Moon 37

68 5 0
                                    

Hindi ako makakain ng maayos ngayon, Kabado akong papasok ngayong araw. Pilitin ko man ang sarili ko na maging kalmado ay hindi ko magawa. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaaway sa FAM.

"Len.." mahinang tawag ni Chyr sa akin, lumingon ako sa kaniya. Sabay kami na kumakain ngayon pero lutang na lutang ako. Iniisip ko ang mga pwedeng mangyari mamaya.


"Chyr kasi, kahapon. Pinipilit kong layuan sila Matheo at Claudine, kasi diba? Nasabi ko sayo na naiinis ako sa di malamang dahilan, tapos kahapon Pilit niya akong inaaanyayahan, I always declined her because offers, maayos naman ako na tumatanggi, Until i can't."

Tumango siya, "bitch mode on?" tanong niya,


"I don't know, nainis na talaga ako. She's irritating, lumapit siya sa akin at sinabi na inaasar niya lang ako."


Nanlaki ang mata ni Chyr, natapos na ang pagkain namin at papasok na kaming dalawa, She can feel my nervous. Well i don't care, kaba lang naman ito.


"Are you sure, you're alright?"


"Yep, don't worry. Tara na,"


Mabilis ang maging byahe namin papunta ng School, pagkarating ko sa building namin ay nagpaalam na ako kay Chyr, baka daw hindi siya makasabay sa akin kanina, mauna nalang ako na umuwi, i answered her in my nod.

Paakyat ako ng third floor ng marinig ko si Kent,

"Nakakatakot si Lenoxx."

"True, teh. Mali naman kasi ni ate mo claudine, e asarin ba naman si Len, e mukha pa namang badtrip ate mo." Sagot ni bakla,

Nagpakita ako sa kanila, I saw their eyes, gulat na gulat tumango ako para maging komportable sila, ayaw ko ng kinakatakutan ako dahil sa ugali ko, it's bad for me.


"Len!" Sigaw ni Kent sabay hatak sa akin,

"Teh, kumalma ka please?" Sabi ni bakla sa akin, ngumiti ako.

"Kalmado." Sagot ko sa kanila, Nagulat ako ng yakapin ako ni Bakla, i hugged him back.


Pumasok na ako ng classroom at iniwan silang dalawa roon, Confident ako na pumasok, sinalubong ako ng beso nila Mckleen at Keith,

"Are you alright?" Tanong nila sa akin, tumango ako at sumagot ng oo.

"Mck, if you don't mind, pwede bang paabot non?" Sabi ko at ipinaabot ang lapis na gumulong. Naging normal naman ang kalahati ng araw namin, Normal na parang walang gulo kahapon,


"This." She said and gave the pencil, Third class namin ngayon pero wala ang teacher, Nilapitan ako nila Mckleen at Keith.


"Len? We saw you distancing to them, ramdam namin na ayaw mo ng gulo, but we can't understand why is she need to tease you, is she your friend?" Tanong ni Keith, umiling ako.

"She's not. I don't know why she did that, yep. Lumalayo ako kasi girls, napagsusupladuhan ako ni Matheo, ayaw ko naman makagulo, we know him as a real Suplado, pero when it comes to me, It's triple."


"Seriously?"


"Uhuh." Sagot ko,


"Sinupladuhan ka din ba niya nung hinabol ka niya pababa?"


"Hinabol?" Pabalik kong tanong kay Mckleen, tumango siya, "Yung sinundan ka niya pa cafeteria ka?"


Should i say this to them? Well, definitely yes.


"It's about my noise. Nasira daw ang gawa nila dahil sa ingay ko, noong sumigaw ako. Nasanggi mo ako non diba, Keith?" She nodded, "There kinompronta niya ako, then i said it's alright, he insisted her apology."


Nagkatinginan sila. Magsasalita pa sana si Mck ng bigla akong tawagin ni Kuya Anton,


"Lenoxx, sis." Nagtanong ako ng bakit pero tinawag niya lang ako gamit ang hand gestures, lumapit ako kahit na katabing upuan niya lang sina Matheo at Claudine.


"Lenoxx, i want you to pass this to queen, Can you?" tanong niya, tumango ako.


"Of course, Kuya. Magpapasama na lang ako kayla Keith at Mckleen,"


"No, pass it, ikaw lang." Pagpupumilit ni Kuya na ikinanuot ng noo ko, what?


"But--"


"Please, sis?"


Tumango ako at tinanggap ang papel. Nagpaalam na ako na aalis, Tinaasan ko nalang ng kilay sila Mckleen at Keith para hindi na sila sumunod, mabilis na lang ako na bumaba ng floor.

-

"Pinapapasa po 'yan ni Kuya, i think queen he's not on his mood, maybe he's sick?"


"alright, alright. Thank you, baby."


"Welcome po. Gotta go," Nagpaalam na ako at babalik na sa classroom.

Nang makalabas ako ng faculty ay nakita ko si Matheo, Standing near the gate of the stairs. Nagkibit balikat ako na umakyat. Hinarang niya ako sa unahan palang. Nagumpisa ang kaba sa akin. What the?


"Let me go." Mahinhin kong sabi at inilalayo ang kamay ko na hawak niya,


"Let's talk." Sabi niya at hinatak ako sa kung saan, what the hell? Ano bang kailangan niya, ha?


"Bitawan mo ko, oy!"


"Lenoxx.."


"Matheo, wala tayo dapat pagusapan, ayos na yung pag-uusap kahapon, aren't you satisfied there?"

Hindi siya sumagot kaya binawi ko ang kamay ko at dire-diretso na bumalik ng klase, Ano siya hilo? Pagkatapos niya akong pagsabihan ng kung ano ano ay yayayain niya ako para makipagusap sa kaniya? Isn't he tired to talk? Suplado siya diba, bakit hindi panindigan?

-

Time passed by. Masama ang tingin sa akin ni Matheo, pake ko naman sa kaniya? Nanatili na tahimik si Claudine at kung sino sino lang ang kinakausap. Kung sana ganiyan ang ginawa niya, edi sana ay hindi nagkagulo ang FAM? Hindi naapektuhan ang iba diba?


"Lenoxx, nabalitaan mo na ba?" Sabi ni Kent na ikinanuot ng noo ko,

"Alin?"


"Debate?"


"Debate?"


"Ay oo, Len! Sa bawat section daw ay kukuha ng dalawang representative for the upcoming big debate, Kanina lang yon in announce, online if i am not mistaken?"


Tumango lang ako, "Ngayon ko pa lang narinig 'yan, Sino ang ilalaban sa FAM?" Inosente ko na tanong,


"Napagkasunduan kanina, Ikaw pati si Matheo ang itatagis doon." they said, nanlaki ang mata ko, what? What they did say?


"What?"


"Ang sabi naman doon ay sa classroom lang muna ang labanan at iiskoran lang muna ng adviser, Pipili ng pinakamagaling sa dalawa at siya ang Final representive."


"Po? Ayaw ko, nakakakaba. Pick another one, wag na ako." Sabi ko naman, alam ko naman na pag sa debate ay ako ang inilalaban dahil maayos ko na naidedeliver ang bawat salita sa pakikipagdebate pero dito ay ayoko.



"Labanan mo ako." Sabi ni Matheo na nakapagpatigil sa lahat.


Talaga bang gusto nito na labanan ko siya?


--
SASSYKYLIE.

My Moon (MY Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon