Chapter 27: Guidance

23 2 0
                                    

KYLE'S POINT OF VIEW

"ANO bang ginagawa natin dito?" Takang tanong ko.

Nandito kasi kami sa likod ng building, nagmamasid na may paparating.

"Rinig ko kasing dito sila pupunta ngayon." Sagot ni Daryl.

Nagkatinginan nalang kaming tatlong babae at nagkibit balikat. Naghintay din kami ng ilang minuto bago sila dumating. Nagtago kami nina Jiro, Sam at Gail sa malaking bato habang sina Darwin, Daryl, Aaron at Bryle ay nagtago sa puno. Narinig kasi ni Daryl na dito daw maguusap sina Miko para balikan si Jiro dahil daw sakin.

"So, anong plano mo ngayon? Tutuloy ka ba sa sinabi mo?" Tanong nung isang lalaki kay Miko.

"Oo naman. Nakita mo naman silang masaya ah, edi guluhin natin para masaya." Sagot ni Miko at nagtawanan silang tatlo.

"Kelan ka magsisimula, Miko?" Tanong nung isa pang lalaki.

"Ngayon." Nakangising sagot ni Miko at laking gulat ko ng tumayo si Jiro at lumabas sina Aaron sa puno.

Nakita ko ang gulat sa mga mata nina Miko ng makita nila sina Jiro.

"Brad, alam mo ba yung kasabihang 'ang akin ay akin'?" Seryosong tanong ni Jiro.

Kinakabahan ako. Pushet.

"Nandito ka pala, Jiro. Alam bagay sayo yung salitang 'mangaagaw'." Sabi ni Miko at nagtawanan pa sila ng mga kaibigan nya.

"Alam mo kasi, Miko, hindi mangaagaw ang tawag sakin, ang tawag sakin, 'taong gusto mo, gusto ako'." Sabi ni Jiro.

Nagulat naman ako sa sabi nya at mas lalong kinabahan.

"Labas na tayo dito." Sabi ko.

"Tara tara." Yaya ni  Sam kaya tumayo kami.

Nagulat sila Miko ng makita kami pero agad ding ngumisi ng makita ako.

'I don't really know you, Miko.'

"Nandito pala kayong lahat." Sabi nya at pinandahasan ako ng tingin. "Nandito ka rin pala, Kyle." Dagdag nya ng nakangiti. Napaatras naman ako sa way ng pagsasalita nya.

May kamanyakan at pagkadesperado.

"Napaghahalata kang 'desperado', Miko." Asar ni Bryle kay Miko at nakita ko naman itong napikon.

"Hindi mo ba matanggap na 'hindi' ikaw ang 'gusto' ni Kyle?" Asar din ni Aaron kay Miko.

"Nakakaawa ka. Naghahangad na magustuhan ng babaeng gusto mo." Asar ni Daryl.

Palihim naman na natatawa yung dalawang babae sa likod ko dahil sa nakikita nilang pikon sa muka ni Miko.

"Tinamaan mo pa ng bola mo. Hibang kana." Asar ni Darwin.

"Tumigil nga kayo. Wala kayong alam." Inis na asik ni Miko.

"Dyan ka nagkakamali." Ngising sabi ni Jiro.

"Hindi nyo kilala, Jiro. Wag ako." Nakangiting banta ni Miko.

"Ha? Bukod sa anak ka sa labas ng Mayor dito, ano pa ang hindi namin alam?" Asik ni Aaron na nagpagulat kay Miko.

"Woah!" Nasabi ko nalang.

Napapaatras ako sa bawat batuhan ng salita nilang lahat. Nanatili namang nanunood lang kami nina Gail dito sa sulok.

"Just accept the fact, Miko." Ngising sabi ni Jiro kaya sa pikon ni Miko ay napasapak nya si Jiro.

Kaya ayun, nagsuntukan na silang dalawa.

"Tama na!" Sigaw ko at lalapit sana ako kaso pinigilan ako nina Gail at Sam.

"Don't do that, Kyle." Banta ni Sam.

"NO! Kailangan natin silang awatin." Sabi ko at nagpupumiglas parin.

"Wag, Kyle. Kaya yan ni Jiro." Sabi ni Gail.

"NO! WE NEED STOP THEM!" Sigaw ko kaya labag man sa loob nila ay piniglasan na nila ako.

Dali dali ako umawat sa dalawa.

"STOP!!" Sigaw ko at pumagitna sa kanila.

Hinawakan nila Aaron si Jiro at hinawakan ng mga kasama ni Miko si Miko.

"Bakit ba kailagang umabot dito?" Inis na bulyaw ko sa dalawa. Wala naman silang naisagot.

"Mga walang kwenta ang pinagaawayan nyo." Sabi ko at umiling.

Lumapit naman sakin sina Sam.

"Hindi magiging komplikado lahat kundi dahil sa pangaagaw ni Jiro sayo!" Galit na asik ni Miko at aambang susugurin ulit si Jiro.

"Pwede ba, Miko tumigil kana." Sabi ko at natigilan sya. "Don't even know you, first of all. Hindi ko din alam na may gusto ka sakin noon kaya wag kang magagalit ngayon." Asik ko at napayuko sya.

"Sinabi ko naman sayo Miko, what's mine is mine." Sabi ni Jiro at dumahas ang tingin sakin.

Sasagot na sana ako kaso biglang dumating yung ibang students kasama si Dean. Patay!

"WHAT IS THE MEANING OF THIS? ALL OF YOU, GO TO THE GUIDANCE OFFICE!" Galit na sigaw ni Dean.

"O-oh!" Sabi ni Aaron.

Nauna namang pumunta yung grupo ni Miko bago kami sumunod. Tatawa tawa pa sina Aaron habang papunta sa guidance.

"Kyle." Tawag sakin ni Jiro at napatingin naman ako sa kanya. Putok ang labi nya at may sugat yung bandang pisngi nya.

"I'm sorry." Asik nya.

"Nandyan na eh, ano pa bang magagawa natin." Sabi ko at nagbuntong hininga.

Pagkapasok namin sa guidance ay pinapaliwanag kami agad ni Dean. Pinaliwanag naman lahat ni Daryl since sya yung nakarinig sa usapan nina Miko. Matinding galit ang bunuhos ni Dean ng malaman kung gano kawalang kwenta ang pinagawayan nila Miko at Jiro.

Ha! Walang kwenta.!

"For pete sake, students!" Asik ni Dean.

"Alam nyo ba kung gano kawalang kwenta yang pinagawayan nyo?" Galit na tanong ni Dean.

Sabay sabay tumango yung dalawa at nanatili kaming tahimik nina Aaron. Pinagalitan din ni Dean si Miko at ang grupo nya sa pagtangkang maghiganti saming walo. Nagsorry naman sina Miko samin.

"Ayoko ng maulit to, Mr. Perez." Sabi ni Dean.

Tumango naman si Miko. "Yes, Dean."

"Okay. Pwede na kayong umalis." Sabi ni Dean kaya nagsitayuan kami.

"Except the eight of you!" Bawi ni Dean kaya matamlay na umupo yung mga kasama ko.

"Anong pumasok sa kokote mo Jiro at ginawa mo yun?" Asik ni Dean kay Jiro na nakayuko.

"Lo kasi,"

'Lolo? Lolo nya si Dean? Woah.'

"Stop calling me Lolo, nasa school tayo." Sabi ni Dean.

Napaayos naman si Jiro ng upo. "Dean kasi po, sumosobra na sya at hindi na nya ginalang si Kyle."

Nagulat naman ako sa sagot nya at nagiwas ng tingin ng pagdahasan ang ng tingin ni Dean.

"Kahit na! Dapat nagreport kayo dito para sa attitude nya!" Sabi ni Dean.

"Sorry, Dean." Asik ni Jiro.

"Sorry po, Dean." Sabi ni Gail.

"Sorry po, Dean." Sabi ko.

Bumuntong hininga naman si Dean.

"Okay. Pero please, wag naman sanang maulit ito." Sabi ni Dean.

"Yes, Dean." Sabay sabay na sagot namin.

Pero nung time na yun, may tumikhim na tao kaya napatingin kami sa harap ng pinto at nakita ko ang hindi ko talaga inaasahang tao.

"Biel!"


'Patay! Si Lolo.'

Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now