Brianna Shane
"Brie, I'm sorry pero di kita matutulongan this time!" malungkot na saad ni Caitlin sa akin.
She's my dear cousin and engaged sa boyfriend niyang medyo may kaya din sa buhay.
Hindi ko na iki-kwento kung pano sila nagkita at kung paano naging sila kasi medyo mahaba-habang usapan na yun. Baka abutin tayo ng 2030 kung i-kwento ko pa sa inyo! Lols!
"Alam ko Cait (pronounce as Keyt). Hindi pa kasi binigay ni Ma'am Loisa yung sahod ko today. Kailangan ko na talagang padalhan sila Nanay ng pera para sa gamot ni Tatay eh."
"Sorry Brie! Alam mo namang kakapadala ko lang din kina Mama the other day diba kasi si bunso nasa hospital.."
"Yeah! I know.. don't worry! Magagawan ko ito ng paraan."
Tahimik lang ako habang nakatingin sa mga taong dumadaan sa harapan namin. Dito kasi kami ngayon ng pinsan ko sa favorite spot namin sa QC plaza. Problema ko din kasi ngayon ang pera na maipapadala sana sa mga magulang ko. Hayys! Ang hirap maging anak mahirap.
"Wait,Brie! Look!" parang nakakita ng multong sabi niya habang nakatingin sa phone niya.
Tiningnan ko din 'yung tinitingnan niya sa phone niya.
"Looking for housemaid. 10k starting salary. Please email me ASAP."
"Ito na ang sagot sa problema mo Brie!"
"At pano naging solusyon yan? Isang buwan pa bago ko makuha ang sweldo ko! At sinong matinong tao na mag sweldo ng 10k a month? Not unless bugbog katawan mo sa trabaho."simangot ko sabay hampas sa kanya.
"Ano ka ba? Grab mo na! At mag cash advance ka! Hay naku Brianna Shane Gonzales dating gawi dai!"
Tama! Bakit hindi ko subukan?
Pero pano kapag hindi papayag ang magiging amo ko? Pano kung masungit? Okay, dating gawi sabi nga ni Caitlin diba? Ano 'yung dating gawi kuno namin ni Caitlin? Sa amin nalang iyon.
After a minute..
"Brie! Brie! Brie!"wala lang lumalabas lang naman ang gilagid niya kakasigaw. Parang timawa e.
"Bakit ba? Para kang manok na katatapos lang mangitlog! Putak ng putak!"saad ko at halos sipain ko na siya dahil nakakahiya ang bunganga niya. Ang laki ng nganga e. Ewan ko ba sa babaeng 'to ang laki ng bibig!
"Eh, bakit ba? Punta ka na raw doon sa house noong magiging amo mo? Magdala ka nalang daw ng Police at NBI saka resume daw..." di maawat-awat ang ngiti ng bruha.
Siya lang naman masaya. Kasi ako, hindi ko alam kung makapag-advance ako ng sahod. Pero, dating gawi nga sabi niya. Siguradong-sigurado na maha-hire ano?
"Police? NBI? Bakit ano ba yun raid? Raid natin ang bahay— Aray!" Binatukan ba naman ako ng bruha.
"Tanga! Walang mang-raid. Magdala ka nga raw ng police at NBI doon daw sa house niya."
"Aba! Bakit nga ako magdala ng police at NBI doon?"
"For proof kung may criminal records ka ba! Ang tanga neto!"
"Mas tanga ka pala insan e. Police Record at NBI Record 'yun. Tss!" I tsked.
"Clearance hindi record! Tanga!"
Wait, teka! Ay ano ba yan! Sino ba yung nagsalita bigla sa likod namin?
Paglingon ko, isang matipunong lalaki na naka-cap at naka-shades ang nakita ko.
Hmm mukhang gwapo sana kaso pakialamero. Ngunit, parang familiar iyong mukha niya. Para bang nakita ko na siya somewhere down the road. Charoot! Kanta lang ganern?
BINABASA MO ANG
Falling For My Housemaid ( COMPLETED)
Romansa10,000-25,000 word counts. Lex is a famous actor, but almost ruined his career because of his girlfriend. Ex-girlfriend to be exact. He's been lonely for years,until his housemaid came. Unexpectedly,they fall in love. But, just like other relationsh...