Chapter 32: Jealous

35 2 0
                                    

KYLE POINT OF VIEW

It's Wenesday. November 28. A normal day.

Hay nako. Naglalakad lang ako sa quadrangle kasama si Sam at Gail. Lunch kasi at papunta kaming gym. May nakalimutan kasi si Gail na gamit nya kanina nung nag-PE class kami kaya nga naka-PE uniform kami eh.

"Wait nyo nalang ako dito." Sabi ni Gail at mabilis na pumasok sa gym ng makarating kami.

"Kyle, wait mo din ako dito. Na-c-cr ako eh." Sabi naman ni Sam at mabilis na tumakbo papuntang CR at buti malapit lang dito.

Napabuntong hininga naman ako ng wala akong nagawa sa excused nung dalawa. Nag-stay nalang ako dun. Nakatayo lang ako habang kuting ting ko yung phone ko. Buti busog na ako. Tss.

"U-uh, Miss."

Napatingin naman ako dun sa lalaking nasa harap ko ngayon.

Isang lalaking katamtaman ang payat, matangakad sya at ang gwapo nya dahil sa magulo nyang buhok. Nakasuot sya ng plain white t-shirt, maong pants, white shoes at may suot din syang relo. Muka syang Korean o Japanese.

"Yes?" Sagot ko kaya napangiti sya.

"U-uh, pwede bang magtanong?" Usal nya.


Ano naman kayang itatanong nito? Bakit sya nandito? Muka naman syang hindi student dito.

"Sure."

"U-uh, alam mo ba kung saan yung fourth year section 1?" Tanong nya.

Bakit nya tinatanong yung section namin? May kamag-anak ba sya dun?

"Uh, nakikita mo ba yang building na yan?" Turo ko sa building 2 kaya tumango sya. "Pumunta ka dyan tapos akyat ka sa fourth floor tapos second room. Dun na." Sabi ko..

"Ohh, thank you. By the way," sabi nya sabay lahad ng kamay nya. "I'm Ichiro, Minatuzaki Ichiro." Pakilala nya. Japanese.

Tinanggap ko iyun. "I'm Zyrene, Kyle Zyrene." Pakilala ko dun.

"Nice meeting you, Zyrene." Sabi ni Ichiro sabay ngiti.

"Same here, Ichiro." Sabi ko.

"Kahit Ichi nalang." Sabi nya.

"Ichi."

"Nice. Uhmm, I'll go ahead Zyrene, thank you." Sabi nya tsaka umalis.

Pinagmasdan ko sya hanggang sa nakalayo sya tapos napatingin ako sa kanan ko at nakita ko dun si Jiro na seryosong nakatingin sakin.

'Ano kayang problema nito? Bakit hindi sya nalapit? Is there something wrong?'

"Kyle, si Sam?" Nalihis ang tingin ko kay Gail ng nakabalik na sya sa tabi ko.

"I'm here, sorry natagalan." Sulpot ni Sam.

Napatingin naman ako ulit sa kanan ko pero ng pagkakataong yun, wala na si Jiro. Asan na yun?

"Hey, sinong tinitingnan mo dyan?" Takang tanong ni Sam ng mapansing nakatingin ako sa kanan ko.

"I saw Jiro while ago." I replied.

"Baka bumalik na kaya tara na." Sabi ni Gail kaya bumalik na kami sa room.

Pagbalik namin sa room, nakita ko sa dulong pintuan si Ichi kasama si.....Franz. Are they relative?

"Zyrene?" Tawag ni Ichi ng makita ako.

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now