Viewer's Discretion: love bombing
"Grae. Salamat nga pala sa lahat ha?" I said, "May pahatid-hatid ka pang nalalaman."
"Para maniwala sila kaagad." sagot niya, "Saka 'yong kanina, wala 'yon. Basta tutulungan kita, kahit na anong mangyari."
Nandito kami ngayon sa bus stop, naghihintay ng masasakyan na bus, pauwi.
I was surprised nang biglang magsalita si Grae, "Wala ka talagang balak sabihin sa'kin, kung sino 'yong gagong lalaking sinasabi mo? 'Yong dahilan kaya ka naghihiganti?"
"Ha?" I was caught off guard, "H-hindi ko alam. Siguro sasabihin ko naman, pero hindi pa sa ngayon. Bakit ba gustong-gusto mong malaman kung sino 'yon?"
"Syempre. Magkakampi tayo. Saka para maturuan ko na kaagad siya ng leksyon." ngisi niya.
Natawa ako sa sinabi niya, "That is if kakayanin mo. Hayaan mo na siya, he's going to receive the best consequences naman soon after our plan worked."
"Okay?" sagot niya, "Teka, bakit parang hanggang ngayon ipinagtatanggol mo pa rin siya? Mahal mo pa rin ba?"
I looked at him annoyed, "Pwede ba, ang dami mong tanong!" I complained, "Kung alam mo lang, hindi siya 'yong taong madaling kalabanin, lalo na't sigurado akong mas malakas siya kaysa sa'yo."
"Mas malakas kaysa sa'kin? Ano 'yon superhero?!" tawa niya.
"Gago ka talaga!" palo ko sa kanya, "and EXCUSE ME wala na akong nararamdaman sa mokong na 'yon." sige, magsinungaling ka pa, "Ginago niya ako, wala na akong balak magpakatanga ulit sa lalaki na 'yon. Kaya nga ako gumaganti 'di ba?"
Tumango-tango siya, "Okay, chill. Ang ikli lang ng tinanong ko, ang haba ng sinabi mo."
Mamaya-maya, dumating na 'yong bus.
Pinauna niya akong umakyat. Doon ako naupo malapit sa bintana, samantalang tinabihan naman ako ni Grae.
Medyo malayo-layo pa 'yong bahay namin, mas mauunang bababa sa'kin si Grae. Isinandal ko 'yong ulo ko sa balikat niya.
"Hoy." sita niya sa'kin, "'Wag kang matutulog. Ang hirap mo pa namang magising. Alalahanin mo, mauuna akong bababa sa'yo." paalala niya.
"Opo." sagot ko, sabay yakap sa braso niya, "Sasandal lang ako, promise."

BINABASA MO ANG
My Lover Is My Teacher (ON REVISION)
Roman pour AdolescentsTrigger Warning : toxic relationship, large age gap, intense language, rough sex, manipulation, guilt-tripping Disclaimer: This is a work of fiction created by the author. Further promotion of relationships with your teacher or any older person with...