Mabilis akong nagbihis nang magising ako na si Cholo nalang ang nasa bahay.
Umalis daw ang mag-ama ko kasama sila Nanay at Tatay at sa labas daw kami maghapunan.
Family dinner daw sabi ni Cholo. Tss!
I just wear a tattered jeans na pinarisan ko ng strapless na blouse.
"Ate! Mag-dress ka nga! Ano ba 'yang suot mo?" wika ni Cholo nang makita akong lumabas ng kwarto.
"Tama na 'to.."ani ko na hindi siya sinunod.
"Hay naku, 'yan ba ang isusuot mo? Samantalang ako naka formal attire dito?"
Iningusan ko lang siya at kinuha ang bag ko.
"Bahala ka! Kung sa pagpasok mo ng restaurant eh, iba na ang tinitignan ni Kuya Lexus at hindi na ikaw, problema mo na 'yun!"
Bigla naman akong natakot sa sinabi niya kaya mabilis akong bumalik sa kwarto at nagpalit ng damit. Narinig ko pa si Cholo na tinutudyo ako.
Hays! Oo nga paano nalang kung makahanap si Lexus ng iba? Iyak na naman ang drama ko ganern?
Wala naman kasi akong ibang damit kaya pinili ko nalang 'yung nabili ko noong bago ako nabuntis.
Isang off-shoulder na floral dress na hapit din sa akin. Kita ang hubog ng katawan ko.
Mabilis akong lumabas ng kwarto. At nadatnan si Cholo sa sala.
"Ate! Kulang nalang mag duster ka!" reklamo niya.
"Ano bang problema mo sa suot ko?"
"Magsuot ka nga ng magmukha ka namang elegante at hindi mukhang taga-bundok!" inis niyang saad sa akin.
"Eh, sa wala nga kasi akong ibang masuot e.."
Ang ending, ang isinuot ko ay ang tattered jeans kanina at ang off-shoulder blouse.
Nang makarating kami sa restaurant ay tumawag si Lexus sa akin. Iniwan naman ako ni Cholo sa labas kaya mag-isa nalang akong pumasok sa restaurant.
"Any reservations ma'am?" tanong ng isang crew sa akin nang makita akong pumasok.
"Mr. Fuentebella.."sagot ko.
"This way ma'am.." turo niya sa kinaroroonan nila Lexus.
"Thanks.." ngiti ko dito at kaagad na pumasok sa isang kwarto doon kung saan sila naroon si Lexus. Akala ko sa food chain kami. Dito pala kami sa isang mamahaling restaurant. Sosyal!
Pagkapasok ko sa loob ay wala akong makita sa sobrang dilim. Nakupo! Hindi yata tama ang napasukan ko.
Aalis na sana ako nang biglang pumainlang ang isang familiar na boses sabay ng pag-ilaw ng buong room kung saan naroon ang pamilya ni Lexus at mga pinsan, nandoon din sila Nanay at Tatay kasama si Cholo na masayang nakangiti sa akin. Anong meron?
I'm so scared that you will see
All the weakness inside of me
I'm so scared of letting go
That the pain I've hid will show, oh!Natulos ako sa kinatatayuan ko nang marinig kong kumakanta si Lexus habang papalapit sa akin, hawak ang microphone.
I know you want to hear me speak
But I'm afraid that if I start to
I'll never stopI see how sincere he is habang binibigkas ang bawat lyrics ng kanta..
I want you to know
You belong in my life
I love the hope
I see in your eyes
For you I would fly
At least I would try
For you I'll take
The last flight outYung tuhod ko, parang biglang nag-elastiko.. nanlambot siya nakupo! Naghalo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko.
I'm afraid that
You will leave
As my secrets
Have been revealed, oh!
In my dreams
You'll always stay
Every breathing moment from now, oh yeah!I know you want to hear me speak
But I'm afraid that if I start to
I'll never stopI want you to know
You belong in my life
I love the hope
I see in your eyes
For you I would fly
At least I would try
For you I'll take
The last flight outI cannot hold back
The truth no more
I let you wait too long (wait too long)
Although it's hard and scares me so
A life without you scares me moreDahan-dahan siyang lumuhod sa harapa ko at may kinuha sa bulsa na isang maliit na kahita.
My heart thumped hard habang naglalandas ang masaganang luha sa mga mata ko nang makita ang isang singsing na inilabas niya mula rito.
"Brie, ayoko ng mag drama, pakasal na tayo." aniya sabay kamot sa batok.
Tawang-tawa naman ang pamilya naming nanood sa proposal ni Lexus na walang-kwenta. Di man lang ako pinakilig.
"Pakiligin mo muna ako, bago ako pakasal sayo!" sabi ko sabay ingos at pahid ng luha ko.
"Arte mo ate! May anak ka na uy!" sigaw ni Cholo sa akin. Bwisit talaga ng batang 'to panira ng moment!
Pinandidilatan ko siya ng mga mata na ikinatawa ng lahat.
"Hindi! Brie, sorry sa lahat ng mga naging kasalanan ko sayo, sa mga pagkukulang ko. Alam ko, sa dami ng pagsubok na dumating sa atin na umabot sa puntong inaayawan mo na ako, pero salamat kasi tinanggap mo parin ako sa kabila ng lahat."
"Yung mga panahong, nagbuntis ka kay Riam na wala ako sa tabi mo, sobrang sakit sa akin 'yun, kasi hindi man lang kita naalagaan sa panahong kailangan mo ako." aniya na ngayo'y tumutulo na ang masaganang luha.
Kaya hindi ko na rin napigilan ang sunod-sunod na paglandas ng masaganang luha sa mga pisngi ko.
"Tiniis ko ang isang taon na tinitingnan lang kayo ng anak ko sa malayo para matupad mo 'yung pangako mo na mamahalin mo pa ako ng buo.. Kahit mahirap, kahit masakit, kahit gustong-gusto ko na kayong yakapin pero tiniis ko 'yun para mabura ang sugat na ginawa ko diyan sa puso mo at mamahalin mo na ako ng buong-buo." Aniya na patuloy pa rin sa pag-iyak.
"I love you Brie, and I always mean it. You're my life, my oxygen. I can't breathe without you and Riam. Will you be my wife? Will you marry me?.."
"I can't...." saad ko sabay pahid ng luha.
Gulat siyang napatingin sa akin na ikinabigla din ng lahat..
"I can't live without you too. And yes, I will marry you.." saad ko kaya napalitan ng tuwa ang kanina'y gulat at pait na reaksyon niya kanina.
Kaagad niyang isinuot sa akin ang hawak na singsing at niyakap ako ng mahigpit.
"Bakit ba ganyan ang suot mo?" tanong niya pagkabitaw sa akin at pinahiran ang luha ko using his fingers.
"Lahat nalang kayo may problema sa suot ko." busangot ko.
"You're showing too much skin baby. Akin lang 'yan. Walang ibang pwedeng tumingin diyan."
"O.A nito!" wika ko sabay kurot sa tagiliran niya.
Masaya ako! Akala ko hindi na darating ang pagkakataong ito.
Tuwang-tuwa naman ang mga parents ko, at parents ni Lexus lalong-lalo na si ate Alexa at 'yung mga pinsan niya kasi, finally daw ikakasal na kami ni Lexus.
We decided to get married by next month kaya bumalik kaming Maynila ng mag-ama ko kasama sila Nanay at Tatay pati ni Cholo.
Gusto kasi ni Lexus na nandoon sila Nanay at Tatay at Cholo para daw kapag umalis siya dahil siya na ngayon ang namamahala ng kumpanya nila, ay may makakasama kami ni Riam sa bahay.
Medyo busy na rin kami sa pag-aasikaso ng kasal namin kaya minsan iniiwanan ko kay Nanay si Riam, minsan naman kila Mommy at madalas kay ate Alexa.
Tuwang-tuwa naman si Caitlin nang sa wakas daw ay ikakasal na ako sa lalaking pinakamamahal ko..
BINABASA MO ANG
Falling For My Housemaid ( COMPLETED)
Romance10,000-25,000 word counts. Lex is a famous actor, but almost ruined his career because of his girlfriend. Ex-girlfriend to be exact. He's been lonely for years,until his housemaid came. Unexpectedly,they fall in love. But, just like other relationsh...