Moon 27

63 9 0
                                    

Ayokong umuwi. Ayokong magpakita sa kahit na kaninong kakilala ko. Gusto kong mapag-isa. Pero hindi pwede.

Bakit ganon? Nakita ko naman na mahal talaga ako ni Tyler, diba dapat mas lumago yung nasa loob ko na pag bigyan ulit siya? Pero bakit hindi, kabaliktaran ang nabubuhay sa akin. I wanna give tyler a second chance, pero dahil sa Dad niya ay hindi nalang. Yes i fcking saw Tyler shouting my name! Pinaglaban niya ako don, pero yung sinabi ng dad niya patungkol kay Mary at sa kaniya ay sobra sobrang masakit! Sapat ng rason iyon para mapatunayan ko na mahal niya ako sa parteng pinaglaban niya ako, but damn this! Hindi tama! Hindi tamang ipaglaban ang isang tao kapag mayroong pagkakamali.

Gosh tyler, bakit ang sakit ng pinaparamdam mo? Nakita ko lahat pero di iyon sapat. I'm sorry, ayaw ko na mas masaktan pa, I'll gonna distance myself to you. I won't let myself go near to you. Tama na talaga.

This is it. Hindi na puwede, alam ko na sa huli ako din ang makakawa.

Nanatili ako dito sa isang tabi ng parke, Wala akong gustong puntahan o kausapin, god help. Napatingin ako sa cellphone ko na kanina pa nagba-vibrate.

I checked it. There's a message from Chyr, Mckleen, Keith and Matheo. When i read his name, Nanginig ang mga kamay ko at tila may kumukurot ng kung ano sa puso ko.

I'm sorry guys, sorry to disappoint you, Hindi ko naman alam e, I'm just carried away. Damn. Sorry.

Pinunasan ko ang mga luha ko na kanina pa pumapatak. Tanga nga siguro ako, sobra. Sobra.

I started to read their messages to me, Hindi ko alam pero parang nagtatawag na ang puso ko ng puwedeng maiyakan. Ginusto ko ito diba? Pinili ko si tyler, pinili ko ang kapakanan niya? Ngayon ay magdadrama ako rito, maybe his dad was right, I'm such a stupid person fck.

From: Chyr

Umuwi ka before 10, i am warning you. Maguusap pa tayo.

I wanna reply sorry, pero para saan pa?

From: Mckleen

Hey. Umuwi ka na, Nagrarant na si Chyr sa amin, We said the truth. It's for your safety though, Hindi na ako galit. Sorry sa mga nasabi ko. Ily.

Mas lalo akong napahikbi, Nabawasan ang kaba ko sa pagbabasa ng messages nila, Mck thank you, super.

From: Keith

Hoy. Umuwi ka na daw pinapasabi. Di pa rin tayo bati.

I laughed. Seriously, Keith? I want to hug her and Mck. Grabe lang, mas pinili ko ang iba kaysa sa kanila, sinabihan na nila ako na wag akong lalapit sa kanila, but still, eto sila, nagc-care sa akin.

And the last sender was Matheo, wala akong lakas ng loob basahin ang galing sa kaniya. Natatakot ako. Sa kanila, sa kaniya ako pinaka nahihiya. I declined his invitation, and now, sinira ko ang pangako ko sa kaniya.

Tumayo ako at muling bumuntong hininga. Okay, tama na Lenoxx ha, kailangan mo ng umuwi. Baka muling mabuhay ang imahinasyon mo, hindi puwede iyon.

-

Hindi ako sumakay o ano pa man, i was about to get something in my bag, when i saw a handkerchief. Nanginginig ako na hawakan iyon. I-it was look a like to the handkerchief na bigay ng lalaking tumulong sa akin, at ang bigay ni Matheo, what the heck. Katulad at kaamoy ito non, nagdududa na talaga ako. Pero, imposible rin kasi na siya iyon. Sobrang imposible.

Kinuha ko ang panyo at inayos muli ang bag. Sakto na mayroong ilaw na tumatama sa akin ngayon, i saw a capital letter H, H?

-

"Chyr.."

"Don't explain now, magpahinga ka na. May pasok pa bukas." Aniya at naunang pumasok sa kwarto niya, Ang buong akala ko ay mag-uusap kami ngayong gabi, kaya habang naglalakad ay inaayos ko na mga sasabihin, ang tamang pagpapaliwanag, ang mga nangyari, pero hindi iyon nangyari though, she's cold to me. Bakit Lenoxx? Sino ba ang hindi magiging cold sa ganoon ha?

I smiled weakly. Kasalanan ko naman 'to e, Napagsabihan na ako pero hindi ko pa rin sinunod, hindi ko pinakinggan, I thought everything will be alright, pero hindi. Mali, maling akala.

Pumasok na ako sa kuwarto ko at nahiga nalang, wala akong gana na mag ga galaw ngayon. Chyr is mad at me, ang bigat, ang sakit. Pero, kasalanan ko naman, maybe this is the consequences, sa pagpili ko kay Tyler. Ang tanga tanga! Bakit kasi pinili mo pa! May napatunayan ka nga, talo ka pa rin naman! Argh!

Sa sobrang bigat at sakit ng nararamdaman ko, kusa kusa nalang tumulo ang mga luha ko at nakaramdam na rin ng antok.

-

"Chyr sabay--"

"Mauuna na ako, may activity kami, mag almusal ka kung gusto mo, itapon mo kung ayaw mo," Aniya at tuloy tuloy na umalis. Hindi ko na lang siya pinigilan. I smiled.

Kumain ako ng kaunti atsaka naisipan na pumasok, ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa pagpasok. Mas kabado pa ako rito kumpara sa mga defenses ko noon.

Tahimik akong pumasok ng Classroom at umupo sa upuan, Napukaw ko ang atensyon ng lahat kahit na sa likuran ako dumaan, Ang kaninang maingay na section namin ay natahimik, at kung makatingin sila ay parang wala ng tiwala. Shit.

Una kong tinignan ang upuan ni Matheo sa unahan, Oh my god! He's now here! Pumasok na siya! Iniwas ko na agad ang tingin at tumingin sa magkabila ko, Keith and Mck are smiling at me, i smiled back. Nag beso beso lang kami at hindi na muna nagpansinan. Tumingin ako kay Kuya Anton, nag-iwas siya ng tingin at umupo na sa tabi ni Matheo. Kuya..

Wala akong magawa, tumungo nalang ako, nakakahiya. Sobra.

"Matheo! Ayan na ulit siya o, HAHAHA!" Sigaw ng isa naming kaklase, doon ay dahan dahan ako na nag-angat ulo.

Sa nakita ko ay bumalik na naman sa isip ko ang nangyari kahapon, Ang mga sinabi ng Dad niya, Ang ginawa ng Dad niya, Si Mary, at siya. Damn.

"Matheo, Hahahaha!"

"Anong meron?" Narinig ko ang tanong ni Keith, yumuko na ako ulit kaya hindi ko na nakikita ang mga nangyayari.

"Wala naman, inaasar lang namin si Matheo doon sa babae, ganda daw kasi HAHAHAHA!"

"Sus mas maganda pa si Lenoxx jan,"

"Oo nga," Mckleen agreed, okay? Awkward?

Kunwari ay wala akong narinig, bakit ako nasasaktan ha? E ano kung nagagandahan si Matheo don? I'm just his friend, friend? Okay classmate, I'm just his classmate, anong inaarte arte ko? Dramatista?

"Tama na nga ang asaran, wag niyo ng asarin si Matheo, baka may magselos pa jan,"

Napa angat ang ulo ko. Nakita ko na nakatingin sila sa akin kaya inayos ko ang upo ko at kunwari na lamang na inaayos ang bag at muling tutungo. Damn, nakakahiya. I didn't see if he's staring,

Shit. Nakalimutan ko na ang sakit kay Tyler, parang wala na lang sa akin iyon, dahil natabunan ng sakit nitong kay Matheo. Ganito ba ako ka-malas?

"Wala namang magseselos," Matheo said and he smirked, hindi ko tuloy alam kung tutungo ba ako para hindi pansinin ang paligid o tutungo para mahinang humikbi. Damn.

"Owwww!!" Sunggab ng boys na nagpaingay sa buong klase.

Parang meron, Matheo..

--
SASSYKYLIE

My Moon (MY Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon