okay lang samin," sagot nila isa isa.


Matagal kaming nagkakwentuhan tungkol sa nakalipas na pitong taon at marami pa tuloy akong nalaman sa kanila. Nanood din kami ng movie together hanggang sa umabot sila dito ng 9pm. Napagdesisyunan na nilang umuwi ng mga panahon nayun.


"Nga pala, Kyle. Punta ka sa next Saturday, birthday ko." Yaya ni Bryle at kumindat pa.


"Oh, sure. Magli-live ako nun." Sabi ko.



"Sama mo naman yung Paul," dagdag ni Daryl.


Luh? Bakit kasama si Paul?


"Okay?" Sabi ko kaya tuluyan na silang nagpaalam.


At nang gabing yun, natulog ako ng masaya.







Mabilis lumipas ang araw at ngayon ay sabado na, birthday na ni Bryle. Tinawagan ko naman na si Paul para samahan ako sa party na yun at wala namang nimoniha ay pumayag siya, kesyo daw namimiss niya na maparty.


"Kala ko bukas ka pa dadating eh," pagmamaktol niya. Kanina pa kasi siya dito sa parking lot ng hospital dahil sinundo niya ako para sabay na kami pumunta sa birthday ni Bryle.


"Sorry na, kakatapos ko lang sa OR eh.." Sabi ko at pumasok na sa front seat.



Mabilis naman kaming nakarating sa lugar kung saan gaganapin ang birthday ni Bryle at sa bar yun. Pumasok kaming dalawa at agad naman naming nakita si Sam. Nagbeso naman kami at pinakilala ko sa kanya si Paul. Hinila naman kami ni Sam sa table namin at nakita ko dun sina Gail at Darwin.


"Upo, upo," yaya ni Gail kaya umupo kami ni Paul.


"Darwin, Gail, si Paul pala," pakilala ko at nakipagkamayan naman si Paul kina Gail at Darwin.


"Astig pala yang mga ka-tropa mo eh, akalain mong si Abbigail Cortez kaibigan mo eh sikat na model yan eh," bulong sakin ni Paul kaya siniko ko siya.


"Hi, Kyle." Napatingin naman ako sa likod at nakita ko dun si Daryl at ang birthday boy.


"Hi," nakipagbeso naman ako sa kanilang dalawa bago dumako kay Bryle.


"Happy birthday, Bryle Dustine." Bati ko at binigay ang regalo ko.

"Salamat, Kyle...wow," gulat naman siyang napatingin sakin dahil sa niregalo kong relo.


Nung nagyaya siya para sa birthday niya, nagpabili agad ako sa assistant ko sa London ng relo para ayos naman ang dating kay Bryle.


Pinakilala ko din sa kanila si Paul at mabilis naman nilang nakapalagayan ng loob itong isa kaya mas sumaya.


"Hindi mo naman sinabi saking, si Bryle Ramirez para ang may birthday, artista yan eh. Bilib na ako sa tropa mo, mga high class.." Bulong ni Paul kaya siniko ko na naman siya.


"Shh, shut up." Puna ko.



"I'm sorry, we're late." Napatingin naman kaming lahat sa dumating. Sina Jiro at Sari.


Matagal akong tumitig sa kanila kaya medyo napahiya ako ng makita kong napadahas ng tingin sakin si Jiro pero bumaba ang tingin siya sa kamay kong hawak ni Paul.


Masaya kaming nakipagparty sa lahat dahil masyadong madaming imimbita si Bryle pero dina ako magtataka kung bakit dahil artista nga pala siya. Napunta kaming lahat sa stage at nagsayawan pero kung minalas malas ka nga naman ay nawalay ako sa mga kasama ko kaya hindi ko na tuloy alam kung nasaan akong parte ng stage.



"Hi, miss." Napatingin naman ako sa likod ko ng may biglang magsalita.


"Yes?" Tanong ko agad kaya sumilay dito ang ngisi niya.


"Model kaba? O artista? Ang ganda mo eh, may kasama ka? Gusto mo pahangin tayo sa labas?" Agad agad na tanong nung lalaki kaya medyo nailang tuloy ako.


Magsasalita sana ako pero napatigil ako dahil may humila sakin pagilid at hinawakan ang bewang ko. Napatingin naman ako sa gumawa non at nagulat ako nung makita ko siya.


"Naghintay ka ba, love?" Biglang sabi ni Jiro at hinalikan ako sa noo bago tumingin sa kaharap kong lalaki. Pushet! What was that?!







"Oo may kasama siya, may problema ba?"

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now