Behind those Smiles

2 0 0
                                    


"Nay! Umiiyak po si bunso." tawag ng kapatid kong limang taong gulang kay Inay.

"Laruin mo muna sandali 'nak, magtitimpla muna ako ng gatas niya." Malumanay na saad ni Inay saka ngumiti.

Napangiti nalang ako ng mapait saka pinagpatuloy ang paghuhugas ng pinggan.

"Ate, ok lang po kayo?"

Nagulat ako sa paglapit ng isa ko pang kapatid.

"Ha? Ahh, Oo naman." Ngumiti ako ng pilit.

"Ang lungkot po ng mga mata niyo ate."

Ginulo ko ang buhok niya saka kinurot ng mahina ang ilong niya.

"Haha, ano ka ba. Ok lang si ate at hindi ako malungkot dahil kasama ko kayo." Nakangiti kong sabi saka siya niyakap.

"Hihi, sige ate puntahan ko muna sila bunso."

Saka siya tumakbo.

Apat kaming magkakapatid. Ako ang panganay 10 taong gulang, pero sa murang edad ay namulat na sa pagiging hindi pantay ng buhay.

Nakatira kami sa isang iskwater, namatay si Itay dahil sa sakit na unti-unting sumasakop ngayon sa buong mundo.

Naapektuhan ng mahigpitang lockdown kaya wala kaming magawa kundi ang maghintay ng ayuda galing sa barangay at kung mamalasin pa na hindi nasali sa lista ay wala talaga kahit isang butil ng bigas.

Tumulo ang aking luha sa isiping napaka unfair ng buhay.

Ang iba, ang tanging iniisip lang ay kung paano sila magiging ligtas at makaiwas sa sakit dahil wala naman silang problema sa pagkain at pera.

Habang kami? Namatayan na nga ng padre de pamilya, wala pang makain. Hindi pa rin sigurado ang kaligtasan at kalusugan sapagkat sa isang iskwater lamang kami nakatira.

Hindi niyo ako masisi kung masasabi kong unfair ang buhay lalo na't isa lamang akong batang wala pang masyadong alam kung paano mabuhay pero sa murang edad ko ay naiintindihan ko ang lahat ng aking mga nakikita.

Gaya ngayon. Rinig na rinig ko ang tumatawang si Inay kasama ng mga nakababata kong kapatid, ngunit alam ko na nahihirapan si Inay sa pagkawala ni Itay.

Mabilis kong pinunasan ang aking mukha ng makita kong papalapit si Inay sa akin.

"Annalyn, hindi ka pa ba tapos diyan?" malumanay na tanong niya.

Laging malumanay ang pagsasalita ni Inay na para bang natatakot siyang makasakit sapamamagitan ng kanyang pagsasalita kaya ni minsan ay hindi namin siya na rinig na nagtaas ng boses.

"Patapos na po." Saka ako nagpunas ng kamay at humarap sa kanya.

"Anak, umiyak ka ba? Namumula ang mata at ilong mo ah. Ayos ka lang ba talaga? May masakit ba sayo?"

Muling nangilid ang luha sa mata ko at dahandahang napahikbi.

"Hey, anong nangyayari sayo?" Nag-aalalang tanong niya saka ako niyakap at hinagod ang likod ko. Amoy ko ang pawis niya na nanonoot sa ilong ko pero hindi ko alintana iyon saka ako yumakap sa kanya.

"Namimiss ko na po si Itay. huhu. Bakit po si tatay pa ang nawala? Ako nalang sana ang tinamaan ng sakit na COVID na 'yan eh. Sana hindi kayo nalulungkot ngayon. Sana hindi kayo nahihirapan ngayon." Ibinaon ko ang mukha sa dibdib ni Inay.

"Ano ba naman anak? Wag mong sabihin iyan. Mahal kita, mahal ka namin. Hindi rin naman gugustuhin ng Itay mo pag ikaw ang nawala eh. Miss ko na rin ang Itay mo pero sana maging matatag tayo ha? Wag kang susuko, magtulungan tayo. Bata ka pa at marami ka pang magagawa. At wag na wag mong sisisihin ang panginoon sa mga nangyayari sa'tin dahil sabi nga 'everything Happened for a reason' alam ko'ng naiintindihan mo yon. " Sabi ni Inay saka hinaplos haplos ang buhok ko.

"Opo nay. Hindi lang po talaga mapigilan ng sarili ko ang mainggit sa iba. Sila complete family pa tapos marami pang pagkain saka pera. Tumutulong nga po sila pero madalas ang kanilang tinutulungan ay ang mga frontliners na may mga natatanggap naman na sweldo. Lagi nga po 'yong ipinapakita sa TV eh. "

"Anak alam mo naman.. "

"Inay alam ko po na pagod sila pero lahat naman tayo pagod at apektado ng pandemic na 'to eh. Diba isa ring frontliners si itay dati? Naglilinis siya ng kalsada pero nabigyan ba ng pansin ang pagkawala niya? Hindi po 'nay di ba? Dahil po ba walang natapos na Propesyon si tatay?"

Napa-iyak na rin si Inay.

"Ang bata mo pa para makapagsalita ng ganyan pero masaya ako dahil madali mo ng naiintindihan ang mga bagay, Kaya lang masama yang nararamdaman mong inggit sa kapwa. Hindi rin magiging masaya si tatay mo sa ganyan. Oo,walang natapos ang tatay niyo pero marangal naman ang naging trabaho niya at nakatulong pa siya sa lipunan sa ganong paraan kaya hindi na mahala kung napansin man siya ng iba o hindi. Gawin mong lakas at gabay ang mga nangyayaring ito upang umangat sa buhay. Mag-aral kaya ng mabuti at gaya ng tatay mo? Tumulong ka sa kapwa ng hindi naghihintay ng kapalit at pagkilala. Hindi yong tumulong ka nga hindi naman bukal sa loob mo at gusto mo lang magpakitang tao,hindi ganon 'yon. " Nakangiti na siya at pinunasan ang luha ko.

Nagsisink in lahat ng mga sinasabi ni Inay sa'kin. Ngumiti ako sa kanya saka tumango. Umalis na rin siya sa harap ko at bumalik sa mga kapatid ko.

Sa likod ng mga ngiting kanyang ipinapakita ay nagkukubli ang sakit ng pagkawalay ng aking ama.
Nagkukubli ang hirap at bigat ng responsibilidad na naiwan ni Itay sa kanya.
Ang sakit na makita ang mga anak na naghihirap sa sitwasyon at gutom.

Alam ko dahil nakikita ko ang lahat ng 'yon lalo na sa tuwing siya ay nakangiti pero hindi umaabot sa kanyang mata na lalo lang nagpalungkot sa akin. Pero tatandaan ko ang lahat ng mga pangaral niya sa akin para na rin sa ikabubuti ng aking sarili at pamilya.


Compilation Of One Sh*ts StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon