Chapter 14: All Apologies

2.8K 41 13
                                        

Paglabas ni Gabo sa opisina niya, nakita niya ang tatay ni Billy na nakaupo sa receiving area. Alam ni Gabo na nagsabi siya kay Billy na gusto siyang makausap nito, pero di naman niya inasahan na pupunta ito sa opisina niya. Akala niya tatawag lang sa kanya.

He was actually planning to invite him for dinner or lunch kasi gusto rin naman niyang makausap ang ama ni Billy nang harapan para malaman niyang malinis ang intensyon niya sa pagiging Tatay sa kambal at, kung papayag si Billy, sa pagiging future son-in-law din. He knew he needed to make a good "official" first impression since nakausap na niya si Tony dati — nung pumunta siya sa Nueva Valencia para hanapin si Billy almost five years ago.

"Sir, good morning po," bati ni Gabo kay Tony at inilahad ang kamay.

Tinanggap naman yun ni Tony at bahagyang ngumiti kay Gabo. They shook hands. "Magandang umaga. Pasensya ka na ha at pumunta ako dito nang walang pasabi," sabi niya kay Gabo.

Gabo shook his head. "Wala pong problema. You're always welcome here," he said. "Dito na lang po tayo sa opisina ko mag-usap, sir." He said as he opened the door to his office and motioned towards it. He turned to his secretary. "Anna, please bring us some snacks. Sir, baka po may gusto kayo. Coffee, tea or water? Softdrinks?"

"Tubig na lang, salamat," Tony replied.

"Anna, pakidala na lang sa office. Coffee ang sa'kin," Gabo said to his secretary before entering his office with Billy's dad. Pinaupo ni Gabo si Tony sa sofa sa opisina niya at umupo siya sa tapat nito.

Tony cleared his throat. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," simula niya. "Alam ko namang alam mo kung bakit ako nandito."

Gabo nodded. "Yes Sir. At pasensya na po na kayo pa yung unang pumunta sa'kin when I should've been the one to reach out to you first," he said, looking Billy's father in the eye to prove his sincerity. "Ang gusto po kasi ni Billy, siya muna ang kakausap sa inyo. I wanted to respect her decision."

"Alam ko," Billy's father said. "Huwag mo sanang masamain 'to, pero gusto ko lang itanong kung anong balak mo sa mga apo ko. Sabi ni Belinda, gusto mo daw maging Tatay sa kanila."

"I'm co-parenting with Billy right now po. Ayaw din po kasi naming biglain yung mga bata. Kaya po kasama din lagi si Billy kapag nilalabas ko sina Brielle. Madalas po weekends ko sila nakakasama, pero nag-uusap naman kami sa phone o kaya video call. Pero ang long-term plan ko po talaga is to be a constant figure in their lives, lalo na ngayong nakilala ko na sila. Yung sana po hindi lang weekends," Gabo said with a smile. "Ayoko po sana na ganito ang setup namin lalo na kasi lumalaki na sila. Nagtatanong na, nakakaintindi na. Ayoko po na maramdaman nila na weekends lang ako may oras para sa kanila. I want to stay in their lives for good."

Kumatok si Anna na dala ang snacks at drinks nila kaya saglit na naputol ang usapan nila. Gabo could see that Tony was studying him. "Thank you Anna. Yung mga tawag ko pala, pakisabi I'll return their calls as soon as I can. May important appointment lang ako."

"Noted po, Zer," Anna answered and put the tray on the table before going out of Gabo's office.

Inalok ni Gabo ng snacks si Tony pero tumanggi siya kasi busog pa daw. Uminom lang ito saglit ng tubig at pagkatapos ay binalik ang tingin sa kanya. "Dimagiba ang apelyido nung kambal. May plano ka bang ayusin yun? Okay lang ba kay Billy?"

"Honestly, di ko pa po nabi-bring up yan kay Billy. Pero gusto ko po sana na ibigay sa kanila ang apelyido ko. Para rin po hindi magkaproblema sa issue ng mana. I'm already consulting with our lawyers. Pero syempre po kung papayag si Billy..." Gabo answered.

Tony raised a brow at Gabo. "So sa anak ko, wala kang balak?" he asked, may konting galit na sa boses. "Gusto ko lang magkalinawan na tayo sa mga plano mo. Kung gusto mong maging tatay sa mga apo ko, syempre lagi mong makikita si Billy. At kung makikita ka niya lagi, gusto ko nagkakaintindihan kayo kung ano ba kayo sa isa't isa. Mag-ex? May balak ka bang mag-asawa ng iba? Hindi rin ako papayag na may stepmother ang mga apo ko na di nila makakasundo." Alam niya na hindi rin yun magugustuhan ni Billy. Unang una, dahil sa mga bata. Pangalawa, dahil halata naman na may nararamdaman pa siya para sa lalaking 'to. Kahit hindi niya sabihin. Sa pagkakakwento pa lang niya tungkol sa mokong na 'to eh.

Make It Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon