Center of Attraction (done)

6 1 0
                                    

Nakasakay ako ngayon sa isang pampasaherong jeep, galing kasi ako sa palengke at may dala-dala pa akong isang kilo ng bangus na nakalagay sa plastic.

Wala akong paki Alam kung pinagtitinginan ako ng ibang pasahero dito. Umaalingasaw naman kasi ang malansang amoy ng isda kaya Panay ang tingin nila sa'kin pero Wala nga sabi akong paki alam..haha..

Ngayon lang siguro sila nakakita ng isang magandang dilag na nakasakay sa jeep at may dala pang isda..charot haha.

Ang hangin ko at nakakatakot yon baka liparin ang mga eye balls ng mga pasahero dito.

Hindi ko parin sila pinapansin at tumingin tingin muna sa labas, hanggang sa may bagong sumakay at tumabi sa'kin, Hindi ko nalang din pinansin ang bagong sakay at nakatingin parin ako sa labas. Hanggang sa kinalabit ako ng katabi ko.

"Hmm??bakit?" Tanong ko sa lalaking katabi ko, siya yung bagong sakay na pasahero.

"Ahh, A a ano, ma may.." Nauutal na sabi niya at namumula pa ang mukha at tenga niya. Bakit ba to nauutal at Hindi pa matuloy ang Sasabihin niya.kaya tinanong ko siya uli.

Hindi siya sumagot at namumula pa rin siya, pero nagulat ako ng may tinuro siya sa may bandang likuran ko, sinundan ko naman yon ng tingin at halos mahulog ang mga mata at ngipin ko dahil sa laki ng pagkaka nganga ng bibig ko.

Napanganga pa ako lalo ng mapagtanto ko ang lahat ng tingin ng mga tao sa akin mula sa palengke hanggang dito sa loob ng jeep. Gosshhh, lupa lamunin mo na ako please.huhu.

Dalidali akong nagbayad ng pamasahe at bumaba kahit ang layo pa ng bahay namin sa binabaan ko at tumakbo ako pabalik sa dinaanan ng jeep kanina.

Uwahhhh nakakahiya, narinig ko pa ang tawanan ng mga psahero bago ako makalayo at umandar paales ang jeep. Huhu.

Nakakahiya talaga..😭😭😭
Alam niyo ba kung bakit?? Syempre hindi.huhu.. May nakasabit lang naman sa bag ko na PANTY na may butas sa gitna at maluwag pa ang garter.. Huhu..

Ipapasunog ko talaga lahat ng panty ng kapitbahay namin, sa dinami dami na pweding sumabit sa zipper ng bag ko ay yung panty pa na yon?

Ang malala niyan butas. Kaya pala sila tingin ng tingin,akala ko sa kagandahan ko sila nakatingin yun pala sa panty??

Wahhh, ayaw kuna sa Panty este Ayaw kuna sa Earth..😭😭

Compilation Of One Sh*ts StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon