TWENTY-FOUR: I Love You Goodbye

36.2K 581 6
                                    

Brianna

I called the police para madakip ang walang-hiyang si Nicky pati ang mga kasabwat niya.

Tangina! Gusto pa niya akong patayin para lang sa isang lalaking walang kwenta!

"Tumawag na ako ng pulis Valie, on the way na 'yun sila hintayin niyo nalang dito. Hindi pa naman magigising ang mga 'yan. Kapag dumating ang mga pulis, alam na nila ang gagawin sa mga 'yan." sabi ko at lumakad na paalis.

"Sandali, Brie! Maraming s--salamat!" nauutal na saad ni mam Alyssa na alanganing nakangiti sa akin. Tumango lang ako at tumalikod.

"Teka lang gurl! Wag ka nga munang umalis." pigil sa akin ni Valie.

"Buntis ka dai??" biglang tanong niya sa akin. Napaubo ako sa tanong niya. Halata na ba? H'wag naman sana.

"Huh? Ahh-ehh h--hindi."

"Hindi mo ako maloloko Brianna.." nakangising saad niya.

"Buntis ka Brie?" nakakunot-noong tanong ni ma'am Alyssa sa akin.

"Po??" I gulped. Baka ma-buking ako nito.

"Dai, halata kasi ang tiyan mo.. saka, hindi naman ganyan 'yung shape mo noong welcome party ni ma'am Alexa eh. At tingnan mo ako, buntis din ako kaya alam kong buntis ka!"

I sighed and nodded. Wala na akong nagawa kasi ginigisa talaga ako. Medyo halata na din kasi ang tiyan ko.

"May asawa ka na?!" gulat na tanong ni Valie. Umiling ako. Kita ang gulat sa mata nila ni ma'am Alyssa.

"Nadisgrasya sa maling tao.." ngiting saad ko na nakatingin kay Valie.

Kita ko sa mga mata nila ang awa kaya mabilis akong nagpaalam.
Ayokong kinakaawaan ako dahil sa sitwasyon ko. Kasalanan ko rin naman 'to. Uto-uto kasi ako..

"Ilang buwan na yang dinadala mo?" si ma'am Alyssa bago pa man ako makalabas ng pintuan.

"Four months po and 1 week"ngiti ko while waving goodbye.

Narinig kong napabuntong-hininga silang dalawa.

Kung alam niyo lang!

Pagod ako nang makarating sa inuupahan kong apartment. Mabilis akong sumalampak sa mini sofa ko sa kwarto ko. Maya-maya'y biglang kumalam ang sikmura ko kaya napatayo ako para kumuha ng pagkain sa kusina— ang nilagang patatas.

Hindi ko alam ito na naman ang cravings ko ngayon. Nilagang patatas na sinawsaw ko sa ketchup. Masarap..

Binuksan ko ang TV at nanonood ako ng news habang sarap na sarap sa kinakain ko.

"Anong masasabi mo sa nakuha mong award bilang best actor Lexus?" Tanong ng isang showbiz reporter sa kanya na si Yna Montenegrin.

Kung bakit ba naman kasi pagkabukas na pagkabukas ko ng TV ay iyon kaagad ang tumambad sa akin— showbiz!

"Masaya naman po ako pero bago ang lahat, gustong-gusto kong magpapasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa akin. Kung wala kayo, wala rin ako dito." aniya.

Tss! Sumusuporta my ass! Akala ko ba mag quit sa showbiz? Tsk!

"So, any inspiration? Balita ko may bagong naghihintay na project para sayo?"

"No, but I need to quit showbiz now. Siguro panahon na para tumigil na ako sa showbiz. And regarding to that inspiration, yeah, I have one."

See that Brianna? Wag ka ng umasa!

Mabilis kong pinatay ang TV at dumeretso na sa kwarto ko nang marinig ko ang sinabi niya.

Two months later..

"GIRL, alam mo ba ang trending ngayon?" bungad sa akin ni Kath pagkapasok ko pa lang sa entrance ng bar. Mukhang inaabangan talaga ako ng gaga.

"Wapake dai!" sagot ko at mabilis na nagpunta sa counter ng bar. Buti nalang at wala pang masyadong tao.

"Grabe naman 'to.." nakasimangot niyang saad sa akin sabay ayos ng buhok niya sa likod ng tenga.

"Oh bakit ba? What is it?"

"Siguro kilala mo naman 'yung artista na si Alexander Fuentebella 'di ba?"

Napatigil ako sa ginagawa ko at kinakabahang tumingin sa kanya.

"W-what about him?" I cleared my throat before asking her.

"Alam mo ba 'yung mommy niya ay...."

"Hindi ko pa alam Kath kaya bilisan mo na, dami mo pang dinadaanang kanto bago ka makarating sa akin. Ano ba kasi 'yun?" inis kong tanong sa kanya.

"Hay naku! Wag na nga lang. Highblood na naman si juntish..panoorin mo nalang sa wetube, 'yung pag kidnap sa mommy niya at pagligtas sa kanila ng isang familiar na mukha!" aniya at mabilis na lumakad papunta sa may stage kasi any moment from now dadagsa na ang mga customers.

Nakakapagod mag serve ng drinks. Hayyss!

Katatapos lang ng duty ko kaya nagpahinga muna ako at uuwi na rin maya-maya.

Malaki na ang tiyan ko, three months nalang ang hihintayin ko, lalabas na ang baby ko.

I sighed.

Narinig ko ang nakakabinging ingay sa labas. Maya-maya'y narinig ko si Kath na nagsasalita sa entablado ng bar.

Kinuha ko ang bag ko nang mag ring ang cellphone ko. It was Caitlin.

"Couz!!" tili ko pagkasagot ng call niya.

"Aray! Nababasag yata eardrum ko sa tili mong gaga ka!" reklamo niya sa kabilang linya.

I chuckled.

"Eh sa na-miss kita e. Kumusta ka na? Tagal mong hindi nagpaparamdam ah!"

"I'm in Manila Brie with hubby. Happy birthday!"

"Huh??" Oh my! Oo nga pala birthday ko pala ngayon. Sa dinadami ng iniisip ko, nakalimutan ko na ang kaarawan ko.

"Ano bang nangyayari sayo at pati birthday mo ay mukhang nakalimutan mo na?"

"Busy ako sa paghahanap ng pera noh?"

"Tss! Saan ka ba ngayon? Kain tayo sa labas my treat."

Hindi ako nakapag-salita kaagad.

Kung kakain kami sa labas, ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya akong buntis?

'Yung mga magulang ko, hindi pa alam ang kalagayan ko. Natatakot akong sabihin sa kanila kaya wala muna akong sinabihan.

"Eh, busy nga kasi ako Cait.."

"Ano ba 'yan! Magkikita pa lang tayo, hindi mo man lang ako mapag-bigyan?"

"Kasi..."

"Wala nang kasi-kasi Brie! where are you now? Tell me your address, so I can fetch you 'kay? It's your birthday, let's celebrate and my treat!!" aniya.

Napabuntong-hininga ako. Bahala na, siguro maiintindihan naman niya ako.

"I'll text you nalang my address when I get home. Paalis pa lang kasi ako ngayon from work."sabi ko.

Narinig ko siyang napa-Yes sa kabilang linya. Napailing nalang ako when I dropped her call.

Kinuha ko ang bag ko, at lumabas na sa room naming mga employees ng bar.

"Uuwi ka na?" tanong ni Kath nang masalubong niya ako palabas.

I nodded.

"Yeah!" sabi ko na nakangiti habang hawak ang bag ko.

"Ingat kayo ni baby ha!"may pag-alalang sabi niya. Tumango ako at lumabas na.

I am grateful na sa kabila nang sitwasyon ko, mayroon pa ring tao na naintindihan ako, at si Kath 'yun.

Nasa labas na ako ng bar nang may narinig akong tumawag sa akin.

"Brie..." A familiar voice made me stop from walking. Nang lumingon ako, it was Lexus.

He looks so tired. His hair was messy. Haggard na haggard ang mukha niya.

I sighed.

Napailing ako at mabilis na umalis. Pakialam ko ba sa kanya?

Falling For My Housemaid ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon