Moon 16

81 11 0
                                    

Kabadong-kabado ako na nasa gilid ni Mckleen, Gosh. Hindi ko pa din makalimutan ang about sa pabango niya!

That's the first time I smelled that kind of perfume! Hindi siya common, pero ayokong isipin na si Matheo nga talaga ang tumulong sa akin non.

At bakit ka naman niya tutulungan ng mga oras na iyon, Len? Bakit? Kilala ka ba na niya? Close ba kayo? Sino ka para tulungan niya, at worst! Sa sobrang suplado niya, paniguradong walang pakialam iyon! Baka nga dinaanan lang niya ako non, dahil wala siyang pake!kung siya man iyon!

"Oh? Natahimik ka?" Mckleen asked, Keith is busy on her bag.

"I bet! HAHAHAHAHA, kinabahan 'yan kasi nakita si Matheo!"

"Tigilan niyo nga kabaliwan ninyo, tss. At bakit naman ako kakabahan kung andiyan yung suplado na yon?" Banat ko naman, naghagikgik lang sila.

"Hi Matheo!" Tawag ni Keith mula sa likod ko at bigla akong kinabahan, no i mean dumoble ang kaba!

"HAHAHAHAHAHA!" sabay na tawa ng dalawa, naglakas loob ako na tumingin sa likod at paligid ko pero wala naman si Matheo, oh wait why am I searching for him?

"Told ya!"

"Mckleen teka, HAHAHAHAHAHA nasakit na tiyan ko, wait HAHAHAHAHA bakit ka ba kinakabahan at aligaga, ha Lenoxx?" Usisa ni Keith, itong babae na to napakalakas mag-usisa akala mo'y walang pinoproblema.

"Ano ba! Di naman ako kabado, Kainis kayo. Waiter!" Tawag ko sa waiter para ma-segway ko na ang topic, hays! This two crazy, bakit din ba kasi nandito si Matheo e, hello?! Mall ito, malamang kahit sino, pwede! Argh!

Sabay-sabay na kaming umorder. I prefer to use my cellphone while waiting to our orders. Ganon din naman ang ginawa ng dalawa. Wala na kaming ginagawa pa dito. Kakain nalang at uuwi na. Nabilhan ko na din ng java chip si Chyr. This is enough for her.

Dumating na ang order at nagsimula na kaming kumain. Nag-picture takings muna atsaka nag-umpisa. Nang matapos kami sa pagkain ay naghati hati kami sa bayad at nagkayakagan na din na umuwi na.

Sa exit ay naghiwalay na kami ng landas, tatlo. Magkakaiba kasi ang way namin pauwi.

Mag-isa nalang ako sa harap ng mall, waiting for the jeep or cab. Depende sa makikita ko na maaring sakyan.

Feeling ko ay kalahating oras na akong nakatayo dito at wala pa din. Naglakad nalang ako katulad ng ginawa ko noong nakasama ko si Tyler dito at talagang nag-effort siyang habulin ako but he's on his car while i am walking that time.

God yung prank ko about don sa lalaki nagsumbong ako sa inosenteng lalaki na nakasalubong ko para lang maka-escape na kay Tyler.

Habang naglalakad ay nag-iintay pa din ako kung saka-sakali na may dadaan, pero goodness wala pa din! Pinagpatuloy ko ang paglakad.

I texted Chyr, she said everything is fine at home. Wala na akong lilinisin dahil sa sobrang bored niya ay nag-linis na lang siya.

Sobrang nananakit na ang paa ko. Malapit na din naman sa aming village pero napapagod na talaga ako. Umupo muna ako sandali, resting my feet.

Damn this feet, parang hindi sanay tumakbo noong bata pa, ngayon ay kaunting galaw ay nananakit na.

"Excuse. " Napalingon ako sa malamig na tono ng lalaking iyon, natatakpan ng sumbrero ang mata niya. Wait ang ganda ng sweater niya marahan ako na tumabi para makadaan siya. Omg nakakahiya at kababae kong tao ay nakasalampak ako dito sa gilid ng kalsada.

Nang makadaan siya sa harap ko ay naamoy ko ang pabango na katulad kay Matheo at ng nasa panyo.

I don't know this guy, Hindi naman din siguro siya si Matheo? Malamig ang boses. Mukhang hindi talaga siya si Matheo. But his perfume, his scent. Looks like Matheo's.

Hindi kaya common lang ang pabango na ito, at talagang sadya na hindi ko pa iyon naaamoy? Baka nga.

Nagumpisa na ulit ako na maglakad. Natanaw ko pa nga ang lalaki na nagpatabi sa akin kanina. His scent is bothering me. Iyon lang kasi ang basehan ko sa lalaki na tumulong sa akin, the handkerchief and the scent of it.

Hindi kaya ang lalaki naman na ito ang tumulong sa akin? Ayoko namang mag-assume, Ayoko din siya kausapin, What am I? Feeling close? Nakakahiya.

Napalingon ako sa isang seven eleven na nadaanan ko, Mabuti pa ay magpahinga na muna ako dito. Bumili ako ng isang big delight at doon ay uminom. Nag-stay pa ako ng atleast ten minutes atsaka agaran na din na umuwi. Pagod na pagod ako pagka-uwi. Chyr is happy on her java chip.

Naisipan ko na matulog na muna. May apat na oras din ang tulog ko. Kailangan ko naman kasi ng pahinga dahil maggugugol ako ng oras sa paggawa ng aking mga plates.

Mamaya hanggang kinabukasan kung sakali na hindi ko man matapos sa ngayon ay atleast kaunti nalang ang gagawin ko sa kinabukasan.

Bago ako magpatuloy sa paggawa ng plates ay naisipan muna ni Chyr na magluto ng popcorn. Ilang minuto nalang kasi ay ipapalabas na ang natatanging teleserye na pinapanood ko sa TV. Napagdesisyunan ko din na manood muna, wala naman itong isang oras kaya ayos lang.

We enjoyed the teleserye, Sobrang nakakakilig talaga iyon mangha din ako sa bansa na ipinapalabas nila. Nang matapos ang panonood ay naghapunan na kami ni Chyr.

"Anong meron kanina? Chika."

"Si Keith, pinapauwi ni Tito sa LA, doon nalang daw mag-aral Keith is thinking if she'll say yes or no. Sensitive si tito, kaya natatakot siya at iniisip din niya ang utang na loob niya dito."

"Ay ganon? Pero di naman sa pagaano, mas makakabuti siya doon. She wants to be an engineer diba? At maganda sa kaniya bilang isang estudyanteng inhenyero ang makapag-aral sa ibang bansa buti pa nga siya." Aniya sabay subo ng pagkain tumango lamang ako at nginuya muna ang nasa loob ng aking bibig.

"Iyon din ang naisip ko pero syempre. Maganda kung dito na lang tapusin ni Keith atsaka pagtapos ay magaral ulit siya at doon na iyon sa LA, diba?"

"Hmm, oo nga."

Natapos kami sa pagkain, Ako na ang magprisinta na maghuhugas pero umayaw si Chyr. Gawin ko nalang daw ang plates ko mas kailangan iyon. Wala naman daw siyang gagawin kaya ayos lang. Tumango nalang ako, pagkapasok ko sa kwarto ay inayos ko muna ang lahat ng kalat at nag-umpisang gawin ang plates.

Sa kalagitnaan ng paggawa ko ay napaisip ako.

"Should I really ask matheo about this just like what Chyr wants? Kayanin ko ba na tanungin kay Matheo na kung siya ba ang tumulong sa akin?" Bulong ko sa sarili sabay tingin sa panyo.

Wait? Bakit parang may iba sa panyo? Ano 'to? Letter A?

---
SassyKylie

My Moon (MY Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon