Panic Attack

39 2 0
                                    

It's been hours already. Wala pa rin akong nakikitang pwedeng makatulong sa'min. Unti-unti na ring hindi nagiging familiar 'yong hitsura ng paligid. Sobrang layo ko na rin kay Pia.

Hingal na hingal akong napaupo sa lupa. I grabbed my chest, and calmed myself down.

"TULONGGGG!!!" I shouted.

Hinihingal pa rin ako, at unti-unti akong nakakarinig ng ingay na gumagambala sa tainga ko.

Mamaya-maya, napatingin ako sa langit nang bigla akong makarinig ng isang kulog.

"TANG INA! 'WAG KA NAMANG UMULAN!" I shouted.

Pero parang nagalit ata 'yong langit sa sinabi ko, kaya biglang buhos ang malakas na ulan.

H-hirap na akong makahinga, "Teka, si Pia! " pero kahit hirap ay dahan-dahan pa rin akong tumayo at sinundan 'yong trail ng rocks na ginawa ko pabalik kay Pia.

Ang kaso nang nasa kalagitnaan na ako ng trail, masyado nang maputik. Lahat ng iniwan kong bato, nilamon na ng putik, hindi ko na alam kung saan ako pupunta!

Bigla akong napaluhod, "H-hindi." I said, "Hindi pwede 'to!"

Natataranta na ako. Halos hindi na ako makahinga. I looked around me. Kulay abo na ang paligid, dahil sa sobrang lakas na ng ulan.

"TULOOONG!!!" I gasped, "TULUNGAN NIYO AKOOOO!!!"

My body lay flat on the ground, I barely couldn't move. I'm scared.
Wala akong kasama. Unti-unti na naman akong inaatake ng panic attack ko. Mas lalo akong hiningal, at nagpalpitate.

Mamamatay na ba ako?

Sa sobrang takot ko, hindi na ako gumalaw, hindi na ako makagalaw. Kung sino man ang nandyan please somebody, help us.

My Lover Is My Teacher (ON REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon